XL 36

5.7K 175 5
                                    

XL 36

Five days passed since that heart-to-heart conversation with Treble's stepmother. Sometimes I wonder if it was right that I gained her complete trust because I've been all over the place assisting her while she's gathering up the courage to tell her husband that she's pregnant.

Oo. Ako 'yung bumili ng pregnancy test kit at hinihintay ko nalang talaga na maging issue ito sa school dahil pwede ba namang may makalagpas na kaganapan sa mga chismosa doon? Syempre hindi. Lalo na sa legendary viva hot babes...

"May problema ba, anak? Napapansin kong pumapayat ka." Tanong ni Papa habang nag-aalmusal kami, Sabado ng umaga.

Paanong hindi mababawasan ng timbang eh abala na nga ako sa feasibility study, reports at exams, naging instant sidekick pa ako ng asawa ni Sir Marco.

"Dami kasing ginagawa sa school eh." Sabi ko nalang para hindi na mang-usisa si Papa.

"Malapit mo nang maging kasya ulit yung mga luma mong damit." Pang-aasar niya.

"O.A." sabi ko. Malayo pa sa 26 inches ang 40, Pa... "Saan pala ang punta mo? Sabado naman ngayon ah. Day off mo."

"Dadalawin ko ang lola mo sa Cavite. Baka sa Lunes na ako makauwi."

"Bakit naman? Pwede namang umuwi bukas. Bakit sa Lunes pa?"

"May sakit ang lola mo. Gusto ng doktor niya na ipa-confine na siya sa ospital pero ayaw ng lola mo dahil ayaw niyang gumastos pa raw ang mga anak niya."

Nurse si Tita Irene at nagtatrabaho naman sa munisipyo si Tito Emil. Kaya naman nilang ipa-confine ang lola ko, kung tutuusin.

"Ayaw niya? O ayaw ng mga anak niya?" Tanong ko.

"Denzel," saway ni Papa. "Ayaw ng lola mo na gumastos pa ang mga anak niya sa pampa-ospital dahil base sa huli naming pag-uusap sa telepono, pagod na siya at pakiramdam niya ay bibigay na rin naman ang katawan niya. Matanda na siya at mahina na."

Ano 'yun? She wants to leave already? Suko na siya? Nasaan na yung energy at vigor niya nung sinisisi niya sa akin ang pagkawala ng Mama ko?

"Tao po..." Nagtinginan kami ni Papa nu'ng may nagsalita mula sa labas.

"Ang aga naman ng bisita mo," pang-aasar ni Papa.

"I wasn't expecting anyone," bulong ko sa ere, tumayo at saka lumabas ng bahay. Pinagbuksan ko ng gate ang kung sino man yung bulabog sa umaga at bigla akong nagsisi na hindi man lang ako nakapag-ready bago ako tumakbo papunta rito.

"Good morning!" Treble greeted with an excited smile on his face. Napatingin ako sa sarili ko... taragis naman... dugyot... pero ano naman ngayon? This is me and I should not feel apologetic about who I am.

"Hi! Nakauwi ka na pala... pasok ka. Ang aga mo naman, tignan mo ako may muta pa."

"You're pretty just the same." Pamomola niya. Ano ba'ng gayumang naipalunok ko sa isang ito? Baka pwede kong ibenta para yumaman na ako.

"Ano yang dala mo?" Tanong ko sabay nguso sa bitbit niya.

"Uy, tignan mo nga naman kung sino ang bisita namin..." Wika ni Papa nung pumasok na kami ni Treble sa bahay.

"Mano po, Tito."

"God bless you." Sagot ni Papa nung nagmano si Treble sa kaniya.

"Hindi po ako nakapaghanda kaya binili ko nalang yung panindang kakanin dun sa kanto. Nakakahiya namang dumating ng walang bitbit." Ani Treble. They talk like they're really comfortable with each other. Nakakatuwa.

My Extra Large Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon