XL 7
I spent the night convincing myself na okay lang kahit nasa Pampanga na si Jared; malawak naman ang lalawigan at hindi naman siguro kami magkakasalubong. If he's working in his company's Clark site, then it means naka-apartment siya, unless nakabili na agad siya ng bahay in a short period of time (wow, marangya!) at sa pagkakaalala ko ay hindi naman mahilig lumibot iyong si Jared kaya less likely na mapapadpad siya sa malalayong bahagi ng probinsya.
All of those thoughts kept me awake at nakatulog na lamang ako ng bandang alas dos ng madaling araw.
Nakaalis na si Papa pag gising ko, which was normal, dahil maaga niya talagang hinahatid ang boss niya sa kung saan-saan kahit pa tuwing weekends.
Nagpasya akong magluto ng egg rolls for breakfast, but I ran out of eggs. Walang sari-sari store na malapit sa amin, dahil halos apartments talaga at boarding houses na para sa mga estudyante ang nandito. The closest thing you can get to a sari-sari store is the convenience store, na nandoon pa sa bungad.
Wala naman akong choice kaya nagsuot ako ng black cap at huminga ng malalim. Exercise mo na rin yan, teh! Hindi naman kawalan kung mababawasan man ang timbang mo diba? You have a lot to spare!
Wearing my black track pants and white shirt, nag brisk walk ako papunta sa convenience store. Medyo crowded pagdating ko, dahil medyo malapit lang yung store sa school, kaya nagdalawang isip pa ako kung tutuloy ba ako.
Sayang naman yung nilakad mo! Sabi ng kunsensya ko. Just buy the darned egg and go home!
Pumasok na ako sa store at agad na naghanap ng itlog. Kinuha ko na yung buong tray tapos pumila na para magbayad.
"Girlfriend niya ba yung si Serenity? Palagi kasi niyang kasama." Narinig kong tanong nung babaeng nasa harap ko sa pila doon sa kasama niya.
"Wala naman daw girlfriend si Treble!" Sagot naman nung isa. "Palagi lang silang nakikitang magkasama kasi kapatid ng barkada niyang si Sven yung Serenity na sinasabi mo."
Wow, even inside the convenience store, on a Saturday morning, ay siya ang topic ng mga estudyante? It seems like he's still Mr. Hot Item after all.
"Sana naman friends lang talaga sila. Crush na crush ko talaga yang si Treble eh. Sa kanilang apat sa barkada, siya talaga yung nakakuha ng atensyon ko. Siguro kasi magaling siyang kumanta?"
Nakakainis man pero tama ang sinabi ni ate. May talento nga naman si Treble sa pagkanta...
"Pero hindi na siya kumakanta ngayon diba?" Tanong ng isa.
Hindi na? Bakit? Mukhang passionate naman siya dati ah? Anong nangyari? Uy, chismosa.
"Two years ago pa. Last siyang kumanta noong nag-guest siya sa isang school sa Bulacan. Ang sabi nagkasakit daw siya pagkatapos noon kaya tumigil na siya sa pagkanta."
Really? So he was telling the truth?
"Uy! Ikaw ba yan, Denzel?" Napalingon ako sa kumalabit sa balikat ko.
"Kit?"
Hala nakakahiya, hindi pa ako nakaligo at ang dugyot ng itsura ko...
"Magluluto ka yata?" Tanong niya, nakatingin sa tray ng itlog na hawak ko.
"Oo. May pasok ka kahit Sabado?"
"Wala, practice lang. Dito ka lang ba nakatira sa malapit?" Aniya.
"Oo," sagot ko. It was then my turn to pay so I put the tray on the counter and paid for it.
"Actually, kakain sana ako eh. Pwedeng makikain sa inyo?" Ani Kit.
BINABASA MO ANG
My Extra Large Girl [Completed]
RomanceAn extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life | romance