C

2.3K 41 2
                                    

End.

"Oh my God! Elisha.!"

Napangiti ako sa tili ni tita Sabrina pagkakita sa akin. Niyakap niya ako kaagad ng sobrang higpit kaya naman ang katabi ko sa paglalakad na si Saint ay bahagyang napatabi para bigyan ng espasyo si tita. Speaking about Saint, hindi pa rin ganoon kalinaw ang lahat sa aming dalawa, but we chose to be civil with each other. Na para bang normal na lamang lahat kahit na alam naman naming hindi. Pagkatapos ng iyakan noong isang gabi ay hindi na namin muling binuksan ang nakaraan. Yes, people may look us as a happy couple in love with each other because he is sweet but we know more than what the eyes of others can ever see.

"It's been a while since I last saw you! Namiss kita! Saan ka ba nagsusuot suot at hindi ka mahagilap?!

Nakangusong tanong ni tita habang patingin tingin sa katabi ko.

"I was just in US tita. I worked as one of the neurosurgeons sa isang ospital doon."

Nakangiti kong sagot.

"Ganoon ba? Akala ko tinakbuhan mo siya eh."

Saad niya sabay bulong sa huli. Napatingin ako kay Saint na ngayon ay nagkakamot na ng kilay. Malamang narinig ang sinabi ni tita. Hindi naman kasi as in bulong iyon, sinadya niyang palakasan ang boses para marinig nito.

"Uhh. Hindi naman po tita. May natanggap lang akong trabaho doon na sa tingin ko ay makakatulong ng malaki sa career ko, so I grabbed it."

Tipid ngiti kong litanya. Napatango tango siya sa akin.

"Uhh. Pero bakit ka andito ulit kung may magandang oportunidad pala doon?"

Taas baba pa ang kilay ni tita habang tinatanong ako ulit. Tila may gustong i-point out?

"Hoy! Sab, tigil tigilan mo nga yang anak ko. Napakatsismosa mo talaga kahit kelan!"

Bigla ay sumulpot si daddy kaya napairap si tita. Umikot pa ang mga mata. Si tita talaga.

"Anak. Mabuti naman at nakapunta kayo sa TAONG TAONG get together."

Now it is my time na pang ikutan ng mga mata si daddy. He really emphasized that taong-taon huh. Every year kasi ay may gatherings na nangyayari sa pamilya namin at sa mga malalapit na kaibigan ni dad.

"Hello to you too daddy."

Sarkastiko kong saad. Tumawa lamang siya sabay halik sa aking noo. Napatingin siya sa katabi ko. Umismid siya pero he still acknowledged Saint's presence anyway. He patted him on the shoulder.

"Mabuti at naisama mo itong si Saint. Hinahanap ng mommy mo noong isang araw pa! Naku kung di lang ikaw ang mahal ng batang ito, pagseselosan ko siya talaga! Aba't kelan lang noong kasama namin sa pagsundo sa iyo sa airport! Ngayon hinahanap na?! "

Halakhak na litanya ni daddy. Pinamulahan ako ng pisngi. Pinagsasabi naman ni dad?! Di lang nila alam ang dramang naganap noong nakaraang gabi sa pagitan namin. Huh!

"Thank you for inviting me here tito."

Nakangiting saad ni Saint kay daddy.

"Of course! You're part of our family now. And please, stop calling me tito! Call me daddy too! Matagal na nga dapat actually kung hindi lamang...Oh siya dibale...punta na tayo sa kanila..."

Mabilis na palit ni daddy ng topic bago sumibat at iwan kami. Napatingin ako kay tita Sab na ngayon ay nagkibit balikat at iwan din kaming dalawa ni Saint.

"Saint! Dude! Finally!"

Natigil kami sa paglapit ng tuluyan pagkatawag ni PJ kay Saint.

"PJ."

It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon