XL 25
Bwisit 'tong si Treble. Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso sa mga pinagsasabi niya. Pero bakit ganu'n naman kasi? I used to just cringe when he says those things. Bakit ngayon ay halos mag-palpitate ako?
"We're here." He informed me kahit na nakikita ko naman na nasa tapat na kami ng gate ng apartment namin.
"I know. Salamat sa paghatid. Drive safely, okay? Kargo de kunsensya kita pag nagkataon dahil hinatid mo pa ako—"
"You can just admit it kung nag-aalala ka para sa'kin. Or you can just skip the explanation because it makes me want to assume that you care for me and that you're just in denial."
Ay? Anudaw?
"Whatever. Drive safely." Inulit ko nalang ang paalala ko at saka bumaba na at pumasok na sa bahay.
Hindi naman ako inusisa ni Papa kaya naghilamos na ako agad at nagpahinga na. I wanted to check if Treble was able to go back safely, pero nag-alangan ako. I felt like I was going overboard.
"Bayaan mo na, Denzel." I told myself. "Makakauwi 'yon ng ligtas."
But two hours and a half later, I was still wide awake. Ano ba 'yan!
Bakit hindi mo pa kasi tawagan at nang matahimik ka na? Bulong ng kunsensya ko.
Bumangon ako at hinanap ang pink na sticky note kung saan nakasulat ang number niya. Kinuha ko rin ang phone ko at huminga ng malalim bago tinipa ang numero niya.
Dalawang ring pa lang ay sinagot na niya pero I made it a point na ako ang unang nagsalita.
"I'll assume you got home safely since you were able to answer this call. Good nigh—"
"Hey... Not so fast." Pigil niya. "Can't we talk a bit longer?"
"Ano naman ang pag-uusapan natin? It's not as if we're close."
"Hindi mo ba ako ma-mimiss? Hindi tayo magkikita bukas."
"Okay lang. Du'n ka nalang habang buhay." Pambabara ko.
"I might actually be away until Sunday. Pag naayos ko na 'yung papers ko sa Makati, diretso na akong Subic. Sigurado ka bang hindi mo ako mamimiss?"
"Asa ka pa." Sagot ko.
"I'll miss you." He whispered, causing me to stop breathing for a second. Bakit bubulong sa telepono?
"I won't." I said when I recovered.
"Okay, that's a given. I wish I could take you with me though..."
"Ano bang meron at bakit ka pupunta ng Subic?"
"Curious ka na ngayon, Love?"
"Tangina mo. Bahala ka nga!"
"Teka naman!" Aniya. "Ang init naman ng ulo neto. The thing is...it's Serenity's birthday on Saturday."
"Ahh..."
That wench! I just get a bad vibe when I see her. Her aura is just so...odd to me.
"Kapatid 'yun ni Sven..." aniya.
"I know." Sabi ko naman. "Why are you even explaining? It's none of my business."
"Gusto ko lang ipaalam sa'yo dahil ayokong marinig mo pa sa iba. Ayokong pagbalik ko ay hindi mo na naman ako pansinin kaya..." he paused.
"Oh, napano ka?"
"Hindi naman sa pagmamayabang pero matagal nang may gusto sa akin si Serenity." Ani Treble. The fuck?
BINABASA MO ANG
My Extra Large Girl [Completed]
RomanceAn extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance