E

1.9K 55 5
                                    

Taking you home.

"Patients' heart is now stable....."


Nakahinga kaming lahat ng maluwag sa pahiwatig ni Dr. Atkinsons pagkatapos ng successful operation para sa isang babaeng may cancer. Iba't ibang mga doktor ang umagapay kasama na ako para lamang maging matagumpay ang operasyong ito. Ilang oras din ang itinagal namin sa operating room. Agad na tumayo ang pamilya ng pasyente pagkalabas namin.




"Her operation was successful, you can be at peace now. Congratulations, you have a tough daughter, she fought her battle well."



Nakangiti kong balita sa kanila pagkatapos kong matanggal ang mask. Napahagulgol naman sa tuwa ang ina nito na agad inalo ng umiiyak na asawa. Ang dalawang kapatid ng pasyente ay nagyakapan habang umiiyak. Dr. Atkinson patted my back with a proud smile before talking to the patient's family. Nagpaalam na din ako sa kanila at nagtungo sa opisina. Laking pasasalamat pa nila sa akin paulit ulit. Sinuklian ko sila ng totoong ngiti.



"Congratulations! You had another successful operation back there! Wow! What can I say? I'm indeed a proud friend!"






Natatawa kong binato ng ballpen si Khalid. Hindi pa man ako nagtatagal sa upuan ko ay agad na niya akong binisita para lamang asarin. Ang bilis talaga ng radar ng lalaking ito. Alam na agad tungkol sa resulta sa nangyaring operasyon. Tatawa tawa siyang lumapit at naupo sa may mesa ko.




"Ang bilis talaga ng balita pagdating sa'yo ano? Alam mo agad hindi pa man umiinit ang pwet ko sa upuan ko!"


Natatawa kong simula. Ngumisi siya bago natawa na din at umiling iling.


"Of course! I'm your number one fan! Remember?"



Ngisi niyang sagot sa akin. Napailing iling na lamang ako bago binuksan ang laptop.




"Ewan ko sa'yo! Wala ka bang naka schedule na operasyon ngayon kaya dito ka nambubulabog?"



Tanong ko habang tinitignan kung may bagong pasok na e-mail sa akin.





"Wala. Mamaya pang alas diyes. I just came here to invite you for early dinner."



Napaangat ako ng tingin sa kanya. Itinaas baba niya ang kanyang mga kilay.


"What do you think?"




Ngingisi ngisi niyang dugtong.


"You know what? I cannot believe, I was not picked to be Chrysta's cardio! It should have been me not Dr. Atkinsssss!"




Pairap niyang banggit sa apelyido ni Dr. Atkins. Ang bitter talaga nito!


"You know what? Ang ampalaya, kinakain yan hindi isinasalita! Ang bitter mo! Eh siya napili ng board tska mas expert na iyon kaysa sa iyo!"


Natatawa kong pang asar sa kanya. Sinimangutan na lamang niya ako sabay ayos na ng tayo.



"Eh bakit ikaw ang piniling Neurosurgeon? Mas madami namang mas senior na sa'yo?"


Napahagalpak ako ng tawa sa naging rason niya. Isinara kong muli ang laptop bago nagsalita.


"You know what? Gutom lang iyan! Sige, kumain na lang tayo. But, your treat since ikaw ang nag-aya."

Natatawa kong sabi bago tumayo. May sumilay na pilyong ngiti sa labi niya bago siya napasuntok sa ere.


"Yes! Diyan talaga kita nakukuha!"


It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon