Harvard.
"Jimenez, Elisha Caroline, Bachelor of Science in Biology, Cum laude."
Tumayo ako sa aking assigned seat at malawak ang ngiting umakyat sa stage kasama si mommy at daddy. After years of studying hard, finally, it paid off. Nagpunas ng luha si daddy habang tinatawanan lang siya ni mommy bago ako yakapin. Isinabit nila ang medal ko. We shook hands with everyone in the stage.
"Congratulations, baby."
Agad na salubong ni Saint sa akin pagkababa ko sa stage. Noong marinig niya ang pangalan ko ay doon na siya tumambay pagkatapos niyang magpaalam sa mga kaibigan niyang nasa taas. Sa may plenary hall ginanap ang graduation. Sinalubong niya ako ng yakap na agad ko din namang sinuklian. He kissed my forehead before acknowledging my parents' presence beside me. Hinalikan niya sa pisngi si mommy at nakipag fist bump pa siya kay dad habang nakayakap sa bewang ko ang isa niyang kamay. The graduation day ended just fine. Nauna akong grumaduate kay Saint dahil pangalawang course na niya ito. He's in his third year though. That makes him 3 years older than me, no, four actually kasi mas matanda talaga siya ng apat na taon sa akin. Naaccelerate lamang siya ng isang taon kasi nga matalino masyado.
"Isang taon na lang din bago ka grumaduate diba Saint?"
Tanong ni mommy habang nasa biyahe kami pauwi ng bahay. Si Saint ang nagmamaneho dahil nagvolunteer siya. Nagpapalakas daw siya sa mga magulang ko. Sabi ko sa kanya hindi na kailangan dahil botong boto sila sa kanya pero ang sabi niya gusto niya daw mas lalong bumoto pa sila. Pabibo din eh.
"Opo, tita. Pero iyong thesis na lang pruproblemahin ko buong sem next year."
Malumanay na sagot nito. Tumango tango na lang si mommy.
"But your dad is already training you right?"
Singit naman ni daddy.
"Hindi pa po tito. Sa susunod na buwan pa lang dahil medyo busy din ako sa flights ko. I will clear my work schedule this week before I go on leave for the training."
Seryosong sagot niya dito. Kita ko kung gaano ka proud si daddy sa kanya. Napapaisip tuloy ako kung ako ba ang anak o siya. Eh? Biro lang.
"That's great. Santino must be really proud of you."
Masayang litanya ni daddy bago hinalikan si mommy na ngayon ay nakapulupot na sa braso ni dad habang ang ulo ay nasa balikat nito. Napaikot ako ng mga mata. They are so inseperable.
"I just don't know tito. But I hope so."
Kiming sagot nito bago ako tinignan para abutin ang kamay kong nakapahinga sa aking hita. Dinala niya iyon sa labi para mahalikan. My mom squeeled! Teenager lang mommy?!
"Sweet.!"
Saad pa niya sabay bungisngis. Natawa sa kanya si daddy at nakangiting umiling iling.
"May lipad ka ba ngayon?"
Tanong naman ni mommy.
"Meron po pero mamaya pa pong gabi. Sa Heathrow."
Mabilis akong napatingin sa kanya. Wow. That's.....far. Bigla tuloy akong nalungkot.
"Ilang araw kang mawawala sa Pinas kung ganon?"
Tanong ni mommy. Ramdam ko ang titig niya sa akin mula sa salamin. I felt Saint's quick stare before looking back in front of the road.
"Uhh. Baka po three days lang. May layover kasi kami ng isang araw don para makapagpahinga kahit papaano. Then may isang araw po na flight sa Zurich bago ako makabalik dito."
BINABASA MO ANG
It Should Have Been Us (Completed)
General Fiction2ND GENERATION SERIES III #SAINT SANTA LEONES & ELISHA CAROLINE JIMENEZ.