XL 8Hindi naman ako informed na komedyante pala itong si Treble. May talent pala ito sa pagpapatawa, bakit ba ngayon ko lang nalaman...
"Excuse me but what the fuck, Treb? Naka-drugs ka ba o ano?" Tumatawang sabi ko. Binalingan ko si Kit at mukhang naaaliw siya sa eksenang pinapanuod.
"Sabi ko na nga ba may something sa inyo." Ani Kit.
"Hello?? Okay ka lang??" Sagot ko. "Kanino ka ba kampi talaga??"
Ngumisi siya. "Hindi naman sa may kinakampihan ako pero napansin ko lang na hindi ka talaga kayang lubayan ni Treble eh."
"Dalawa lang 'yan," sabi ko. "It's either lasing siya o nakipagpustahan sa mga kaibigan niya."
"Ganda mo naman?"
Humagalpak kami ng tawa, except Treble of course, who didn't look a bit entertained.
Kasi naman diba? Yun na nga yung point— hindi ako kagandahan. Bakit hindi ako magawang lubayan ni Mr. Hot Item?
"Oops. Mukhang hindi talaga siya natutuwa." Ani Kit. "Mauna na ako. Salamat sa pagkain ha. Sa uulitin."
"Sure. Ingat ka."
Hinayaan ko na si Kit na umalis. I don't want him to witness a bloodbath, medyo iba talaga ang aura ni Treble ngayon at kahit ako man ay handa ring makipagsagupaan.
Ayaw ko rin namang sumama sa practice nila dahil ayaw kong makilala ang buong volleyball team. Sapat na sa akin yung may dalawa akong kaibigan.
"Kailangan ba talagang lalaki lahat ang mga kaibigan mo?" Treble questioned when Kit had left.
"Ano bang pakialam mo? My life, my say." Sabi ko. "Pwede bang lumayas ka na? Hindi ka welcome dito."
"Pero yung ibang mga lalaki, welcome?"
Aba'y gago 'to ah.
"Ano ba sayo kung may dadalhin man akong lalaki sa bahay? Ikaw ba ang nagbabayad ng upa namin? My god, Treble! Kung umasta ka akala mo boyfriend kita ah?!"
"Can't I be?"
"What? Are you nuts?"
"Kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan hindi ako mapapagod. Hanggat may oras ako, susuyuin kita—"
"Suyo ba ang tawag mo dito?" Kako. "Invasion of privacy na ito, eh! Bigla kang susulpot dito without an invitation? You're creepy as hell! Maghahanap na talaga ako ng bagong malilipatan."
"Ang consistent mo pala. Mula noong nakita kita hanggang ngayon ay ang sakit mo pa rin magsalita."
"Oh come on, Mr. Saldana! Stop acting as if you're the victim here. Ikaw ba? Alam mong consistent ka rin sa pagiging gago mo?"
"Okay lang, I can take it. Murahin mo pa ako."
"Aaaaargh!" Ginulo ko ang buhok ko. Nakaka-frustrate ang isang ito!
"Denzel..."
Huminga ako ng malalim. "You know what? Sabihin mo na kung magkano yung nakasalalay dito at kung kanino ka nakipagpustahan. Ako na ang magbibigay sayo ng pera! Pero tantanan mo na yung palagi mong pagsulpot sa harapan ko kasi hindi ako natutuwa!"
Sino ba naman ang matutuwa kung may taong sunod ng sunod sa kaniya, na hindi naman niya ka-close, 'di ba? Kung sanang kagaya ako ng kaniyang mga fans na handang ibenta ang kaluluwa para lang mapansin ni Treble, baka kiligin pa ako at ma-flatter dahil ayaw niya akong lubayan. Kaso hindi eh. That's not the case.
BINABASA MO ANG
My Extra Large Girl [Completed]
RomansaAn extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance