O

2.1K 64 0
                                    

Beyond repair.

"Tita. Please, at least let me talk to her. Perhaps, she'll change her mind once she gets to see me. I'm begging you. Please. Please let me talk to my girlfriend. Sinubukan ko po iyong hiniling niyang maghiwalay na kami, pero fuck, ilang araw pa lamang po, halos mamatay na ako. Thinking she might fall in love with someone else makes me go crazy. Parang awa ninyo na."

Napatakip ako ng bibig habang nakikinig sa pagmamakaawa ni Saint kina mommy and daddy, ilang linggo pa lamang noong pinalayas ko siya sa bahay. Akala ko tuluyan na siyang umuwi ng Pilipinas pagkatapos ng gabing iyon. Hindi pa pala. At andito nga siya, saktong pagbisita pa nina mommy sa akin. Mabuti at sila ang naharap niya kasi kung sakaling ako man ay baka tinanggap ko siya agad ng walang pag aalinlangan.

"I am so sorry hijo. But our daughter does not want to see you anymore. She also needs to focus in her med.school. You know how important that is for her, right? I hope you understand and respect her choice. Isa pa, bata pa kayong dalawa, marami pa ang puwedeng mangyari. Give her the chance to enjoy her life. Kung para kayo sa isa't isa, balang araw, gagawa mismo ang diyos para magkabalikan kayong dalawa, pero sa ngayon, you're both better off with each other. Your relationship with her is toxic. Nakalimutan mo ang mga pangarap mo para lamang makasama siya dito. She's not healthy for you too, and I am sorry for letting her do this to you, hijo. She has a lot of things to deal with herself, first. Hindi niya pa kayang hawakan ng maayos ang relasyon ninyo. She's all into fantasies. Akala niya puro saya lang. She can't handle her emotions just yet. At natatakot akong baka kung ipinagpatuloy ninyo itong dalawa, you'll both end up hating each other. I know you're patient, always when it comes to her, but you can't hold on to that once she tells you she's no longer happy with you. I know my daughter too well, kapag ayaw na niya, hahanap siya ng mga bagay at hihilingin iyon sa iyo kahit pa alam niyang napakaimposible. I remember when she asked her dad to plant an apple tree so she won't have to ask one of her nannies to buy her one in the supermarket whenever she's craving. And we both know, apples can't live in the Philippines because of the temperature....."

Hindi ko na pinakinggan ang iba pang sasabihin ni mommy dahil sa sobrang panghihina. Am I really like that? Hindi ko nga ba talaga kaya pang pumasok sa isang relasyon? Nakatulugan ko ang bagay na iyon sa dami ng katanungang naiwan sa aking isipan. Nagising lamang ako ulit dahil sa isang mahigpit na yakap ng isang tao.

"I missed you so much."

Halos panawan ako ng ulirat pagkarinig sa nahihirapang boses ni Saint.

"Ayaw mo na ba talaga sa akin? Hindi mo na ba kayang kumapit? Mas maganda ba talagang maghiwalay na tayo? Tangina. Iniisip ko pa lang na babalik na ako sa Pilipinas ng wala ka, halos ikamatay ko na. I've worked so hard for this relationship, only to end up like this, fuck. I can make a good living here, I can earn money and work overtime in any kinds of job, only if my father can let me fucking do it. Tangina, he's holding me on the neck just because he wants me to take over that fucking company. Baby, I don't give a fuck about anything. Mawala na sa akin lahat, huwag lang ikaw. Kaya sabihin mo lang, isang sabi mo lang.....na manatili ako dito....susundin ko. Give me the chance to prove it. Ako ang magpapaaral sa iyo. Iyong mga sinabi mo sa akin noong pinaalis mo ako dito, kalimutan na natin, sabihin mo lang na gusto mo pa ako dito...sabihin mo lang na bumalik ako sa iyo, parang awa mo na. Mahal na mahal kita, Elisha."

Yumugyog ang balikat niya at lalong humigpit ang yakap niya sa akin mula sa aking likuran. Malayang lumandas ang masagang luha sa aking mga mata. Ang hikbi ay hindi ko na napigilan pa kaya nahigit niya ang kanyang hininga.

"Papaano ka nakapasok dito?"

Malamig kong tanong habang pinipigilan ang  sarili para harapin siya.

"They let me in for one last time. For the last time, I will give you the chance to decide for us. Susundin kita at susubukan kong respetuhin ang magiging desisyon mo."

Pumiyok siya sa huli sabay hagulgol lalo. He hugged me from behind even more, almost begging, almost asking me to choose him.

"There is no chance for us Saint. Hindi pa rin ba klaro sa iyong wala na tayo? Tama sila, hindi ko pa kayang makipagrelasyon. Hindi ko kayang makita kang nahihirapan at iniipit ng daddy mo dahil sa akin. Kaya umuwi ka na..."

Hikbi ko sa huli. Lalong lumakas ang iyak niya. Isiniksik niya ang ilong sa aking leeg.

"Then close your eyes. Ako na ang bahala sa lahat. Just please. Please choose...."

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga at nanlilisik na hinarap siya. Napaupo siya sa kama habang maang ang labi at punong puno ang luha sa mukha.

"Ano ba ang hindi malinaw sa sinabi kong ayaw ko na? Na tapos na nga! See how you can easily make me angry everytime I get frustrated with you? Is this the kind of girl you want to be with for the rest of your life? Babaeng hindi kayang kontrolin ang negatibong emosyon sa sarili niya? Sige nga, Saint? Hanggang kelan mo kayang pakisamahan ang isang babaeng kagaya ko, huh? How can you be so patient with a brat like me? Can't you see? I am not healthy for you. You deserve a mature woman. You deserve someone who is well secured with herself. Hindi ako ang babaeng iyon, Saint. Sinabi ko na sa iyo noon, I've got a lot of insecurities and issues with myself, that even you can't change it for me. Ikaw ang binabago ko. At ang sama sama ng pakiramdam kong makita kang walang wala na dahil lang sa minahal mo ang babaeng kagaya ko. Gusto ko. Gusto ko pa.. pero sa ngayon, hindi ito ang relasyong kailangan ko..hindi ikaw ang kailangan ko."

"Elisha. Elisha."

Napabalikwas ako sa pagkakahiga sa napanaginipan.

"Here. Drink this."

Napatingin ako sa basong inaabot sa akin ni Saint. Agad ko iyong tinanggap at ininom. Hinagod niya ang aking hubad na likuran. Nanigas ako bigla at naalalang may nangyari nga pala sa amin. Muli kasi akong nakatulog kanina bago pa man mapanaginipan ang bagay na iyon. Napatingin ako sa kanya. Napaiwas ako bigla dahil sa nakitang pag aalala sa kanyang mukha.

"You were crying in your sleep. Ano ang napanaginipan mo?"

Maang ang labi, ay napabalik ang aking tingin sa kanya. He held my cheek and looked at me directly in the eyes.

"What did you dream of?"

He asked smoothly.

"I....

Natigil ako sa pagsasalita noong tumunog ang cellphone niyang nasa side table. Inabot niya iyon at kunot noong tinignan ang pangalan ng caller. Napaangat siya ng tingin upang siguro makita ang magiging reaksyon ko. Agad akong nag iwas at inabot ang kumot para takpan ang hubad kong katawan.

"Answer it. Baka may kailangan siya sa iyo."

Malamig pa sa yelong sagot ko bago siya tinalikuran. He sighed before leaving the bed bare naked. Napakurap kurap ako noong dumaan siya sa aking harapan para abutin ang boxer na nagkalat sa may sahig. Isinuot niya iyon bago itinutok ang phone sa  tenga.

"Bianca."

Kunot noo niya akong tinignan. Napalunok ako sabay iwas ng tingin. Naglakad siya patungong veranda. Naiwan ako doong tulala. My heart hurt so bad. Hearing the name of that girl from him, first hand, breaks me beyond repair.

It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon