A

1.6K 46 2
                                    

Never.

I cried myself to sleep. Pumasok ako kinaumagahan na wala sa sarili.

"Jimenez! Are you even listening?"

Sinundot ako sa braso ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngumuso siya sa harapan kaya napatingin ako sa professor namin na ngayon ay nakatiim bagang na. I stood up.

"I'm sorry Joey. What is it again?"

I asked my prof. Nagtawanan ang mga kaklase ko kaya napayuko ako at nahahapong napaupo.

"Quiet!"

Galit na galit na sita nito sa mga maiingay. Natapos ang klase ko na galit lahat sa akin ang mga professor. They told me it was their first time to see me like this which is true! I have always been attentive, I make sure I answer them back quickly everytime they call my name!

"What's wrong with you today?"

Takang tanong ni Khalid sa akin noong nasa University field kami. Napatingin ako sa kanya noong tuluyan siyang sumabay sa paglalakad ko.

"It's nothing. I was not really feeling well today, I need to go home."

Pagsisinungaling ko. Alangan namang ikwento ko na nag away kami ng boyfriend ko which, he's no longer concern about! It's my personal problem anyway! Well, Khalid is half American, half Filipini. He is one of my classmates to some of my med subjects. He's three years ahead of me but since he said he was once a playful student, hindi niya sineryoso ang pag aaral niya. Ngayon nga lang daw siya nagseryoso dahil kinukulit na siya ng mommy niyang makapagtapos.


"Oh. Is that so. I can drive you home if you want. I'm just worried, you don't look yourself today, baka may mangyari sa'yo sa daan."

Slang niyang sabi sa huling pananagalog. Napatingala ako sa kanya, bahagya. Mas matangkad siya kasi sa akin. Siguro magkaheight lamang sila ni Saint.

"Uh. No need. I can handle. But thank you for the concern. I'll go ahead now. See you tomorrow."

Nginitian ko siya. Tumango naman siya sa akin bago ako hinayaan ng umalis. I hailed a taxi back to my house. Hinang hina ako at walang gana habang naglalakad palapit sa tinutuluyan.

"Elisha."

Nanigas ako sa kinatatayuan pagkarinig sa pagod na boses ni Saint, saktong pagtungtong ko sa harap ng pintuan. Narinig ko ang mga yabag niya mula sa aking likuran. Agad na tumulo ang luha sa gilid ng mata ko noong maramdaman ang mahigpit niyang yakap mula sa likuran ko. He placed his cheek on my shoulder as he sighed heavily.

"I'm sorry for breaking your rules. I am sorry for not telling you, I was with her. I know, I should have told you, at least. Baby, let's not fight please? Forgive me please?"

Hirap na hirap niyang simula. Napahikbi ako pagkatapos marinig ang pagod niyang boses. He came all the way from Manila just to say sorry.

"Baby, say something please."

Humigpit ang yakap niya dahil hindi ako umimik man lang.

"You're tired. We'll talk later. You need rest."

Malamig kong sabi bago humiwalay sa yakap niya. Kita ko ang pagsuko niya dahil sa pagyuko niya noong buksan ko na ang pintuan. Sumunod lamang siya noong pumasok ako. I turned on the living room's light before putting my things on the table near the sofa. Dumiretso ako sa may kusina pagkatapos, naiwan siya sa sala. Kumuha ako ng tubig sa ref bago bumalik at iabot sa kanya sana. Natigil ako sa paglalakad noong makitang nakayuko lamang siya habang nagpupunas ng sariling iyak. Bigla tuloy akong naawa sa kanya.

It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon