XL 1

15.3K 340 48
                                    


XL 1

Despite the thick crowd, the noise and the haste, he was still able to notice me. I am sure of that.

His eyes definitely met mine. And like some stupid reflex, I found myself walking away from the scene as quickly as I can.

Langya, Denzel! Wala ka namang ginawang masama ah? Bakit ka tumatakas?

I sped up my pace and clumsily bumped into someone. Sa sobrang sabog ng utak ko, hindi ko na matandaan kung sino yung may kasalanan.

"Sorry!" Siya na ang humingi ng dispensa. I took a quick look at the man. Well, he was a student, too, judging from his uniform. Para sa akin ay matalim ang features niya, hindi maamo. Mukha siyang fuckboy, sa madaling sabi. But he was able to say the word sorry, so I have to give the man the benefit of the doubt.

"Sven!" The familiar voice from my dreams seemed like it was drawing closer and closer. At ayun na nga, siya pala talaga ang nagsalita. Kinausap niya yung lalakeng nakabungguan ko. "You know her?" Sabi pa.

"Hindi, pare. We just bumped into each other by chance." Sagot naman nung Sven. What a name! "Bakit? You know her?"

Shit. This isn't the time for this!

"He doesn't." Ako na ang sumagot at saka naglakad na palayo, although I practically brisk-walked my way out of the situation. Damn!

Pumasok ako sa pangatlong subject. Huli na ito para sa araw na ito, kaya naman medyo ganado ako. Gustong gusto ko yung natatapos yung klase ko na may araw pa sa labas, hindi yung gabi na tulad nalang ng Wednesday schedule ko. Inaabot ako ng alas otso ng gabi sa school tuwing Miyerkules dahil sa last subject ko.

"Hi Denzel!" Masiglang bati ng kararating lang na si Rolan. Seatmate ko siya tuwing Strategic Marketing at siya lang din ang madalas na kumakausap sa akin.

"Hello." Bati ko rin sa kaniya.

"Meron akong bagong coupons ngayon!" Sobrang saya niya pa habang nagkikwento sa akin. Since the day we met, he never stopped talking about coupons. Mahilig siyang mangolekta ng mga iyon at namimigay pa sa mga kaklase namin. Iyon nga lang, ako lang ang palaging tumatanggap dahil yung iba ay weird ang tingin sa kaniya.

"Saan naman?" Tanong ko.

"May bagong bukas na bubble tea shop diyan sa labas ng school! Gusto mong subukan? Buy 1 take 1 sila, heto yung coupon oh." Inabutan niya ako ng tatlong piraso.

"Hala bakit ang dami naman?" Tanong ko.

"Sayang naman kung hindi magagamit lahat. Marami pa ako sa bag eh." He grinned. To be honest, Rolan is an outcast. Kung ako ay mistulang invisible dahil ayaw nilang makipagkaibigan sa "matabang transferee," ito namang si Rolan ay nilalayuan dahil sa weird niyang trip sa buhay.

They usually use him as an object of humiliation even during classroom discussions, frequently calling him names like "kulang-kulang" and "abnoy." He just laughs it off but I know deep inside, he would rather be invisible than be the center of attention.

I thanked him for the coupons and just then, the professor came in.

And just as he promised, he announced the scores from our exam last week. Hawak ang mga test papers, binigyan niya kami ng isang malapad na ngiti.

"Maganda ang resulta ng exams ninyo." Sabi pa ni Sir Carlo. Edi todo ngiti at hair flip naman si Marie, yung president ng klase, dahil...well, ganiyan talaga siya. It took me probably a single minute to evaluate her soon as I saw her.

Siya yung kaklase mong pabibo, feeling know-it-all, feeling napakaganda, feeling untouchable. Yun bang umaapaw yung bilib sa sarili, nakakarindi na. It's not self-confidence anymore. It's conceit. And what's dangerous is that she doesn't admit it.

My Extra Large Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon