XL 18
"Kumain na ba kayo? Sandali, kukuha ako ng tuwalya." Nag-aalala at natatarantang bungad ni Papa pagkarating namin ni Treble sa bahay. Sabi ko ay sa gate nalang ako ihatid, pero ayaw niya daw na mabasa ako kung tatakbuhin ko mula sa gate papunta sa bahay ngayong pwede niya naman daw akong ihatid.
"Pa, ayos lang ako. Kumain na ako. Maliligo na rin ako niyan. Easy ka lang." Sabi ko.
"Ikaw, Treble? Tuwalya? Kape?"
"Nag-kape na rin kami, Pa." Sagot ko. My father gave me a shrewd look.
"Ano ba 'yang tingin mo, Pa. Ikaw ba, kumain ka na?" Sabi ko.
"Kumain na ako. Ang tagal mo kasi. Hindi mo naman sinabi na may date ka pala."
"Pa!"
Tumawa si Papa. "Oo na."
"Mauna na po ako, Sir." Saad ni Treble. "Inihatid ko lang po talaga si Denzel. Wala po kasi siyang payong."
"Salamat, Treble, ha." Sagot ni Papa. "Pag napasyal ka ulit, ipagluluto kita bilang pasasalamat sa pag-alalay mo sa siopao ko."
"Salamat din po, Sir."
"Salamat saan?" Tanong ni Papa. "Saka wag mo na akong tawaging Sir. Tito nalang."
"Salamat po sa hindi niyo pagtutol sa paghatid ko kay Denzel," Treble replied. "Gusto ko po talaga kasi siyang nakikitang nakakauwi ng ligtas, Tito."
Aba, unggoy 'to ah.
"Ganoon din naman ako." Ani Papa. "Gusto kong palaging ligtas ang anak ko kaya masaya ako na inaalalayan mo siya. Sana ay hindi yan kagaya ng iba riyan na sa umpisa lang magaling."
Pak! Natumbok mo, Pa! Ang mundo ay puno ng ganiyang klaseng mga tao. Sa umpisa lang magaling...
"Makakaasa po kayo. Hindi ko po pababayaan ang anak ninyo." Ani Treble. Sus! Daming kuda! "Mauna na po ako. Denzel, una na ako."
"Bata ka pa." Sarcastic kong sagot. Nginitian niya lang ako at saka na umalis.
Agad naman akong ginisa ni Papa pagkaalis ng bisita. Hay naku!
"Akala ko ba ay ayaw mo nang makasalubong pa siya kahit kailan? Di ba ay nabubwisit ka du'n?" Aniya.
How do I explain this? Talaga namang naiinis ako sa kaniya pero ayun na nga. Things happened.
"Wala eh, kinailangan ko ang tulong niya dahil yung kaklase ko, nahimatay kanina. Tama lang naman siguro na nilibre ko siya ng dinner, 'di po ba?" Early dinner. Mag a-alas sais pa lang...
"Hmm, oo. Pero bakit parang ang tono mo ay yung...ano ba kasi ang tawag nila doon? Defensive?"
"Papa!!"
Tumawa si Papa ng marahan. "Nakikita kong maganda ang intensyon niya sayo, anak. Sa tanda kong ito, alam ko na kaagad sa isang tingin pa lang kung mabuti o hindi ang isang tao."
"Hala, may psychic abilities si Papa." I kidded. "Pahinga ka na po. Mag-rereview pa ako."
I went inside my room and threw myself on the bed. Kumusta na kaya si Marie? Lintik talaga. I was so adamant in shutting people off because I wanted less drama but ever since Treble came into the picture, I kept on getting involved in other people's business.
My phone wailed and I almost face-palmed myself when I saw that Jared was calling. Nakalimutan kong bumili ng sim kanina!
Ano pa bang kailangan nito? Nakakaurat na. Magpapalit na talaga ako ng number bukas. Pero sa ngayon, i-block ko nalang muna siguro ang lahat ng incoming calls mula sa kaniya...
BINABASA MO ANG
My Extra Large Girl [Completed]
RomansAn extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance