PROLOGUE

8.6K 96 9
                                    

#3 SAINT SANTA LEONES.

"Ang ganda talaga ng asawa mo, Santo, kahit na may sakit." Birong puri ng kanilang kapitbahay. Humalakhak naman si Saint bago lumuhod sa gilid ng kanyang asawa na ngayon ay nakaupo sa wheelchair. Napahawak ako sa bandang puso ko pagkakita sa klase ng tinging ipinupukol niya sa babaeng pinili niyang mahalin. Ang isang kamay ni Saint ay nakadantay sa may hawakan ng wheelchair habang ang isang kamay naman niya ay nakahaplos sa mukha ng asawa niya. Masuyo at puno ng pagmamahal ang mababanaagan sa mukha niya habang nakatingin sa babae.

"Syempre naman. Wala ng tatalo sa ganda ng asawa ko, Doming." Nakangiting tugon niya. Ngumiti naman ang matamlay na babae sa kanya.

"Naks. Yan naman tayo eh." Tudyo ng mga kapitbahay na tambay sa kanya. Ngingiti ngiti lamang silang mag asawa. Hawak na ng babae ang kamay ni Saint na nakahawak sa pisngi niya. Inabot ni Saint ang noo nito at hinalikan. Lalo namang nanikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan sila di kalayuan sa kinaroroonan nila.

"Dapat magpagaling ka, Bianca. Mahal na mahal ka ng kumag na toh." Tatawa tawang saad naman ng isang lalake na kausap nila. Matamlay na ngumiti naman ang asawa ni Saint at hirap na hirap na tumango.

"Oo. Pero kapag hindi ko man kayanin ang operasyon, ipangako mong magmamahal ka ng iba, ha?" Biglang nawala ang ngisi ni Saint noong marinig ang sagot ng asawa niya. Natahimik din ang mga kasama nila. Kunot noong nakatingin ngayon si Saint sa kanya. He held her hand and kissed it.

"Huwag ka ngang mag isip ng negatibo. Kakayanin mo ang operasyon. Para sa akin. Para sa atin. Mangako ka." Seryoso pero may luhang namumuo sa mga mata ni Saint. Habang pinagmamasdan ko siya ay parang may mga karayom na tumutusok sa puso ko. How can he love that woman more than he loved me before? It's not fair!

"Kaya nga naman Bianca. Think positive." Segundo naman ng isang babae, na tingin ko ay kaibigan niya.
Sinegundahan naman nilang lahat iyon. Tipid na ngumiti yung babae sa kanila. God.! I can't even tell her name.

"Kakayanin mo yan. Tandaan mo lang na mahal na mahal kita." Malambing na saad ni Saint. Hinalikan niya ang gilid ng buhok nung babae.

"Pero saan tayo kukuha pambili ng mga gamot kung sakaling gumaling ako? Maghihirap ka lalo dahil sa akin. Ako ang dahilan lahat ng paghihirap mo, Saint. Patawarin mo ako." Iyak na litanya niya kay Saint. Huh! Buti alam niya!.

"Shh. Wala kang kasalanan. Pinili kita dahil alam kong magiging masaya ako sa'yo at mahal kita, Bianca. Mahal na mahal. Kaya kong talikuran ang pamilya ko maipaglaban lang ang kung anong meron tayo." Madamdamin niyang sabi. Masayang niyakap naman ng babae si Saint. Umani sila ng tuksuhan mula sa mga kasama nila. Hindi ko na kinaya ang nakikita ko kaya nagpasya akong umalis na at hintayin na lang siya sa sasakyan. Makalipas ang ilang oras ay tumunog ang phone ko na nasa dashboard. Tulala kong tinitigan ang pangalan ng tumatawag bago ito sinagot ng wala pa rin sa sarili.

"Hello." Narinig ko ang mabigat niyang buntunghininga bago  niya sinagot ang bati ko.

"Nasaan ka? Pupunta ako dyan." Mahinahon niyang tanong.

"Kung saan kita sinusundo." Tipid kong sagot. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang namumuong hikbi. Muli siyang bumuntunghinga.

"Okay. Papunta na ako. Pinatulog ko lang siya at hinintay si Dory para bantayan siya habang wala ako sa bahay." Paalam niya sa akin na para bang iyon ang magpapagaan ng nararamdaman ko at ng sitwasyon. Tumango tango ako kahit hindi naman niya nakikita.

"O-kay." Halos piyok ko ng sabi bago binaba na ang tawag. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang pag iyak pero wala eh. Saganang trinaydor ako ng puso ko dahil kusang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Noong makita siyang papalapit ay mabilis kong pinahid ang luha ko at tinignan ang sarili sa front mirror ng sasakyan. Mabuti na lang at wala akong make up, kung hindi mabibisto niya ako. Agad siyang sumakay noong makalapit na siya sa sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa. Tahimik kong binuhay ang makina at nagsimulang magmaneho.

"Kailan mo kailangan ang pera para sa operasyon?" Halos gusto kong palakpakan ang sarili ko ngayon sa katapangan ko. Alam kong napatingin siya sa tanong ko dahil kita iyon sa gilid ng mga mata ko. Tumingin siya ulit sa harapan at kunot noong napalunok.

"Sa makalawa ang operasyon niya." Tumango tango ako sa sagot niya.

"I'll transfer the money tomorrow to your bank account." Malamig kong sagot. Malalim siyang nagbuga ng hangin mula sa katawan.

"Okay. Salamat. I'll do good in bed, then. I won't disappoint you." Halos walang kaemo emosyon niyang sagot.

"Don't say it. Just do it." Malamig ko ding sagot sa kanya.

"You'll like it, just like before." Tipid niyang sagot din. Hindi na kami nagkaimikan pagkatapos noon. Tahimik lang ang byahe hanggang sa ipark ko ang sasakyan sa may parking area. Pinatay ko ang makina ng sasakyan at nanginginig na aabutin na sana ang seatbelt para tanggalin kung hindi lamang niya iyon hinawakan. Gulat akong napatingin sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang seryosong tinatanggal ang seatbelt ko. Pagkatapos niyang tanggalin iyon ay napatingin siya sa akin. Ako na agad ang nag iwas ng tingin sa kanya, sa takot na baka mabasa niya ang mga mata ko.

"Let's go." Kalmado kong sabi bago naunang lumabas ng sasakyan. Nilock  ko ang kotse pagkalabas niya at  nauna na akong naglakad. Naramdaman ko ang pagsunod niya. Pinindot ko ang elevator. Agad naman iyong nagbukas. Sabay kaming pumasok sa loob. Bago pa man magsara ang elevator ay mabilis na niya akong isinandal sa pader ng elevator. Itinaas niya ang dalawa kong mga kamay habang hawak iyon ng isang kamay niya. Sinunggaban niya ako ng halik. Pinisil ng isang kamay niya ang gilid ng dibdib ko. I moaned. Tumalon ako para makasakay sa bewang niya at agad naman niya akong nasalo gamit lamang ang isang kamay niya. Mayamaya pa ay dalawang kamay na niya ang nakahawak na sa pang upo ko. He squeezed it like a mad man. Isinandal niya akong muli pero sa katabi na ng button. Naramdaman ko sa pang upo ko ang pagpindot ng daliri niya sa floor ng unit ko. Malalim ang mga halik niya kaya tinatangay niya lahat lahat sa akin. Ilang minuto pa ay bumukas na ang elevator. Hindi ko alam kung ano na ang sumunod maliban sa magkakasunod na ungol ko sa bawat haplos ng mga kamay niya sa kabuuan ko.

"I miss this." Napamulat ako ng mga mata pagkarinig sa sinabi niya. Nakatingin siya sa katawan ko bago ako masuyong hinalikan. Napapikit ako at tinugon ang mga halik niya.

"I miss you. Real bad. I miss us, Saint. It should have been us. It should have been me. Not her." Napaiyak ko ng saad na nagpatigil at nagpanigas sa kanya. Napatingin siya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. I saw pain, hesitations, and regret in his eyes but when I blinked my eyes, his eyes became blank.

"Elisha." Parang nahihirapang saad niya. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil hindi ko na kinaya ang sakit.

"Saint. Please come back to me. Please come home." Hagulgol kong sabi. Tinanggal niya ang pagkakayakap ko kaya lalo akong nagwala. "No please. Let me hold you like this, please kahit ngayon lang." Paghingi ko ng pabor. Bumuntunghininga siya bago masuyong hinalikan ang gilid ng ulo ko. Niyakap niya ako pabalik.

"I'm sorry, Eli. I really do. You need to forget us, start living with your own. I love my wife. I'm sorry. I'm sorry." Salita niya habang hinahagod ang likod ko. Hinahalikan niya ang buhok ko habang hinahagod ang likod ko.

That night killed my little hope that he'll somehow come back to me. But no, he just needed the money, to make his wife live. And it hurts. It hurts because I knew it was me who failed in our relationship. It was me who gave up first. It was me who made him fall for someone else. I watched him fall for someone else, not me. Na hindi ako. At hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko iyon. Kung hindi lamang ako sumuko sa aming dalawa? Kung hindi ko lamang siya ipinamigay noon? Kung di ko lang inuna ang ambisyon ko. Sana ngayon ay ako ang kasama niya. Sana ngayon ay ako ang minamahal niya. Hindi siya. Ako. Hindi siya. It should have been us. Not them.

Created: March 02, 2017

This is a work fiction. Any resemblance to the names, places, events, etc. used is entirely coincidence. Any form of copying without the author's permission is considered a crime.

ITSHOULDHAVEBEENUS Copyright © 2017 by sweetsag

All Rights Reserved.

It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon