XL 38

5.3K 153 6
                                    


XL 38

"Do you feel better?" Tanong ni Treble nu'ng medyo mahinahon na ako. Binigyan niya ako ng isang basong tubig at tumabi siya sa akin sa sala.

"Yeah..." Mahinang sagot ko.

"She was such a strong woman. Nasa dugo pala talaga ninyo 'yun ano?"

"Strong?"

"She knew her end was near... but she held on and waited for you."

"So you're saying that she just waited for me bago siya bumitaw?" I asked. I felt sad. "Sana si Mommy din, nagawang hintayin ako."

"Hey... come on. Kayo ng lola mo, hindi kayo okay.  Kaya hindi siya maka-bitaw ng tuluyan sa mundong ito. But your mom, she had no regrets. Yan ang sabi ng Papa mo sakin."

"Talaga? Sinabi ni Papa 'yun?"

"Yes. Your mom lived a happy life, so it was not as hard for her to cross to the afterlife. Confident siya na kahit wala na siya, mabubuhay ka ng maayos dahil pinalaki ka niya ng maayos. Alam mo yung pakiramdam na mahirap matulog kapag hindi kayo okay ng taong gusto mo? Ganu'n din siguro pag oras mo na. Mahirap mamahinga kung may unresolved issue ka pa."

"Like a grudge."

"Yes... but you came and lifted that curse for your grandmother. Now she can rest in peace."

"Dahil sa'yo 'yun..."

"Sa'kin?"

"Oo. Kung hindi ka dumating at nagtanong tungkol sa amin ng lola ko, baka hindi naman ako sumama dito. Kahit na ba spur of the moment lang yun... She should be thankful to you, too." Sabi ko.

"I think she was. Kaya magaan yung pakiramdam niya sa akin."

"Ang lakas ng pakiramdam mo, ano? Anong sikreto mo?"

"Isa lang naman ang sikreto ko... pero hindi na lihim yun ngayon kasi ipinangangalandakan ko naman."

"May masama akong kutob tungkol sa sikretong yan." I squinted my eyes.

He gave me a gentle smile and then held my hand.

"Ano ba, uy." Saway ko.

"You're a strong woman.." aniya. "I know that. But if you need to cry, don't hold back."

"Ano ba 'yan, ang ayos ayos ng usapan eh.. Bakit mo ko pinapaiyak ngayon?"

"Hindi naman, gusto ko lang ipaalala sa'yo na sasamahan kita palagi. Tuwing umiiyak ka, tumatawa, nagagalit, nagtatampo... hindi kita iiwan."

"Treb, seryosong tanong. Ano'ng meron ako? Bakit ako yung gusto mo? May naipakain ba ako sayo na panis?"

I just had to ask. Palaisipan rin kasi talaga ito para sa akin.

Medyo nangisi siya.

"Gusto mong malaman?" Pang-iinis niya.

"Naku, wag na. Parang kailangan ko munang paghirapan bago ko malaman, eh. Wala ako sa mood."

"Malalaman mo rin kapag tama na ang panahon. Sa ngayon, puntahan muna natin si Papa mo du'n sa labas. He needs you, too."









Inilibing si Nanang pagkalipas ng limang araw. Sa loob ng limang araw na 'yun, nag-o-ojt si Treble tuwing 8:00 to 5:00 tapos bumabyahe pa-Cavite para damayan ako tuwing gabi. I swear I told him not to, but he was stubborn.

"Pareho na kayong nangayayat." Kumento ni Papa nu'ng bumabyahe na kami pabalik ng Pampanga pagkatapos ng libing. Ayaw ko na kasing mag-stay du'n. Mabigat sa pakiramdam. I wanted to be busy para hindi ako malungkot.

My Extra Large Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon