A

1.6K 42 1
                                    

Too strong.


"Anong nangyayari?"

Kunot noo akong napatingin sa grupong nagkumpulan sa tabi ng corridor malapit sa nilalakaran ko.



"May nahimatay na estudyante! Binuhat ni Saint papuntang clinic."


Sagot ng isang babae sa kaibigan. Natigil ako sa paglalakad pagkarinig doon. May mga napatingin sa direksyon ko bigla sa hindi inaasahang dahilan.


"Huy. Yung girlfriend ni Saint."

Bulong nilang lahat. Nag iwas ako ng tingin sa kanila sabay talikod. Mariin kong hinawakan ang libro sa aking dibdib at diniretso ang corridor papuntang clinic.

"She's fine. Kulang lang siya sa ferros sulfate. Hija. You're anemic. Dapat iwasan mo ang pagpupuyat at magtake ka ng vitamins kahit papaano ha?"


Natigil ako sa pagpasok noong marinig ko ang ibinilin ng doctor. Kumunot ang noo ko lalo noong marinig ang itinawag nito sa kausap. Hija? So babae ang dinala ni Saint?



"Opo doc. Thank you po."


Nagpanting ang tenga ko noong marinig ang boses na iyon. It's Bianca. Magkasama nanaman sila! My jealousy is getting worse everyday and I know it's making me feel vad for myself. Nanghihina akong napasilip doon.

"Sige maiwan ko muna kayo dito."

Sagot ng doktor bago pumasok sa opisina sa may gilid. Isinara nito ang pintuan. I saw Saint sat on the bed just beside where that girl is lying.


"Listen to the doctor. Take care of yourself."


Nag aalalang paalala nito kay Bianca. Napakagat ako sa labi.

"Uh. Thank you pala sa pagdala sa akin dito. Wala naman talaga ito. Napuyat lang ako kasi nagreview ako kagabi para sa quiz natin sa Ent."


Nakangiting sagot nito kay Saint. Napabuntunghininga ang boyfriend ko bago inayos ang buhok ni Bianca. That sight made my heart clenched. Sa selos na namuo sa dibdib ko ay tinalikuran ko na sila at hinang hinang umalis palayo ng clinic.


Days had passed and I kept my distance to Saint. He kept calling me. Minsan hinahayaan ko siyang ihatid sundo ako pero minsan nakakahanap ako ng palusot upang makaiwas gaya na lamang ngayon.

"You don't need to fetch me today, Saint. Masyadong maaga ang pasok ko. Diba alas tres pa ang unang subject mo?"


Sagot ko sa tawag niya. Dinig ko ang mahabang buntunghininga niya mula sa kabilang linya. Napakagat labi ako.

"You're avoiding me."


Nasasaktan niyang sagot bigla. Napasinghap ako sa narinig.


"What? No! Ano ka ba."

Tumawa ako ng pilit upang itago ang katotohanan. He sighed again.

"Why are you avoiding me, baby? What's your reason again this time hmmn?"

Malambing na niyang tanong sa akin. Napatingin ako sa kisame upang pigilan ang namumuong luha sa gilid ng aking mga mata.


"Nothing."

I croaked before laughing.

"Malapit na ang graduation ko. And I will be more busy this coming days before that. So inaabisuhan na kita ngayon, I won't have much time to spend with you."


It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon