N

1.8K 54 2
                                    

Dragonfly.

"Good morning beautiful."

Mariin akong napapikit ng mga mata sabay lamukos ng papel na nasa table pagkarinig sa nakakarinding boses ni Santo. He's been bugging me for the past three days now. At sa tuwing susungitan ko siya ay lagi niya na lang pinapaalala sa akin ang usapan namin, na pumayag na akong maging girfriend niya kaya sa huli ay magpapanggap akong okay. Hinarap ko siya pero bumungad sa akin ang pumpon ng sunflowers.

"For you, mahal."

Pa cute pa niyang saad bago inabot sa akin.

"Thank you, but really, you don't have to give me flowers everyday. Nagiging flowershop na ang kwarto ko."

Nakangiti kong saad habang tinatanggap ang bigay niyang bulaklak. Umupo naman siya sa tabi ko at nangalumbabang tinitigan ako. Bigla tuloy akong naasiwa.

"But I like giving you flowers. I want to court you everyday too. But okay, maybe tomorrow, I'll just give teddy bears. At least iyon hindi malalanta."

Nakangiti at masaya niyang sagot. Napangiwi na lamang ako sa kanya sabay lagay ng bulaklak sa tabi ko at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Wala ka bang pasok ngayon at dito ka lang tatambay?"

Tanong ko pero hindi nakatingin sa kanya.

"I don't. Bukas may flight ako. Pero may subject ako ngayon dito. Papasok ako maya maya. Ikaw, you have a class by ten. You need to keep moving or you'll be late for your class, baby. Ihahatid na kita."

Malambing niyang paalala. Siya na din ang nag ayos ng gamit ko. He even took my bag just so he can put it on his shoulder. Wala sa oras akong napangiti. Oh God! This man!! He held my hand after I got up from my seat.

"Let's go?"

He asked happily. I just nodded. I can feel my face burning 'cause by unknown emotions. Lahat ng nakakasalubong namin ay napapatingin sa aming dalawa. Well who would not? The great Saint Santa Leones, is holding my hand and he just can't hide his pride and happiness.

"Hi Saint."

Papansin ng mga babae sa kanya. He just nods and kiss my hand he's holding, assuring me, I am his only one despite of the many girls tempting him around. Napapangiti na lang ako ng hindi namamalayan. Nawala lang iyon noong tuluyan ng makarating kami sa classroom.

"See you after class, baby. Susunduin kita dito mamaya. May pupuntahan tayo."

He bent down and gave me a quick kiss on the lips. He gave me my bag, winked and left me totally shocked. Oh boy!

"Oh my! Did you see that?"

Dinig kong bulungan na ng mga kaklase ko.

"He's dating Jimenez? That is so unbelievable."

Dugtong pa ng isa. Napatingin ako doon at pinantaasan sila ng kilay bago nagsalita.

"So what if he is dating me? Can you not accept the fact that he likes women with brains better than big boobs yet brainless? Get some life girls. He is mine."

Burned they were by my remarks, I left them with a winning smirked before settling with my seat. Naghiyawan tuloy ang iba naming mga kaklase. Natigil lamang noong dumating na ang professor namin. The clasee ended so well. Paglabas ko ng room ay nakita ko agad si Saint na matiyagang naghihintay sa labas. Nakayuko siya habang nilalaro ng isa niyang kamay ay pang piloto niyang cap. And oh boy, he looks so deviously handsome with his uniform on. Napapatingin sa kanya ang mga kababaihan at kinikilig. Nakapamulsa ang isa niyang kamay at nakanguso, tila malalim ang iniisip. Nagpasya akong lapitan na siya.

It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon