XL 26

5.7K 177 6
                                    

XL 26

I didn't know what to say. I was too lost for words so I just faked a smile and quietly finished my meal.

I was thankful that Jenna did not pry. She was cool when I said I had to go home after dinner. I'd tell her about my past with Jared when I get the right timing, but definitely, hindi ngayon.

"Okay ka lang, anak?" Tanong ni Papa pag-uwi ko.

"Opo," I faked a smile again. Alam kong pagod siya sa trabaho kaya ayaw ko na siyang mag-alala pa sa akin. "Kumain ka na, Pa? Kumain na kasi ako sa labas. Magpapahinga na ako."

"Kumain na rin ako. Sige, magpahinga ka na. Baka pumayat ka pa eh."

"Papa naman..."

Tumawa siya ng marahan, tapos pumasok na rin sa kaniyang silid.

I went inside my own room. Inhale... exhale. Kalma lang, Denzel. Walang maidudulot na maganda kung magpapadala ka sa galit mo.

Pero tangina. Tangina mo, Anicete! I loathed myself for what I did to you. I loathed Treble for what he did to us. Tapos ngayon malalaman ko lang that you did worse?! Ang saya mo siguro nu'n no? You were able to use that scene against me, to make yourself feel better and less guilty that you cheated?

Nakahanap ka ng easy escape! Ako naman itong tanga, naniwala ako na nagbago ka noon at ako lang ang babae sa buhay mo. What a joke! Who knows kung ilan kami nu'n na pinagsabay-sabay mo?! Oh my god, I'm so furious!

"Kakarmahin ka rin, gago!" I cussed. What we do to others eventually comes back to us— that's the law. What goes around comes around.

My outburst was rudely interrupted by a sudden call.

I don't know if I'm just stupid but seeing Treble's name on the screen magically took away about 50% of the anger that was consuming me.

"Bakit ngayon ka lang tumawag!" Bulyaw ko.

"Easy, love. Sorry na..." paglalambing ng bwisit. Imbis na galit ako ay parang gusto ko tuloy ngumisi. Teka, siraulo ka ba, Denzel? Galit ka tapos ngingisi ka?!

"Sorry mo mukha mo!"

"Love..."

"Ano na naman!"

"Hindi mo na ako binabara kapag tinatawag kitang love?"

"Love mo mukha mo!"

"Grabe... ganu'n mo'ko ka-miss? Dapat pala palagi akong nasa malayo para namimiss mo ako. Kinikilig ako, love."

Gago.

"Oo, diyan ka nalang sa malayo! Wag ka ng babalik dito at ayaw ko nang makita yang pagmumukha mo!"

"Hala? Paano 'yan? Nandito na pa man din ako sa labas ng bahay niyo..."

The fuck? Napatayo ako bigla, mabilis ang tibok ng puso. Seryoso ba itong kumag na 'to?! Tss. No way. He's just messing with me, right?

"Ikaw'ng bwisit ka wag mo akong pinagloloko, pwede ba?!" Bulyaw ko pero lumabas rin naman sa kwarto. "Lahat nalang dinadaan mo sa biro! Akala mo ba ay nakakatawa ka?!" Lumabas ako ng bahay at naglakad papunta sa gate. Hala sige, Denzel. Kunwari ay di ka naniniwala pero ang paa mo halos tumakbo na para kumpirmahin kung andiyan nga ba siya.

"Galit na galit na nga ako dumadagdag ka pa!" Putak ko sabay hila sa gate upang bumukas. Namilog ang mga mata ko sa gulat nu'ng nakita ko siyang nakatayo doon at may hawak pang bouquet ng bulaklak. Holy macaroni...

My Extra Large Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon