E

2.1K 58 1
                                    

Home.



"Santo! May naghahanap sa iyo. Napakagandang babae. Nakowh. Nangangaliwa ka yata boy."




Narinig ko ang malakas na tawanan at pang aasar nila kay Saint. Natigil ito sa pagsibak ng kahoy at kunot noong napatingin sa lalakeng kapitbahay. Pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo gamit ang nakasabit na towel sa kanyang leeg. Inabot niya ang puting damit na nakasabit sa tabi at isinuot iyon. Tumambol ng husto ang aking puso noong tuluyan siyang lumapit sa mga kapitbahay. Inginuso nila ang direskyon ko kaya sinundan niya iyon. Napalunok ako at pigil ang hiningang ngumiti. Kita ko ang pagkagulat niya noong makita ko dahil bahagyang nanlaki ang mga mata niya pero agad din iyong napalitan ng lamig nito. Kunot noo siyang lumapit at noong ilang dipa na lamang ang layo ko sa kanya ay huminto siya. Napatingin ako sa kamao niya noong kumuyom iyon.






"Anong ginagawa mo dito?"



Malamig niyang tanong sabay sama ng tingin sa mga lalakeng nakamasid sa amin. Nagsialisan ang mga ito noong samaan niya ng tingin ang mga ito. He looked back at me again.






"Kamusta ka na? Maayos ka ba dito? Naikwento kasi ni..."




Hindi ko pa man natapos ang pangangamusta ay pagak na siyang natawa.






"What do you think,hmmn?"





Taas kilay niyang tanong. Nakangisi pero walang laman ang ngising iyon. Napalunok ako.






"Umuwi ka na pala. Bakit?"





Malamig niyang tanong at iba sa usapan. Napakamot ako ng pisngi.




"Uhh. Oo. Pero magbabaksyon lang naman. Babalik din ako sa makalawa doon kasi finals na namin."



Balita ko sa kanya. Tumango tango lamang siya at pinunasan ang noo gamit ang likod ng kanyang kamay.





"Good for you. I hope you're doing well."





Bagot na bagot niyang sagot at napatingin tingin muli sa paligid na parang isang guwardyang nagbabantay sa kilalang tao sa lipunan!





"I do.. Ikaw. Okay ka lang ba dito? Bakit ka nga pala naging...naging.."



I swallowed the words from my mouth that I was suppose to say. Tumitig siya sa akin ng masama. Tumaas ang sulok ng kanyang labi.






"Naging ano? Tell me."




Hamon niya before crossing his arms.





"Aalis na ako. Gusto lang naman kitang kamustahin. Sige na. A..aalis...na ako."





Mabilis akong tumalikod dahil mukhang maiiyak pa yata ako dahil sa sobrang lamig ng pakikitungo niya. Well what do you expect little brat? Accept you with open arms?







"Naging isang mahirap. Iyon ba ang idudugtong mo sana?"




Natigilan ako sa akmang pagtalikod sa sinabi niya. Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Halos manginig ang ang tuhod noong hawakan niya ang magkabilang braso ko, tuluyan na palang nakalapit sa akin. At first I thought I felt him kissed my hair but maybe I was only dreaming.






"Kung iyon ang ipinunta mo dito, ang kamustahin ang kalagayan ko, makakaalis ka na. Hindi ka nababagay dito mahal na prinsesa. Go home to your palace."



It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon