XL 16He picked up after a few rings.
"Treb?"
"Who...wait, Denzel?"
I was surprised...and impressed how he recognized me right away. People from my old school often told me that my voice sounds different over the phone.
"Nasaan ka? May number ka ba ni Kit?" Tanong ko.
Parang tanga lang, Denzel? Number lang ni Kit ang kailangan mo. Bakit mo pa tinanong kung nasaan siya?!
"We're not close." He replied. "Bakit? Anong nangyari? Bakit ganiyan ang boses mo?"
Why? What's with my voice?
"Si Marie kasi, nahimatay sa cafeteria. Dinala namin siya sa clinic at sabi ng nurse tawagan daw namin ang parents niya. The thing is...hindi namin mahanap ang phone niya." Paliwanag ko. "I was hoping Kit could help us contact her parents pero absent naman siya."
"Sandali lang, lalabas na ako ng klase. Hintayin mo ako sa clinic."
"Ha? Bakit? Nasa klase ka pala. Sorry, nakaistorbo yata ako..."
"Anything for you, Denzel. Sabi ko naman sayo diba?"
I felt an abnormal activity in my stomach. Parang may nagta-tumbling sa loob. Ano 'to? Gutom yata 'to...
"Sige, babalik na ako sa clinic." Sagot ko.
Halos magkasabay lang kaming dumating sa clinic. Nagkasalubong pa nga kami sa labas.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Treble sa akin.
"Si Marie 'yung nahimatay, hindi ako."
"You don't look so good, alam mo ba 'yun? Nagpuyat ka yata kagabi." Aniya.
Bakit ganiyan siya? Ang dami niyang alam...
"Wala ka na dun." Sabi ko. "So what's the plan? May kakilala ka ba na may number ni Kit?"
"Yung coach lang nila ang may number dun. Ewan ko ba pero ganun talaga siya noon pa man. I can't disrupt their practice because they have an important match tomorrow. Isa pa, hindi naman kilala ni coach si Marie kaya walang pakialam yun kahit sabihin kong nahimatay. He's cold as fuck."
"So???"
"So I have a plan. Pero chineck niyo na ba 'yung ID niya? Baka may number ng guardian niya dun." Treble said.
Lumabas naman si Rolan mula sa clinic. "Fake yung number na nakalagay," aniya. "Sinubukan ko ng tawagan."
"So what's the plan?" Untag ko kay Treble.
"Pupuntahan namin siya sa bahay." Sagot niya.
"Paano kung wala siya dun?" Tanong ko.
"Paano kung nandoon?"
Hindi na ako umangal pa. Tama naman siya. Paano nga naman kung nandoon? Kailangang sumugal...
"Alam mo ba kung taga saan siya?" Tanong ko.
"I don't," he replied. "But he does."
"He? Sino?"
"Teka, tatawagan ko." He said and then called someone. I heard him say "Sa clinic, pare." And then hung up.
Ilang minuto lang pagkatapos nu'n ay dumating ang isang pamilyar na SUV. The windows rolled down and an all too enthusiastic Sven waved at me.
BINABASA MO ANG
My Extra Large Girl [Completed]
RomanceAn extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance