Madly. Irrevocably. Deeply.
"Saan ka pupunta?"
Nahinto siya sa pagsusuot ng shirt noong magsalita ako. Tinakpan ko ang aking hubad na katawan at umupo habang hawak ang kumot sa may dibdib. Ipinagpatuloy niya ang pagsusuot ng t-shirt bago inabot ang itim na leather jacket sa may estante.
"Uuwi na ako. Baka hinahanap na ako ni Bianca. Salamat nga pala sa pera. Pasensya na kung hindi na ako magtatagal. Kailangan na ako ng asawa ko."
I suddenly stopped, drawing circles in his bare chest when I remembered that night. Iyong gabi na inakala kong wala na. Na tapos na tagala kami. Pero hindi ko naisip na iyong gabi na pala iyon ang siyang pumatay sa kanya dahil pinalaya niya ako para sa pangarap ko. I felt him kissed my hair. Nakaunan ako sa braso niya. Ang pisngi ay nasa kanyang dibdib.
"I talked to Bianca."
Natigil siya sa paghaplos sa aking braso noong magsalita ako. Huminga siya ng malalim.
"Uhuh. And what did she say? What did you ask?"
Kalmado niyang tanong. Bahagya ko siyang sinilip. I caressed his cheek before I pointed the scar in his chest.
"What happened to this?"
Tanong ko sa kanya. Napalunok siya at nag iwas. Kinuha niya ang kamay kong nakalapat sa kanyang peklat sa may bandang dibdib.
"Isa ba ito sa mga resulta ng pisikal mong pananakit sa sarili mo para makatulog noon?"
Mabilis kong nakuha ang kanyang atensyon dahil sa aking nasabi. He groaned, surrendering.
"I am sorry if you had to go through those pain because of me. I'm sorry for breaking you before. I am sorry for the sleepless nights. I promise I will no longer leave. I will choose you above anything or anyone else. I want to start anew with you, Saint. I want you, I want all of you. Wala nang iwanan ha?"
Pinunasan niya ang luhang malaya nanamang naglandas sa aking mga mata. Kunot noo niyang inabot muli ang kamay ko. Hinalikan niya ang bawat daliri hanggang sa may likod ng aking palad. Nanlaki ang mga mata ko noong isunod niyang halikan ng sobrang tagal ang papawala ng marka ng pagtatangka kong pagpapakamatay. That scar that almost took my life. I felt a hot liquid dropped on it as he kisses it, still.
"That night you begged hurt my heart in any forms, Elisha. I thought I won the game, pero sa pagitan pala ng kagustuhan kong makaganti, inaasahan ko ang pagbabalik mo na matagumpay. I set you free and hurt you only to wait you in the end. I have never loved a woman more than I love my mother, until you came. I love you so much it hurts letting you go that time. Pero iyon ang pinakamabuting paraang alam ko para sa ating dalawa noon."
Napahagulgol na lamang kaming pareho. He hugged me all day long and keeps whispering how much he loves me until we both fell asleep.
I miss this." Napamulat ako ng mga mata pagkarinig sa sinabi niya. Nakatingin siya sa katawan ko bago ako masuyong hinalikan. Napapikit ako at tinugon ang mga halik niya.
"I miss you. Real bad. I miss us, Saint. It should have been us. It should have been me. Not her." Napaiyak ko ng saad na nagpatigil at nagpanigas sa kanya. Napatingin siya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. I saw pain, hesitations, and regret in his eyes but when I blinked my eyes, his eyes became blank.
"Elisha." Parang nahihirapang saad niya. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil hindi ko na kinaya ang sakit.
"Saint. Please come back to me. Please come home." Hagulgol kong sabi. Tinanggal niya ang pagkakayakap ko kaya lalo akong nagwala. "No please. Let me hold you like this, please kahit ngayon lang." Paghingi ko ng pabor. Bumuntunghininga siya bago masuyong hinalikan ang gilid ng ulo ko. Niyakap niya ako pabalik.
"I'm sorry, Eli. I really do. You need to forget us, start living with your own. I love my wife. I'm sorry. I'm sorry." Salita niya habang hinahagod ang likod ko. Hinahalikan niya ang buhok ko habang hinahagod ang likod ko.
Sa kabila ng panghihina ko ay nagawa ko pang abutin ang labi niya. Habang umiiyak ay ipinilit kong ipasok ang dila sa loob ng bibig niya. Humagulgol ako noong balak niya pang ilayo ako sa kanya. Napabuntunghininga siya bago ako sinunggaban ng halik. Masuyo at kahit sinong babae ay iisiping mahal ka ng lalakeng ito sa paraan ng halik niya.
"I love you, Saint."
Saad ko sa pagitan ng halikan namin. Nahinto siya bigla. Bahagya niyang inilayo ang mukha sa akin. Hinaplos niya ang aking pisngi. Pinakatitigan niya ako sa buong mukha, para bang minememerya ito. Idinantay niya ang ulo sa akin.
"If only this is the right time for us, Isha. If only. But sadly, hindi. Hindi pa."
He said meaningfully. Napamaang ang labi ko.
"What do you...."
Akmang magtatanong pa nga sana ako ay bigla na lamang niya akong pinahinto ng kanyang labi.
"Finally, nagkaayos din kayo."
Hagikgik na saad ni mommy habang nakatingin sa akin sa may salamin, hawak ako sa magkabilang balikat.
"Ang gwapo ng mapapangasawa mo oh."
Nakangusong itinuro pa niya si Saint na ngayon ay nakasuot ng blue na suit habang may kausap sa kanyang phone. Ang isang kamay ay nakapamewang.
"Binibilisan na ang kasal ninyo. Mukhang excited."
Dugtong nanaman niyang litanya.
"Mommy!"
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Siya naman ay inirapan ako bago niyakap mula sa aking likuran.
"Ito naman. I am just happy na finally ay nagkabalikan na kayo. Team Elisain kaya ako."
Kumunot ang noo ko. Team Elisain what??
Noong tuluyang maunawaan ang sinabi niya ay natawa na lamang ako."Mommy!"
Tawang tawa kong tawag sa kanya. So may love team name na pala kami ni Saint huh. Si mommy talaga.
Tinawagan kasi pala ni Saint ang mga magulang ko at pinasunod pala dito. Kaya nagulat na lamang ako kaninang sinusukatan ako ng isang kilalang fashion designer para sa wedding gown ko, ay dumating bigla si mommy at daddy. My mom immediately went to Saint and hugged him. Dad gave him a man to man hug too before they went to me. Teary eyed pa si mommy kanina sa sobrang tuwa. Kung mayroon man kasing maka Saint dito, si mommy iyon. Naalala ko pa noong nasa highschool ako ay pinagsabihan niya ang isa kong manliligaw na huwag ng asahan pang may makukuha itong approval mula sa kanila, dahil ang boto nila ay kay Saint. Loyalista daw siya. Oh mommy.
Napatingin ako kay Saint pagkatapos niyang ibaba ang tawag. He went directly to me after putting his phone in his pocket. Hinalikan niya ako sa sentido pagkatapos. Mom gave way and went to daddy. Agad na inakbayan siya nito at parehong nakangiting nakatingin sa amin.
"You'll be the most beautiful bride in a month, baby."
Bulong niya habang nakahalik pa din sa aking sentido.
"And you will be the most beautiful groom too. I love you Saint."
I felt him stiffened by what I just said. He breathed my hair as he chuckled.
"I always wonder, if I will ever get used to it, hearing you say those three words. Damn. I am madly and irrevocably, deeply in love with you too, baby."

BINABASA MO ANG
It Should Have Been Us (Completed)
General Fiction2ND GENERATION SERIES III #SAINT SANTA LEONES & ELISHA CAROLINE JIMENEZ.