A

2.3K 59 3
                                    

Mark.

Patingin tingin ako sa paligid habang naglalakad sa corridor upang masigurong walang Saint Santa Leones na haharang sa daraanan ko. I've been successfully hiding from him since that kiss happened. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang inaalala ang nangyari ilang linggo na ang nakakaraan.

"What the f?!" Mabilis kong inilayo ang sarili noong mabalik ako sa katinuan. Habang ako ay gulat na lumalayo, siya naman ay nakangisi, ngiting tagumpay, matamang nakatitig sa akin at hawak ang labi. Mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo at patakbong kinuha ang mga gamit para makalabas na. Sa pagtakbo ko at planong pag alis ay nagbitiw siya ng mga salitang pilit kong iwinawaksi hanggang ngayon. Hayop talaga ang hudas barabas na iyon!.

"Mark my word, baby, you'll be mine in no time."

Sa sobrang prustrasyon sa sarili ay ginulo ko ang aking buhok. Ano ba!

"Sino pinagtataguan mo? Gwapo ba to?"

Halos mabuwal ako sa kinatatayuan noong biglang may bumulong sa akin mula sa aking likuran. Narinig ko pa ang pagpupumigil niyang humagalpak. Nanggigigil kong hinarap siya. He pinned me at the corner.

"I got you this time. Akala mo ba talaga makakatakas ka sa paningin ko? I just gave you space for weeks, pero di ko na kinaya, kaya nagpakita na ako ulit. I miss you."

Seryoso niyang sabi bago ko pa man siya bugahan ng masasakit na salita. He tamed me with his words!


"Saint."

Napatingin kami sa babaeng nagsalita. Napaismid ako pagkakita sa kanya. Nag aalangan pang lumapit si Bianca. Napairap ako sa kawalan bago napatingin kay Saint na ngayon ay titig na titig pala sa akin. Nag iwas ako ng tingin. In my peripheral vision, I saw him smirk.

"Bianca."

Umayos na si Saint habang palapit naman si Bianca sa amin. Humigpit ang hawak nito sa librong hawak.

"Uh. Itatanong ko lang sana kung kailangan mo pa ang notebook ko. Kukunin ko na sana."

Nahihiya pa nitong sabi. Napatingin siya sa akin pero agad ding umiwas. Napatirik ang mga mata ko. Bianca is Saint's classmate anyway. Akmang maglalakad na sana ako upang makaalis na pero agad akong nahawakan ni Saint sa braso.

"Where do you think, you're going? Di pa tayo tapos mag usap."

Kunot noong tanong niya sa akin. Pinantaasan ko siya ng kilay.

"Para sa'yo hindi pa, sa akin tapos na. Tska kinakausap ka ng kaklase mo. Kayo na lang mag usap. Aalis na ako."

Oh. Oh. Did I sound jealous? Ang kunot noong si Santo, biglang sumaya tuloy dahil umaliwalas ang mukha.

"Oh. Someone's jealous huh."

Nakangisi niyang asar sa akin. Sinapak ko siya sa braso na siyang ikinahalakhak niya.



"I am sorry, Bianca. I will just return your notes later. My girlfriend is having tantrums right,papapakainin ko lang ng masarap na hotdog."

Halakhak niyang sabi. Biglang namula ang mukha ko sa naisip. Oh God! Dinudumihan na ng Santong ito ang malinis kong utak. Ang masama pa, nakita niya pa! Lalo siyang tumawa. He even purposely laughed on my ear.! Tumatawang inakbayan niya na ako. Naiwang tulala si Bianca pagkatapos. Noong makarating kami ng cafeteria ay nakatingin na lahat ng tao sa amin. Malakas kong itinulak siya palayo.

"For the last time. I am begging, stay away from me.!"

Sigaw ko sa mukha niya bago umalis. Mabilis pa sa alas kwatro akong nagtatatakbo palayo doon. My heart is beating too loud. Sa pagod ko sa pagtakbo ay napaupo ako sa bleacher.

It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon