A

2.2K 49 5
                                        

I will.

"Ui. Ayos ka lang ba?"

Napakurap kurap ako noong magaang tapikin ako sa braso ni Sabirah. Nagtataka niya akong tinitigan na may kasamang kunot noo.

"Uhh. Yeah. May naalala lang ako."

Tipid kong sagot sabay ngiti. Mukhang naunawaan niya na may bumabagabag sa utak ko dahil hindi na niya ako pinilit magkuwento. We just remained talking random things after that. Natapos ang annual gatherings, mga alas nuwebe na din ng gabi. Nauna ng umuwi sina PJ dahil  nakatulog na ang kanilang dalawang supling. Noong una ay pinipilit pang ibukas ni Quen ang kanyang mga mata dahil sa kagustuhang manatili muna dito pero hindi na din kinaya  ang pagod kakalaro buong araw kaya nakatulog na din sa balikat ng ama. Sumunod na umuwi sina Sari dahil lasing na lasing ito, binuhat siya ni Sage. Sa sobrang pag aalala ni tita Sab ay sumabay na ang mag asawa sa sasakyan nito.

"We'll go ahead too. Mukhang inaantok na si Van."

Biglang nawala ang antok ni tito Van pagkarinig sa sinaad ni tita Bella.

"Ano? Sinong inaantok? May gagawin pa tayo mamaya, love."

Alertong sagot ni tito kaya sinapak siya ni tito Terrence habang yapos sa bewang si tita Danielle.

"Gago. Manyak mo!

Tatawa tawang pang aasar ni tito Terrence. Tumawa sila tita Bella sabay haplos na din sa dibdib ni tito Van.

"Gago. Ako pa ang mukhang manyak dito? Sino ba sa atin ang mas maraming anak? Diba ikaw? Eh hindi mo na pinagpahinga ang matres ng asawa mo, minu minuto mo yata kinakalabit, kaya umabot kayo sa walong anak. Love, walo anak nitong De Vera na ito diba? Walo ba? Teka..."

Humagalpak ng tawa si tita Danielle dahil hindi pa sigurado si tito Van kung ilan na ang mga anak nina tito Terrence. Totoo naman kasi na madami silang anak. Ginawa yatang inahing baboy naman si tita Danielle.

"Baby, why are you laughing? It just shows na you're making fun of me too."

Parang batang maktol pa ni tito Terrence na inirapan lamang naman ni tita. Madami pa silang napag kuwentuhan bago tuluyang umuwi na din.

"Tito, where is Gavin anyway? I have not seen him for quite awhile. Siya lang yata ang wala?"

Pahabol kong tanong kay tito Van akmang papasok na sana siya sa sasakyan. Napatingin siya sa akin bago sumagot.

"Nasa Europe. May kailangan siyang atendahang business conference. Uuwi din siya sa makalawa."

Napatango tango na lamang ako. Hinalikan niya ako sa pisngi bago sila tuluyang umalis.

..

"Hija, hindi ba kayo matutulog dito?"

Malungkot na tanong ni mommy. Sa bahay nga pala kasi ginanap ang family and friends gatherings.

"I don't think so, mommy. Saint has an early meeting tomorrow. Wala po siyang gamit dito sa bahay."

Napatingin ako kay Saint na ngayon ay nasa may pool area. He massaged the bridge of his nose while talking to the person on the phone.

"Hindi pa rin ba kayo okay?"

Bumalik ang atensyon ko kay mommy.

"We're okay mommy."

Matamlay kong sagot. Napailing iling siya.

"Alam mong hindi iyang ganyan na okay ang sinasabi ko. You will be married with him soon. Sana maayos niyo man kung anong sigalot sa relasyon ninyo."

It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon