L

2.2K 51 2
                                    

Fool.

Tamad kong pinatay ang aking cellphone noong muling tumunog ito. Saint has been calling me nonstop since I left the house without his knowledge. Mapait akong ngumiti sabay lagok sa inumin. I know it is too early to drink alcohol this early but I won't give a fuck. Sa ngayon gusto ko munang makalimot pansamantala at ang alak ang pinakamabilis na solusyon para sa problemang iyon.

"Hey. Kanina ka pa inom na inom. You called me to open my bar so you can drink all day? Balak mo bang magpakalasing?"

Iritadong kinuha bigla sa akin ni Sage ang basong may lamang alak.

"Baby. Hayaan mo na lamang siya. Mukhang broken hearted yata."

Napangisi akong napatingin kay Sari na ngayon ay hinihimas ang braso ni Sage para pakalmahin. Until now I cannot believe that these two are in a fucking relationship. That's incest! Papaanong natanggap nina tito Blue at tita Sab ang relasyon ng dalawang ito?


"Don't give us that look, Isha."

Inirapan ako ni Sari kaya humagikgik ako sabay pumangalumbaba sa may bar counter.

"I don't understand, how did the two of you happen? You are siblings for christ's sake!!"

Halos tumaas ang balahibo ko sa pandidiri sa kanilang dalawa. Napangiwi pa ako. Sumama lalo ang tingin sa akin ni Sage.


"We.are.not.siblings! Hindi ko siya kapatid!"

Sage firmly said it, spitting it to my face like a bitch. Pinantaasan ko siya ng kilay. Right. They're not. At kanina ko nga lang din nalaman iyon. But still. In front of the eyes of other people, it's still incest.

"Whatever you say, Mr. De Vera. For as long as you have my tito Blue's surname, you and Sari are still siblings. Kaya gawan mo na iyan ng paraan. Bilis bilisan mo, kasi iyang relasyon ninyong dalawa, hindi forever magiging patago! If you truly love my cousin, do your move now. God. I can't really believe tito and tita even allowed your relationship when I can see how disgusted they are seeing you together... so in love. Noong fam. and friends gatherings pa nga lang sobrang igting na ang panga ni tito habang buhat mo ang anak niya. And the fact that we grew together, tingin ko talaga noon, your over protectiveness towards Sari ay dahil nakakatanda kang kapatid kaya sobrang higpit mo sa pagbabawal na magboyfriend siya, iyon pala...iyon pala.."

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay isinubo na ni Sari sa bibig ko ang isang tinapay na kanina pa niya hawak. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Inirapan pa ako ni gaga!

"Pwede ba, Isha? You've been saying that ng so paulit ulit na. Nakakarindi na hah! As if naman you don't know how love works. Mahal namin ang isa't isa and we are in the right age to decide how we rule our life. Wala kaming pakialam sa kung ano ang iisipin ng ibang tao. Pinili lang namin itong itago dahil kina mommy and daddy. But if life would allow us, we will definitely be proud to shout to the world how much we love each other. I almost lost him because of my stupidness before. Now thatI have him back, I will never let him go. Never. At isa pa, pwede ba, hindi ang relasyon namin dapat ang inaalala mo. You have your own fuck up relationship problem to think of first and foremost. And hello, don't preach like a love pro here dahil sa ating dalawa, ikaw ang mas nangangailangan ng advise dito. Akala mo ba hindi namin alam ang kwentong pag ibig mo knowing how mom and tita talks a lot about you sa tuwing nasa bahay siya? Ang hindi ko talaga magets sa nangyari sa inyo ni Saint ha, what's with your issues ba with yourself?"

Kunot noo at inosente pero tsismosang tanong niya sa akin. Napaupo ako ng tuwid.


"I have a lot of insecurities that I thought I had to deal it alone, before. Masyado akong takot noon na baka may iba siya habang nag aaral ako sa ibang bansa. Lagi ko siya noong inaaway kaya sa huli napagdesisyunan naming iwan niya lahat ng mayroon siya sa Pilipinas para makasama niya ako at mawala na ang agam agam ko."

It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon