XL 10

6.9K 191 1
                                    

XL 10

It was a Sunday morning and Papa cooked breakfast for the both of us. Hapon pa lamang siya magduduty dahil overnight iyon at hindi siya makakauwi mamaya— which means mapupuyat na naman ako ng todo. Hirap akong makatulog kapag wala si Papa sa bahay, pero hindi ko iyon ipinapaalam sa kaniya dahil baka masakripisyo ang trabaho niya dahil lang sa anxiety ko.

Ever since Mama crossed to the other realm, hindi na ako napapanatag kapag wala si Papa sa bahay tuwing gabi. Kung ano anong negatibong mga bagay ang naiisip ko.

"Pa, may sasabihin ako," I said while we were having breakfast.

"Ano 'yun? May boypren na ba ang siopao ko?"

Napangiwi ako. 'Yun nalang ba ang pwedeng pag-usapan? Si Papa talaga...

"Tatanda na akong dalaga, Pa. At hindi 'yun ang sasabihin ko."

"Sus. Eh ano pala?"

Huminga ako ng malalim. Paano ko kaya ito sasabihin sa parang mauunawaan niya ang punto ko?

"Pinapakaba mo naman ako sa paghinga mo ng malalim. Ano ba yan?" Tanong ni Papa.

"Graduating na ako this April, 'di po ba? March pa lang ay mag-apply na ako sa mga kumpanya para makapagsimula agad ako sa trabaho pagkatapos ng graduation."

"Hindi ka ba magpapahinga muna?"

"Hindi, Pa. Balak ko sanang patigilan ka na sa pagtatrabaho. Sana bandang December ay maabisuhan mo na yung boss mo na aalis ka na para makapaghanap na ng kapalit mo."

"Anak..."

"Sorry, Pa. Medyo magiging selfish ako ngayon ha? Alam mo naman na ang hirap sa akin na wala na si Mama..."

"Ano ba ang sabi ko sa'yo dati? Magtrabaho ka para sa sarili mo. Maging masaya ka. Matanda na ako kaya gusto ko sanang habang kaya ko pa ay magampanan ko ng maayos ang pagiging ama at ina sayo. Two-in-one ba."

Napangiti ako doon pero umiling ako.

"Pahinga ka na, Pa. Ako na ang bahala sa atin." Pangungumbinsi ko.

"Ano ba ang ipinag-aalala mo talaga? Na sumunod ako sa Mama mo? Matagal pa 'yun. At kung gusto mo akong tumigil na sa pagtatrabaho, mag-asawa ka na at bigyan mo ako ng apo. Titigil lang ako sa trabaho kung magbabantay ako ng apo."

Ridiculous.

"Hay, ewan. Alam ko na talaga kung kanino ako nagmana ng katigasan ng ulo." I mumbled. I am truly a perfect combination of my Mama's brilliant mind and my Papa's stubborn personality.

"Ano kamo?"

"Wala po. Kain ka lang diyan..."

Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako dahil pupunta pa ako sa mall para magbayad ng bills at makapag-grocery na rin. Ayaw kong maubusan ng mahahalagang mga ingredients at mapilitan pang bumili sa convenience store sa bungad kung saan maraming mga estudyanteng tumatambay.

"Mag-ingat ka sa labas," habilin ni Papa bago ako umalis.

"Ingat din sa pagmamaneho," sagot ko at saka umalis na.

I haven't heard about Treble since he left yesterday. A part of me is curious as hell kung kumusta na siya, yet a part of me tells me na hindi makakabuti para sa akin ang mag-alala para sa kaniya. It might turn into habitual sympathy, hanggang sa maging empathy na, tapos baka maging sobrang concerned na ako sa kaniya. Ang hassle.

Mabilis akong natapos sa bills payment center kaya naisipan kong dumaan muna sa department store bago bumaba sa supermarket.

Nag-hello sa akin ang mga cosmetics kaya nilapitan ko naman sila.

"Uy ang aesthetic naman ng packaging neto..." I blurted in awe as I held a tiny sachet of CC Cream. Pwede kayang ito nalang gamitin ko at huwag na 'yung BB cream?

Magtatanong sana ako sa sales lady pero namataan ko si Marie sa 'di kalayuan. Mag-isa siya, at papunta rin dito sa cosmetics section.

Nagtago ako sa kabilang aisle pero nakasilip pa rin ako dahil gusto kong makita kung ano'ng gagawin niya.

Nakita ko siyang lumapit sa sales lady.

"Hi, bes!"

Nagbeso-beso sila. Uy wow, close?

"Uy, nandiyan pa ba yung lipstick na gusto ko?" Tanong ni Marie sa kaibigan. "Itago mo muna ha, babalikan ko 'yan pag nakapera na ako."

"Naku! Ilang linggo mo na kayang sinasabi na babalikan mo. Alam mo namang bawal magtago ng items kasi nagchi-check sila ng inventory. Bilhin mo na kasi..."

"Wala pa kasi akong pera, bes!" Sagot ni Marie. "Basta, babalikan ko 'yan kapag may pera na ako. 'Yung kasing pera ko na-lugi dun sa investment ko eh... Kaya hintay hintay muna. Stay put ka lang diyan, mabibili ko rin 'yang lipstick na 'yan."

May mas two-faced pa pala kay Treble. Kapag nasa school kami, aakalain mong rich kid itong si Marie. Iyon kasi ang ipinapakita niya. She likes to brag about her bags, her shoes, and her make-up— na ngayon ay nagdududa na ako kung sa bulsa nga ba niya galing o ano.

Conyo siya mag-English sa school, condescending, mapanlait at handa palaging mang-away ng mga babaeng napapalapit kay Kit. Ganoon siya. But outside the campus, I found out she's entirely different.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Rolan na nakita niya si Marie na sumakay sa kotse...na hindi katulad ng kotseng sumundo sa kaniya noon. Sino yun? My god, ang sakit sa bangs. I should not be here stressing myself with some other person's problems.

Lumabas ako mula sa pagtatago ko at ibinalandra ko ang presensiya ko upang mapansin ni Marie. When our eyes met, I gave her a knowing smile and then started to walk away.

That's enough to alarm her that I heard something that I shouldn't have. Gusto kong malaman niya na may hawak akong alas at isang maling galaw niya lang, pwede ko itong gamitin laban sa kaniya.

"You!!! Wait lang!!!" I heard her squeal.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Uy, Marie!" Kunwari'y nagulat ako. "Andiyan ka pala..."

"May narinig ka ba?! Dun sa...sa...ano.."

"May dapat ba akong marinig?"

"Wag kang bitchesa! Umamin ka! Nairig mo yung pag-uusap namin 'noh?"

"Ano naman kung narinig ko? Are you going to tell me to shut up?"

"Hindi...noh! Para saan? Para kapag nalaman na naman ni Treble eh gipitin niya ako para hindi kita siraan o awayin? No way!"

Gipitin? Ni Treble?

"Wala ka bang alam talaga? Hindi ka ba nagtaka kung bakit hindi nag-viral 'yung nangyari sa tea shop?" Ani Marie. "Sa dami ng nakakita at nakakuha ng video, wala man lang nag post ni isa?"

"So you're saying that Treble prevented anything from spreading?"

"Eh ano pa nga ba! Hindi nga ako makapaniwala eh! Isang kagaya mo...gugustuhin ng isang Treble Saldana?"

"Hoy!" Sabi ko. "Diyos ba 'yang si Treble, ha? My goodness, kung si Thor pa sana 'yan, baka um-agree pa ako sa'yo. Stop exalting him because he's no god. Atupagin mo nalang 'yung pansariling problema mo dahil baka mabili na 'yong lipstick na gusto mo bago mo mapag-ipunan." I chuckled.

Marie winced, giving me the impression na hindi talaga siya manlalaban. For someone who used to be openly violent against me, I wonder what Treble said to make her concede like this.

Si Treble...

Kumusta na kaya siya?

"Sa'n ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap!" Wika ni Marie. Hindi ko namalayang naglalakad na pala ako palayo sa kaniya.

I expelled a heavy breath. Hindi ko alam kung nagbabago na ba 'yung perception ko kay Treble dahil sa sakit niya, o dahil sa mga ginawa niya para sa akin.

MGA GINAWA? Oh please, Denzel. Don't say it as if ang dami na niyang naitulong sa'yo! He's still a huge asswipe!

My Extra Large Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon