H

1.5K 39 1
                                    

Subukan.

"Good morning beautiful. Teddy bear for you girlfriend and flowers for you tita. Tito eto brief binili ko sa mall."


Humagikgik si mommy pagkasabi ni Saint sa regalo nito kay daddy. Napakamot ng kilay si dad bago iyon alanganing tinanggap. Natatawa na lamang ako habang inaabot ako ni Saint upang mahalikan niya ako sa noo. Somehow ay may nagbago naman sa relasyon naming dalawa. Mas lalo pa siyang naging sweet at kahit papaano naman sa pakikitungo ko, naging civil na ako at hindi na inis sa kanya. Well maybe sometimes pero hindi gaya dati na always.

"Loko loko ka talagang bata ka. Ano nanaman ang masamang hangin ang nagdala sa iyo dito? Di ka pa rin ba napapagod sa kakahabol dito sa anak kong wala na yata talagang balak sabihan ka ng I love you too?"

Nakangising pang asar ni daddy. Nawala naman ang ngiti ni Saint dahil sa sinabi ng aking ama.

"Eh. Okay lang tito. Diba pinagdaanan mo din naman itong stage na to noon?"


Walang hiyang sagot niya kay daddy. Ngayon, oras naman ni daddy na mabura ang ngisi sa labi. Kumunot ang noo nito. Natatawang nakikinig lang si mommy habang ako ay napapailing na lang. Alam ko na kung sino ang salarin eh. Malamang naikwento na iyon ni mommy kay Saint. Gusto kasi ni mommy lagi siyang mukhang bida. Pabida din eh. Natawa na lang ako sa naisip.


"Nagkwento ka?"

Akusa ni dad kay mommy. Nanlaki naman ang mga mata nito, akala mo totoong nagulat sa akusa ni dad.

"Huh. Ako?"

Exaggerated pa na tanong ni mommy habang hawak ang dibdib kunwari ay gulat na gulat.




"You want to be punished. I guess."


Nakangising saad ni dad na siyang ikinahagikgik ni mommy. Alam na! Mga tanders na to! Ang tatanda na! Active pa din! How come ako.lang naging bunga?! Samantalang si tito Terrence nakailan na!

"Babies. Stay here and drink your milk. It's time for me to drink mine too."

Double meaning na sabi ni daddy sa amin habang malagkit na tinitigan si mommy. Tatawa tawa na parang kinikilig na teenager naman si mom! Kakaloka!


"Ang cool talaga ng parents mo! How come sobrang uptight mo?"

Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos niyang sabihin sa akin iyon. Nabura ang ngiti niya noong makita niya ang reaksyon ko. Napangiwi siya sa takot.


"Come here."

Utos ko gamit ang daliri. Mabilis naman siyang sumunod gamit lang ang daliri ko. Noong makalapit siya ay ipinulupot ko ang mga braso sa leeg niya. Napatingin siya sa braso ko bago manghang mangha na napatingin sa akin. My lips protruded.



"Uptight who? Come again?"

I asked as I kissed the side of his lip. Napalunok siya. My finger started to trace his thick eyebrow down to his eyes, nose, lips and down. More until it stopped near his soldier. Napaigik siya at tila ba may sumaludo! I looked down and smirked when I saw how his buddy reacted by my mere touch. Nakashorts lang kasi siya kasi nasa may pool area kami. He's in his white shirts. Inilapit ko ang aking labi sa kanyang tenga at binulungan.



"Easy, daliri ko pa lang iyan. Wala pa ang bibig at iyong alam mo na."

I chuckled sexily. Ahuh! Ito ang gusto mo eh! I continued tracing until he stopped me. Hinawakan niya ako sa pulso. Seryoso niya akong tinitigan. Tila ba galit. Napalunok ako ng palihim. Eh? Paano ang lunok na palihim Elisha?





"What are you doing?"



Kunot noo niyang tanong. He sounded not so pleased at all! Inirapan ko siya sabay bawi ng kamay kong hawak niya.




"Diba ganoon ang gusto mo sa mga babae? Iyong lalandiin ka then ikakama mo na?"


Bitter kong sabi.

"Bakit? Magpapakama ka ba?"

Nanlaki ang mga mata ko sa naging tanong niya. Napailing iling siya sabay natawa pero walang halong TUWA.



"Sa tingin mo ganoon kababa ang pagtingin ko sa'yo? Oh baby, you really are belittling the amount of love I feel for you."

Kunwari ay disappointed niyang sabi. But I know better. Nag iinarte lang para lambingin ko! Naging maayos naman kahit papaano ang pagsasama naming dalawa. I became more expressive towards what I feel for him. I express my feelings through actions. Hindi ko man nasasabi na mahal ko na siya, ay at least pinaparamdam ko naman kahit papaano. Iyong isang buwan kong palugit sa kanya noon ay parang wala na! He just threw it away just like that. Sabi niya wala na daw iyon kasi malakas ang pakiramdam niyang ayaw ko ng malayo siya sa akin. Oh diba ang kapal ng mukha?! Pero hindi na ako nakipag argumento because partly, totoo naman kasi na hindi na iyon mahalaga kasi ramdam naming pareho na puwede kami. Na may patutunguhan ang relasyong nagsimula lang naman sa salitang "okay."



"Nakita niyo ba si Saint?"

Halos mapatalon pa sa kinauupuan si Mattias noong magsalita ako mula sa likuran niya. Bigla na lang kasi naman ako sumulpot sa kung saan.


"Anak ng.! Ano ba! Huwag mo nga akong ginugulat, Elisha!"

Masungit nitong saad. Kung hindi ko lang kilala si Mattias iisipin kong seryoso siya pero I know him kaya tinawanan ko lamang siya. Napairap siya.



"He's with that Bianca. Kausap niya kanina eh. Ewan ko ba kung anong pinag usapan."

Singit ni Thunder. Nawala ang aking ngiti at napalitan ng pagkunot ng noo.



"Saan?"

Matigas kong tanong.


"Nako. Lagot ka kay Saint 'Der."

Ngiwing sabi ni Chino.


"Bakit naman? Eh nagtanong lang siya natural sinagot ko lang naman. Nga pala nasa library sila. Hanapin mo don!"

Walang pakialam na sagot ni Thunder kay Chino bago sa'kin. Tila ba hindi niya talaga naisip ang kahihinatnan ng nasabi. Oh well maybe they think I am fine seeing Saint with random girls escpecially to that Bianca huh. Walang imik akong iniwan sila at nagmamadaling naglakad papuntang library. Medyo nahirapan pa ako sa paghahanap sa kanila kasi malawak masyado ang University Lib.


"Seryoso ba?"

Nahinto ako sa paglalakad noong marinig ko ang boses na iyon na may kasama pang hagikgik. Tuwang tuwa lang te? Napairap ako sa kawalan. Mabilis akong sumilip sa siwang; kung saan may nakapagitan na mga libro, kitang ko silang dalawa. Saint is smiling too while looking at her. Biglang nanikip ang dibdib ko. Walang agam agam ay nilapitan ko sila. Malakas kong ibinagsak sa mesa ang librong nadala ko pala. Nagulat silang pareho.

"Bab..."

Hindi naituloy ni Saint ang tawag niya sa akin dahil bigla ko siyang hinawakan sa manggas pagkatapos kong umupo sa hita niya para mahalikan sa labi.



"Oh God."

Laking gulat na nasabi na lang ni Bianca. Galit na galit akong tumigil sa paghalik kay Saint bago balingan ang ahas na babae.



"Step aside bitch. This guy is mine. Huwag kang haharang harang."

Bitchesa kong sabi bago tumayo. I bent a bit to reach for his lips again. Wala pa siya sa sarili dahil sa matinding gulat. Maang lang siyang nakatingin sa akin noong hawakan ko ang labi niya after ng halik.


"You are mine, Santa Leones. Subukan mo lang maghanap ng ibang expired na putahe. Makikita mo ang hinahanap mo."

Mabagsik kong banta bago siya kinindatan at iwan silang dalawa na nakatunganga!



It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon