S

4.1K 71 0
                                    

Drown.

"Goodmorning future wife!"

Napatigil ako sa pagbabasa ng libro noong marinig ang nakakairitang boses ni Saint. Ngingisi ngisi at taas baba pa ang kilay niya habang nakapangalumbabang nakatingin sa akin.

"Santa Leones. You are inside the library not in public areas. Tone down your voice!"

Sita ng librarian head naming si Mrs. Torres. Umayos naman ng sa pagkakaupo si Saint at sumaludo pa sa naiiling iling na lang na si Mrs. Torres.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo, stop pestering me! Umalis ka na dito, please."

Nanggagalaiti kong sabi bago muling itinuon ang sarili sa librong binabasa.

"Ito namang si future wife, masyado kang seryoso sa pag aaral. Matalino ka na masyado. Hindi mo na kailangang magbasa dyan, mahal."

Pabagsak kong isinara ang medicine book at masamang tinitigan siya. Pero ang loko, malapad pa din ang ngising nakipagtitigan sa akin. Nagpacute pa.

"Hindi ka ba napapagod sa pambubwisit sa akin araw araw? Naging hobby mo na atang sirain ang araw ko Santa Leones?"

Bwisit kong saad sa kanya. Napanguso naman siya sa akin bago ako sinagot.

"Hindi naman kita binubuwisit mahal, gusto nga kitang makitang kiligin dahil sa akin. Sabihin mo nga, hindi ka ba talaga nagwagwapuhan sa akin? Wala ka bang hd man lang sa akin Isha?"

Pinalungkot niya ang boses niya. If I don't know him better, naniwala na akong malungkot nga siya, pero dahil lumaki ako kasama siya, ay alam ko ng paraan niya lang ito para sirain ang araw ko.

"HD? Oo may HD ako sa'yo!"

Lumapad ang ngiti niya sabay beautiful eyes pa!

"High desire to kill you! Umalis ka nga sa harapan ko! Wala ka bang practice sa swimming mo ngayon kaya ka andito at sinisira ang araw ko?!"

Singhal ko sa kanya. Imbes na mawalan ng gana ay humagikgik pa siya na parang kilig na kilig na teenager.

"Ui si mahal ko, alam niyang swimmer ako. Alam mo din bang magaling akong sumisid? Try me, beybe!!"

Ibinato ko sa kanya ang libro na siyang naging dahilan kung bakit kami pinalayas ni Mrs. Torres.

"Ikaw ang may kasalanan neto! Tahimik ang mundo ko kanina, dumating ka lang wala na yung peacefulness! Saan na ako magbabasa ngayon? Ano!? Tititigan mo na lang ako? Pwede ba Saint, tantanan mo na ako."

"Hinding hindi kita tatantanan. Mahal kita kase."

Out of the world niyang sagot pero bigla akong pinamulahan. Seryoso siyang naghintay ng reaksyon ko hanggang sa makuha nga niya iyon.

"Char!"

Saad niya sabay gesture ng kamay niya sa char. Sinamaan ko siya ng tingin pero humagikgik lang siya.

"Ito naman masyadong mainitin ang ulo. Halika, sa may swimming pool tayo. Closed iyon ngayon, pinaclose ko para tayo lang andoon. Alam ko kasing gusto mong magbasa ng tahimik kaya kita pinuntahan talaga sa library."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ngumisi siya sa akin bago inayos ang kilay ko mula sa pagkakakunot noo.

"Hindi naman as in tahimik doon. Ang init init pa kasi sira yung aircon. Tska madaming tao ngayon doon nakita mo naman. Eh kung dun sa swimming area at least, ikaw at ako lang. Promise hindi kita guguluhin. Oh eto."

Napatingin ako sa kamay niya. Inabot niya ang hinliliit ko.

"Oh yan. Pinky swear na tayo. Tara na!"

Nalaglag ang panga ko sa ginawa at sinabi niya. Sa laking tao niya, naniniwala siya sa ganoong bagay? Pigil na pigil ko ang sarili kong huwag matawa hanggang sa makarating kami sa loob ng swimming area. Sa dulo ay may mesa akong nakita.

"Ipinadala ko kina Ynigo. Alam kong kakailanganin mo iyan ngayon. Nakausap ko na si coach. Pumayag naman siyang tayong dalawa lang."

Simula niya sa akin. Napataas ako ng kilay.

"Paano mo napapayag si couch?"

Kuryuso kong tanong. Napakamot siya ng ulo.

"Sabi ko, gusto kong masolo ang girlfriend ko. Date ba."

Muli, nalaglag ang panga ko sa sinagot niya. Tumalikod siya sa akin at mabilis na pumasok sa may locker room area pero hindi nakaligtas ang pamumula ng pisngi niya. Oh my God Saint. What the hell are you really into? Napahugot na lamang ako ng malalim na hininga bago tinungo nga upuan na nakita kanina. Inilapag ko doon ang mga librong dala ko bago sinimulang magbasa. Ilang minuto pa ay nakita kong muli si Saint. Nagjog siya palapit sa akin habang kagat ang goggles niya. Isinuot niya iyon sa ulo niya noong makalapit sa akin. Itinungko siya ang kanyang mga kamay sa mesa ko bago bahagyang yumuko.

"Mahal ko, laway mo tumutulo. Isasara ko lang ang bibig mo ha?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Huli na, noong gusto ko siyang sapakin ay nakalayo na siya at tumatawang isinuot ng tuluyan sa mga mata ang goggles. Akmang lalangoy na sana siya noong muli siyang bumaling sa akin.

"Alam kong gwapo at sobrang hot ko, pero huwag mo naman akong titigan masyado, baka matunaw ako e."

Saad niya sabay kindat kahit na nakasuot na ang goggles niya. Ngingisi ngisi siyang lumusong sa tubig. Napapailing na lamang ako sa mga pinagsasabi niya. Hinayaan ko na siya sa ginagawa dahil alam ko namang malapit na din ang finals nila. Saint has always been a passionate swimmer. Simula mga bata pa lamang kami ay lagi na siyang champion. Ni hindi pa nga iyan natatalo. Naging champion din  siya sa isang international swimming contest noong highschool kami. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit matunog din ang pangalan ng hayop. Ilang oras din siya pabalik balik sa pagswiswimming ng bigla ay narinig ko siyang sumigaw.

"Shit!"

Nanlaki ang mga mata ko noong makitang parang nalulunod siya at panay ang mura. Walang pagdadalawang isip akong nagtungo doon.

"Oh God. Saint!"

Nag aalala kong sabi bago nag dive sa may tubig para isalba siya. Iniahon ko siya. Kinabahan pa ako noong wala na siyang malay.

"Saint. Wake up. Hey!"

Tinapik tapik ko siya sa pisngi. Yumuko ako para masigurong tumitibok pa ang puso niya. Sa sobrang kaba ay sarili kong puso ang kumakalabog ng malakas. So I did CPR instead. Ilang beses kong ginawa iyon hanggang sa dila naman na niya ang gumagalaw.

"Fuck you!"

Matalas na mura ko. Lumayo ako sa kanya. Malaki ang ngiti niyang napaupo. Iyong tipong ngiting tagumpay.

"You did it on purpose so you can steal a kiss from me?!"

Hindi makapaniwala kong saad. He crawled near me. I crawled back. Pero hindi siya nagpatalo hanggang sa naihiga niya ako.

"Damn. I will drown myself just to have a taste of these lips again. Please just give me the honor to kiss you again without me, dying."

Parang nagpapantasya niyang sabi bago muli akong hinalikaan. Oh God.

It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon