Best.
"Anak nasa baba na si Saint."
Mapait akong napangiti noong pumasok si mommy sa kuwarto ko. Tumigil ako sa pagtitingin sa sarili kong kwarto. Nilapitan niya ako at niyakap sa aking likuran habang ang mga kamay ay nasa magkabila kong braso. She rested her chin on my shoulder.
"Mommy. Ayokong sumama."
Hingi ko ng tulong sa kanya kahit hindi ko naman literal na hiniling. Malalim siyang huminga ng malalim bago ako iharap sa kanya. Inayos niya ang takas kong buhok bago ako tinitigan.
"Don't you think, it's time for you to settle your issues with him anak? Stop running away and face him. Kung wala na talaga, kung hindi na talaga pwede, we will always be here to suport you, but for now, settle everything. Talk to him. Escaping will never be a good solution."
Niyakap niya akong muli. Wala na akong nagawa dahil kahit papaano ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Bumaba kami at nadantang seryosong nag uusap si daddy ay si Saint. Nahinto lamang noong mag angat ng tingin si Saint kaya napatingin na din si daddy at tumayo. Tumayo na din si Saint para lapitan ako at hapitin bigla sa bewang. Sinilip niya ako bago ibinaling ang tingin sa mga magulang ko.
"We'll go ahead, tito, tita."
Pagbibigay alam niya sa kanila. Tumango si mommy bago ako lapitan. Saint gave way for my mom to hug me.
"Think about what I told you Saint."
Paalala ni daddy pagkatapos tapikin sa balikat si Saint. Tumango lamang si Saint. Umalis kami ng bahay na hindi siya inimik man lang. Tanging sa kalsada lamang ang buong atensyon ko. Panay ang kanyang buntunghininga pero hindi ko talaga siya kinausap man lang at hindi na siya nangulit pa. Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi naman sinandyang hilain ako ng antok.
"I am sorry Ms. Jimenez but if you will not pay your tuition before your final exam, we regret to tell you but we might drop...."
"No. I promise. I will pay before my exam. I promise. I will talk to my father regarding this matter."
Umalis ako ng opisina ng directress pagkatapos akong kausapin. Nanginginig ang aking kamay habang pinipindot ang numero ng ama ko. Ilang ring pa ay sumagot din siya sa wakas.
"Have you finally awaken from your deep slumber?"
Panimula niya na siyang nagpalunok sa akin. Can I really give Saint just for my dream?
"Daddy. Why are you making this hard?"
Iyak kong reklamo sa kanya. I heard him sighed.
"I am sorry, honey. I just want to help you out from your possible downfall. I want you to achieve your greatest dream even if...."
"Losing the man I've ever love? Is that it?"
Ako na ang nagdugtong sa sasabihin niya. Muki siyang napabuntunghininga.
"The decision is still on you, anak. I hope you will choose what is right."
Paalala niya.
"What is right. How about what makes me happy, daddy? Can you not just support me on that too? I thought we're a team?"
Pagdadamdam ko sa kanya. I know this is hard for you to daddy. I know and I am sorry.
"Listen to me honey, I love you. And I want to see you on top. I know how important this med school is, but you are no longer into it, you don't focus anymore. It's no longer med school. It's all about Saint. And Saint alone. And it's kind of toxic. Your relationship is toxic. You held with each other too much na nakakalimot na kayong dalawa. Natatakot kami ng mommy mo sa posibleng maging resulta ng sobrang pagmamahal na iyan lalo na at alam naming pareho ng mommy mo na marami ka pang issue sa sarili mo. I trust that boy, but I am sorry anak, I don't trust you enough due to your young age. You are not matured enough to handle a relationship for now lalo na at madami ka pang gustong gawin sa buhay mo. Pag isipan mo sana ito. Trust me Caroline, we're doing this all for you. Don't ever think even for once that we're against you."
BINABASA MO ANG
It Should Have Been Us (Completed)
Genel Kurgu2ND GENERATION SERIES III #SAINT SANTA LEONES & ELISHA CAROLINE JIMENEZ.