I

1.5K 46 1
                                        

Stay still.

"Sila na ba talaga?"

Napaikot na lamang ulit ang mga mata ko pagkarinig sa bulungan ng mga tao sa paligid. Totoo ngang hindi mawawala ang tsimis sa mundo lalo na kung ang dahilan ng tsismis ay nasa likuran ko lang, nakasunod sa akin na parang aso. Gigil ko siyang hinarap kaya nahinto din siya sa paglalakad.

"This is your fault. You see what it can cause? But fine. They want to witness a show? Come here."

Utos ko sa kanya. Napakamot siya sa noo sabay lapit sa akin ng tuluyan. Hinapit ko ang t-shirt niya. Napahawak naman siya sa dibdib na tila ba dedepensahan ang katawan. Nag alburuto tuloy ako sa galit.

"Stop acting like you won't like what I'll do."

Inis kong sabi. Maang maangan niya akong tinignan hanggang sa nanlaki na lamang ang mga mata niya noong tumingkayad ako at hinalikan siya sa labi.

"Kiss me back."

I hissed as I demanded him to kiss me back.

"Huwag po."

He croaked in a teasing way. Sa irita ko sa pag iinarte niya ay lalayo na sana ako kaso mabilis niyang nahawakan ang ulo ko at idiniin ang labi sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko noong ipasok niya ang dila sa loob ng bibig ko. Oh my God. Ang sarap niyang humalik! Ay ano ba Elisha!! Ang landi mo! Pero oo nga! Totoo naman ah!

"Baby. Easy. Let's take it slowly."

He chuckled inside my mouth! Wow. Ang galing. Papaano niya nagawa iyon! And yes We french kissed surrounded by people.

"Hala! Itong mga batang ito! Masyadomg SPG! Ms. Jimenez and Mr. Santa Leones! In my office now!"

Naitulak ko palayo si Saint pagkarinig sa boses ni Dean Sagon.

"Ayan kasi. Ang landi landi."

Bubulong bulong na sabi ng ibang mga babae sa paligid. Inirapan ko lang sila. Sus! If I know. Inggit lang nila kasi hinalikan ako ng crush nilang hayop. Napayuko ako sa kahihiyan noong sundan ko si Dean.

"Kasalanan mo ito eh!"

Inis kong baling ng galit kay Saint noong sundan din niya ako. Napakamot siya ng ulo sabay akbay sa akin.

"Eh. Baby di ba ikaw ang naunang humalik?"

Taas kilay pa niyang tanong. Siniko ko na! Itinago ko ang mukha sa malapad niyang katawan.

"Ui. Tsansing na yan."

Pang aasar niya pa. Itutulak ko na sana siya kaso mabilis niyang nahawakan ang kamay ko sabay dala iyon sa labi niya para mahalikan. Natameme tuloy ako hanggang makarating kami sa opisina ni Dean Sagon.

"So what's with this PDA I witnessed just now huh? This is my first time to see you like that Ms. Jimenez. You have a clean record all throughout your stay in this University until now!"

Sitang tanong ni Dean sa akin noong makaupo kaming tatlo.

"Sorry po dean. It came out of hand."

Paghingi ko ng paumahin sa kanya.

"Ano ba nangyayari sa inyong mga kabataan ngayon? Masyado na kayong marurupok!"

Hinilot pa ni dean ang kanyang sentido. Tila ba nakunsemisyon sa nasaksihan kanina.

"Dean. That's what love can do. We do crazy things for love,you know. Try mo kayang magmahal dean ng malaman mo. Palibhasa tumanda ka nang binata kaya wala kang idea."

Walang utak na singit ni Saint noong akmang magsasalita na sana ako. Sinipa ko siya sa paa. Kunot noo siyang napatingin sa ilalim bago ako binalingan.

It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon