Tell.
"Hey baby. Good evening. How's your day? I know, you're quite busy because your subjects are getting harder each day. I just want to let you know, I understood why you were not able to come on my graduation day because of your busyness. Call me once you heard my voicemail, okay? I love you."
Pinindot ko ang pangalawang voicemail after noong nauna.
"Hey Eli, happy monthsary baby, I am sorry I wasn't able to come and celebrate with you. Dad made me his front person with our new investors. I promise I will make it up to you. It's been two months since we last saw each other. And I am already worried, you never replied to any of my messages. It's a good thing, your mom and dad keeps me updated about you. I understand if you are busy, but please call me at least. I love you."
Another recorded mail was sent to me after that. Actually ilang beses ko na ito pinapakinggan sa buong two months na dumaan. I never replied not because I am too busy. Mariin akong napapikit pagkaalala sa nakita pagkabalik ko ng Pilipinas para sana sa graduation niya. Pinilit kong iwaglit iyon bago muling pinindot ang sumunod.
"Eli, please, please answer me baby. Even in messenger, you were not answering, do we have some problems? Please talk to me if there is. Don't do this. I love you."
Mapait akong napangiti. Talk? If he wants us to talk, he should have come a long time ago. Hindi niya pinalagpas ng dalawang buwan.
"That's it! I'm coming there! We will talk."
Kumabog ang dibdib ko sa huling mensaheng natanggap mula sa kanya. Bigla akong napatingin sa vanity mirror sa aking harapan. Mugto ang mga mata, magulo ang buhok, at kusot ang damit, iyon ang nabungaran ko noong makita ang sarili sa salamin. Mabilis akong tumayo para maligo na. Aligaga at tila ba bigla akong natuwa noong malamang lilipad siya papunta sa akin. Pero iyong tuwa ay agad ding nabura noong maalala kung bakit umabot sa dalawang buwan na hindi ako nagparamdam sa kanya. My mom and dad don't know anything. Ang alam nila ay sobrang busy ko lang sa med school ko. Partly true. But. There's a...big BUT.
"Elisha. Pull yourself together."
Paalala ko sa sarili. Pinilit kong kalimutan ang huling mensaheng natanggap mula sa kanya. I acted like everything is okay. I busied myself in school which is a good help dahil pansamantala akong nakalimot. Natapos ang klase na tortured ang utak ko.
"Hey Eli."
Habol ni Khalid sa akin habang naglalakad na ako palabas ng Harvard gate. Napatingin ako sa kanya. Hingal na hingal siya pagtigil niya sa harapan ko. Mukhang hinabol yata ako para makausap.
"Khalid. Do you need anything from me?"
Takang tanong ko sa kanya. He asked me to wait for a sec using his point finger. Huminga siya ng malalim bago tuluyang umayos ng tayo.
"Uhm. I was absent yesterday. I just want to ask if I can borrow your notes?"
Napakamot siya sa likod ng kanyang ulo pagkasabi iyon. Tila nahiya yata. I smirked at him before nodding. Napahinga siya ng maluwag at ngumisi na din pabalik.
"Here. But please return it to me asap, I will need that for our quiz the next day."
Nanlaki ang mga mata niya noong malamang may upcoming quiz kami. Natawa naman ako sa naging reaction ng mukha niya.
"Holy shi...for real?"
Mura pa niya. Napapailing na lamang ako sa kanya. Nagpaaalam naman siya agad pagkabigay ko nung notes. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Ilang hakbang lang ay nahinto din agad noong mabungan ang madilim na aura ng lalakeng nakatayo sa isang itim na jaguar. Napaawang ang labi ko noong masilayan ang lalakeng dalawang buwan ko ng hindi nakikita. Napalunok ako bago nagpasyang lapitan na siya. Umayos siya ng tayo bago ibinulsa ang mga kamay na kanina ay nakahalukipkip.
BINABASA MO ANG
It Should Have Been Us (Completed)
General Fiction2ND GENERATION SERIES III #SAINT SANTA LEONES & ELISHA CAROLINE JIMENEZ.