M

2K 43 0
                                    

Outside.

"Shit. Why is this tie so damn complicated."



Napatingin ako sa kanya mula sa salamin saktong pagkatapos kong maglipstick. He is just right behind where I am kaya kitang kita ko kung gaano siya kairetado sa ginagawa. I put my lipstick to my pouch and stood up.




"Let me."



Napatingin siya sa akin noong abutin ko ang tie niya at ako na ang nag ayos. Naasiwa ako noong titig na titig pa rin siya sa akin.




"Oh iyan. Done. Gwapo ka na ulit."



Saad ko pagkatapos. Pinagpag ko pa ang kanyang damit, bandang dibdib tska ngumiti sa kanya. Agad din naman akomg tumalikod dahil sa hindi na makayanan ang tinging ipinupukol niya sa akin.




"Let's go? Mommy texted me a while ago. Andon na daw sila."



Pagpapatuloy ko habang aligaga na sa pagkuha ng pouch.



"Stay still."




Natuod ako sa kinatatayuan at natigil ng tuluyan sa pagkuha ng pouch noong maramdaman ko siya sa aking likuran mismo. Napakurapkurap ako sa harap ng salamin habang hinahayaan lamang siyang ikabit ang isang kwintas sa aking leeg. Napahawak ako doon pagkatapos. He looked at me in the mirror.



"It looks good on you."



Seryoso niyang saad habang ang labi ay nanatili sa may bandang tenga ko. Halos tumaas na lahat ng balahibo ko sa katawan.



"Thank you. It's beautiful."




Mangha kong sambit. He smiled and kissed the side of my hair. Bahagya siyang lumayo sa akin.



"Let's go."



Bumalik nanaman ang lamig ng boses niya. Nalungkot ako doon sabay tango na lamang. Kinuha ko ng tuluyan ang pouch at nauna ng lumabas ng kuwarto ng hotel kung saan kami naghanda para sa anibersaryo ng kumpanya nila tito Wayne. Malapit lamang kasi dito ang venue kaya dito na namin napagdesisyunan ni Saint.




"Don't leave like you're going alone."



Napatingin ako sa likod dahil sa iritadong pagkakasabi niya doon.


"Huh?"

Inosente ko na lamang na nasambit.


"Tsk. Stay beside me all the goddamn time especially when we are at the event. I am sure as hell, men will flocked over you once you're beyond my sight."



Inis na inis niyang saad bago walang sabi sabing kinuha ang kamay ko. He clasps our hands before finally left the hotel room.





"Good morning."



Natigil ako sa paghaplos ng mukha niya noong batiin niya ako ng magandang umaga. Nagkatitigan kaming dalawa.




"How's your sleep, wife?"



Umirap ako sa kanya. Siya naman ay natatawang niyakap ako.




"You did not let me sleep last night till dawn.  Isang oras lang yata ang tulog ko bago nagising kanina lang."



Reklamo ko na siyang lalong nagpatawa sa kanya.




It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon