L

1.5K 42 1
                                    

He knows.

"Oh. Saan ka pupunta? Mag aalas sais pa lang, Elisha huh. May pasok ka ba ng maaga?"

Halos matuod ako sa kinakatayuan noong marinig ko ang boses ni mommy. Nahinto ako sa paglalakad at mariing napakapit sa shoulder bag. Halos ayaw ko na nga sana siyang lingunin pero siya pa ang lumapit at tumayo sa harapan ko. I smiled awkwardly as she crossed her arms. Pinantaasan niya ako ng kilay.

"You've been going to school too early these past days, huh and then come home late. May pinagkakaabalahan ka ba anak?"

Kunot noo ng tanong ni mommy na siyang nagpalunok sa akin.

"Opo!"

Halos pasigaw kong depensa sa sarili. Nagulat pa siya sa lakas ng pagkakasagot ko. Pinaningkitan niya tuloy ako ng mga mata, by then I knew, alam niya ng may itinatago ako sa kanya kaya nag iwas ako ng mga mata.

"Ahah! Pinagtataguan mo pa din siguro talaga si Saint ano?! Umamin ka!"


Nanlaki ang mga mata ko sa tamang hinala niya kaya mabilis din akong dumipensa which was a big mistake!


"Mom! No! Why should I? Busy lang ako kasi nga graduating diba?!"

Sinamahan ko pa ng tawang may kasamang nerbiyos. Pinang ikutan niya ako mga mata.

"Dami mong alam anak! Umamin ka na kasi! Huwag na huwag mo akong pagsisinungalingan! Mommy mo ako! Ano ka ba. Honey, you can tell me what you feel, you know. Are you in love with hi...."

Hindi pa man niya natatapos ang tanong ay agad na akong sumagot ng pasigaw kaya napaigik pa siya sa gulat!

"Noooo! Hinding hindi ako maiinlove sa bastos at manyakis na iyon! Hindi! Hinding hindi! Hinding hindi talaga!"

Paulit ulit kong sabi lalo na noong makitang nakangisi na si mommy!


"Asus! Don't deny,honey. I am your mom. I can feel whether you're lying or not. Nanlalaki ang mga mata mo at namumula ang tenga mo. Mahal mo na si Santo. Oh my God. I am the happiest mother ever!"

Tuwang tuwang pumalakpak pa siya sa huli. Napaikot na lang ako ng mga mata.

"What's happening here?"

Pareho kaming napatingin sa dulo ng hagdan kung saan nakatayo ang inaantok ko pang ama.! His hair were dishieveled. Bahagya niyang kinamot ang pisngi at tamad na napatingin sa aming dalawa.


"God! Baby! You look so damn hot! Mamaya ka sa akin.!"

Gigil na gigil na saad ni mommy at nilapitan si daddy. Mabilis niyang ipinulupot ang mga braso sa leeg ni dad at walang sabi sabing tumingkayad para mahalikan sa labi ito. Napapalatak na lamang ako at napatapik sa noo!



"Mom! Dad! Get a room! Oh my God!!"

Naeeskandalo kong sigaw dahil nakasakay na si mommy kay daddy! Mariing nakasuporta ang mga kamay ng aking ama sa puwetan ni mommy samantalang malayang nakapulupot ang legs sa bewang ni dad! My God! These oldies still have that energy huh! Mabilis akong  naglakad palabas ng bahay dahil talagang naeeskandalo na ako sa dalawa!

"There you are."

Marahas akong napatingin sa boses hayop, kasabay ng pag ikot ko pabalik sa loob sana kung hindi lang niya ako napigilan sa braso!




"Hey. Hey. Hey."

Natatawa niyang pigil sa akin. Napakagat ako sa labi upang pigilan ang inis ko. Pilit niya akong inihaharap hanggang sa mapagtagumpayan nga niya iyon. Masungit ko siyang tinignan. Nanlaki ang mga mata ko noong matitigan ang mukha niya. Maitim ang ilalim ng mga mata,magulo ang buhok na tila hindi man lang nadaanan ng suklay, in short, nangangalumata ang hinayupak!


It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon