E

1.7K 44 2
                                        

Nagising.

"Anak, ilang araw mo ba pagtataguan iyong tao? Kawawa naman. Pabalik balik dito."

Napatakip ako ng kumot pagkarinig sa sinabi ni mommy. Yes. I've been avoiding Saint since that kiss happened. I know I was the one who did the first move, pero iyon na nga din! Nakakahiya talaga! Huli na noong marealized kong madami nga pala talagang nakapaligid! May pa now or never pa akong nalalaman!

"Mommy. Hindi ako umiiwas. Ayoko lang talaga siyang makausap. Pauwiin niyo na. Masama ang pakiramdam ko. Wala akong energy makipag usap kahit kanino!"

Histerikal kong sagot sa ilalim ng kumot. Narinig ko ang yabag niya papalapit sa akin kaya inihanda ko na ang aking sarili, I need to hold this sheet so badly para hindi niya ako makita!

"Ano ba ang inaarte mo dyan? Pabebe ka Elisha ha? Hindi naman ako ganito noong kabataan ko. Ewan ko ba kung kanino ka nagmana. Your dad and I were wild as hell when we were your age. Kung gusto namin ang isang tao, we'll just tell to that person straightly! Frankly! Samantalang ikaw! Hay nako ang mga kabataan nga naman ngayon! Lumabas ka na at kausapin mo iyong tao!"

Naramdaman ko ang pag upo ni mommy sabay pilit na tinatanggal ang kumot na nakatakip sa buong katawan ko. Hinigpitan ko lalo ang pagkakahawak.

"Mom! Ayoko nga siyang kausap.!"

Halos maiyak na ako sa frustration. Napabuntunghininga si mommy.

"Honey, you can never hide forever. You are aware of that. That boy is so persistent too. He will chase you until you give up in his hands. Hay! Ewan ko talaga sa inyong mga kabataan ngayon! Dami niyong learn. Bah'la ka dyan."

Napangiwi ako sa pinagsasabi ni mommy. Ano ba nakain ng ina ko at naging ganito siya ngayon? She is always classy and proper. Pero netong mga nakaraang araw nagiging salitang pariwara eh! Naramdaman ko ang pag alis niya. Noong marinig ko ang pagsara ng pintuan ay agad akong sumilip sa maliit na butas na nilikha ko mula sa kumot.

"Still persistent in hiding from me huh?"

Nanlaki ang mga mata ko at halos atakihin na ako sa puso dahil sa matinding gulat. Tatakpan ko sana ulit ang mukha ko gamit iyong kumot pero mabilis niya iyong nahawakan.

"Ano ba?! Ano bang ginagawa mo dito? Umalis ka na?!"

Histerikal kong saad habang naghahanap ng pagtataguan ko ng aking mukha. Itinapon niya sa kung saan ang kumot. Napalunok ako noong matitigan siya sa mata. Igting ang panga, at nakakunot ang noo, seryosong seryosong nakatingin siya sa akin. Napasiksik ako sa may headrest ng kama noong lumapit siya sa akin. He found a way to corner me. Nasa pagitan ako ng kanyang mga braso.

"You really think I will leave this room without us talking? Why are you hiding from me?!"

Mariin niyang tanong sa huli na siyang nagpalunok sa akin. Oh my! Ang hot niyang magalit! Elisha?!!!!

"Ayaw na kitang makita. Binabawi ko na ang pagpayag kong maging tayo. Layuan mo na ako please."

Dumilim ang kanyang paningin pagkatapos ko iyong sabihin. Lalong umigting ang kanyang panga.

"Akala mo ba talaga naglalaro lang ako?! Elisha! What I feel for you is not a game! And I am not playing around! Give me valid reasons why you don't want us to happen!"

Demanding pa niyang hiling sa akin. Napalunok nanaman ako tuloy. Ano ba!

"Because I hate you. You are too perfect for me! Masyado kang mataas para sa akin! Madami akong kailangang patunayan kung ikaw ang magiging boyfriend ko! At ayoko ng ganoong pakiramdam! Ayoko."

Napatakip ako ng mukha sa matinding pagkakapahiya dahil sa sariling rason.

"Where are these insecurities, coming from? Baby, look at me."

Pilit niyang tinatanggal ang kamay kong nakatakip sa aking mukha. He succeeded. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi.

"You are beautiful and smart. You have all the qualities any girl would envy about. You just don't see yourself like that because you were blinded by senseless insecurities. I don't know why you have these insecurities. You are the daughter of a former vs model and an elite businessman, they both have beautiful genes, and you are their product. So baby, I am telling it to you now, it is all in your mind. You are soon to be a great doctor too. And I will be the first one who will be so proud for your success."

Napaiyak ako sa kanyang sinabi. Inabot niya naman ako at niyakap ng mahigpit. He even caressed my hair.

"Kaya ayoko sa iyo. Ang pangit mo!"

Iyak ko habang sinusuntok ko ang likuran niya. Humalakhak lamang siya at hinigpitan lalo ang kanyang yakap.

"Ang pangit pangit mo. Tapos babaero ka pa!"

Hikbi kong saad. Natawa siya lalo sa idinugtong ko. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

"You are the only woman in my life."

Sagot niya. I felt his lips vibrated on my skin.

"Sinungaling ka din!"

Nanghihina kong sabi. He groaned. Humiwalay siya ng yakap at tinitigan nanaman ako. Heto nanaman tayo sa titigan eh!

"One thing I will never do is lie to you. Takot ko lang na mawala ka sa akin."

Nakangiti niyang litanya.

"Pero madaming nagkakagusto sa iyo. Lalo na iyong Bianca."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Bianca?"

Taka niyang sabi sa pangalan ng babaeng iyon. Marahas akong napatingin sa kanya at sinimangutan siya. He only chuckled when he saw my reaction. Muli niyang isiniksik ang mukha sa aking leeg.

"Baby, Bianca and I are are just blockmates. I don't have any interest to her. You are the only girl I am interested of having."

He chuckled on my neck. Tumayo lahat ng balahibo ko sa naramdaman. He stilled when he felt that too. Sparks! Lumayo siya sa akin na tila napaso. Napasiksik naman ako sa lalo sa headboard.

"Fuck."

Mura niyang bulong. Napatingin siya sa akin at napalunok. I can see lust in his eyes. Nag iwas ako ng tingin.

"I just chuckled on your neck, but.. but I felt that! Totoo pala ang kuryente.!"

He chuckled to lighten the mood. Napangiti din ako pero agad din iyong naglaho noong madako accidentally ang aking mga mata sa may bandang shorts niya. Nanlaki ang mga mata ko.

"Oh my God! Angry bird?! Hayop ka! Lumayas ka sa kwarto kong manyakis ka?!"

Histerikal kong sigaw. Pinagpapalo ko siya sa mukha.

"Ouch! Fuck! Stop!"

Pilit niya akong pinipigilan hanggang sa maihiga niya ako. Itinaas niya ang mga kamay ko at idiniin ang sarili.

"Shh. Stop. Baby, no matter how lusty I am right now, I will never think for a second to do you! Nagising lang ang sundalo ko dahil sa kuryenteng naramdaman ko kanina pero hindi kita gagalawin. Dito ka muna. Uuwi na ako. Bukas na lang ako mangungulit ulit."

Mabilis pa sa alas kwatro siyang sumibat palabas ng aking kwarto. Mabilis akong napaupo at napatapik sa noo.

"Oh my God! My eyes are no longer virgin! Nagising talaga? Tumawa lang naman siya sa leeg ko! Hooh! Bakit ang init bigla! Patay na ba ang aircon!"

Kausap ko sa sarili! Nabaliw na ako! Oh my God!!!! Pinaypayan ko na lang ang sarili ko.




It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon