I

1.9K 41 0
                                    

Focus.

"Tito. You don't really need to agree to what dad had said. Kapag ipinilit natin ang kasal baka magalit lalo si Saint."

Kinakabahan kong singit sa usapan ng pamilya. Ni hindi ko kayang mapantayan ang lamig ng tinging ipinupukol ni Saint sa akin habang nakaupo sa harapan ko mula sa mahabang mesa sa may library. I clutched my fingers to stop from fidgeting pero wala pa din. Kinakabahan pa din.

"Pumapayag ako."

Nahigit ko ang sariling hininga sa narinig mula kay Saint. Sabay sabay pa kaming napatingin sa kanya na ngayon ay walang maipakitang tuwa man lang sa kabila ng desisyon niya.


"I will also claim my position in the company dad. But do not expect it to be a smooth sail for all of us. Kung wala na kayong sasabihin pa, uuwi na ako. Baka hinahanap na ako ni Bianca."


Lahat kami ay natahimik noong tumayo siya. Si tito Santi na mukhang may sasabihin pa sana sa anak ay hindi na natuloy ang balak sabihin, si tita Alejandra naman, mommy ni Saint ay naaawang tinitigan lamang ang anak. Dad and mom never said a word but they both sympathize with him. Nasaan na nga ba ang lalakeng minahal ko noon. Bakit siya nagkaroon ng pusong bato.

"We are sorry for our son's attitude."

Hinging paumanhin ni tita sa aming lahat.

"It is normal Andra. Your son went through a lot. We understand where he is coming from. For now, we need to set the date of your engagement...."

Hindi pa natatapos si mommy ay tumayo na ako kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Susundan ko lamang po si Saint."

Saad ko habang nakatingin sa may malaking pintuan. Nakakaintindi naman silang tumango noong ibaling ko ang tingin sa kanila. Nangangatog man ang mga tuhod ay tumakbo ako palabas upang mahabol siya.

"Saint."

Natigil siya sa paglalakad noong tawagin ko ang kanyang pangalan. Tumagilid ang kanyang ulo pero hindi ako tuluyang binalingan. Dahan dahan ko na lamang siyang nilapitan sa huli at nagmatapang na tumayo sa harapan niya.


"Pwede ka namang umayaw kung ayaw mo. Tsaka...Uh.. Kasal ka. Papaano iyon?"

Nahihiya kong saad sa kanya habang nakatingala dahil sa tangkad niyang taglay. Kumunot ang noo niya sa imporma ko.


"Bakit ako aayaw? Bakit? May balak ka bang magpakasal na sa iba?"

Ang sama sama ng tingin niya sa akin at halos magdikit na ang kanyang kilay. Napakamot ako tuloy ng batok. Ano ba naman ang pinagsasabi ng lalakeng ito. Ako pa talaga? Eh siya nga itong kasal!

"Hindi naman sa ganoon. Iniisip lamang kita kasi kasal ka kay Bianca. At di ba nga nagpaalaman na tayo sa isa't isa noong gabing iyon? Para saan pa iyon kung hindi din lang naman pala natin ituloy tuloy diba? Ayokong ikulong ka sa sakramento ng kasal habang may iba ka namang mahal."

Tila may nagbara pa sa aking lalamunan sa huling litanya ko. Kumunot ang noo ko, hindi nagustuhan ang sariling sinabi.

"Huwag kang mag-alala, I will make a way about that matter. You should stop worrying about it. Tuloy ang kasal. At babalik na ako sa kumpanya. I will also be needing a recurrent training sa pagpapalipad ng eroplano once and for all. But these things are least of your concerns, I am just informing you not to think too much. Just do the necessary preparations for the engagement... Sige na. Aalis na ako. Bibilhan ko pa ng gamot si Bianca. Kailangan niya ng dobleng ingat lalo at umayaw siya sa operasyon niya. Pero ibabalik ko iyong ipinahiram mong pero noong gabing iyon kapag nakabalik na ako sa kumpanya."

It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon