Maybe or so.
"I like you so much, Saint. Ako na lang."
Nahinto ako sa paglalakad pagkarinig ng boses pagmamakaawa ng isang babae mula sa likod ng campus.
"Hindi man ako mayaman kagaya mo, buong buo ko naman ibibigay lahat ng gusto mo. Hindi gaya ng babaeng kinababaliwan mo. Mas importante sa kanya ang maging isang doctor kaysa manatili dito sa tabi mo."
Umusok ang ilong ko sa galit pagkarinig sa idinugtong niyang salita. Akmang lalapitan ko na sana sila noong biglang hinawakan ni Bianca sa magkabilang pisngi si Saint.
"You bitch! Mang aagaw! Mang aag..."
Isang mahina pero magkakasunod na tapik sa pisngi at yugyog sa balikat ang nagpagising sa akin. Napamulat ako ng mga mata at unang sumalubong sa akin ang nag aalalang mukha ni Saint. Agad ko siyang inabot at niyakap ng mahigpit.
"You're dreaming it again."
He didn't ask. He confirmed. Minsan naikwento ko na napanaginipan ko ang nakita ko noong graduation niya. Hanggang sa lagi ko na nga iyong napapanaginipan. This is not new to him. Pagkatapos niya akong iwan kanina ay bumalik din naman siya agad. Noong makapagpahangin na siya at pareho na kaming nakapag isip ng maayos ay agad din naman kaming nagbati. We even both asked for an apology, and the funny part here is, sabay kami which led us to making love after laughing on our craziness.
"Shh. You're just being paranoid again."
Pagpapalabas niya ng salita sa aking isipan. Napatingin tuloy ako sa kanya at napatanong bigla.
"Gaano mo ako kamahal Saint?"
Nag aalala kong tanong. Kumunot ang noo niya. He sighed heavily before taking me to his lap. Umayos siya para makaupo ng maayos. He swing us both before he stopped and looked at me straightly.
"You cannot measure love, baby. You'd just know when you felt it. You're overthinking again just because of that dream, are you?"
Napatango ako dahil tama naman talaga siya. Napatanong lang naman ako dahil sa napanaginipan ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. I caressed his cheek after.
"Promise me, ako lang ha? Kahit itulak kita palayo? Kahit mapagod ka na sa akin?"
Natatakot kong tanong na siyang nagpakunot nanaman ng noo niya. He combed my hair and kiss my chin.
"I may be tired at some point, but never will I stopped loving you, Eli. This...."
Inabot niya ang kamay ko at dinala iyon sa puso niya.
"This will never beat the same again with anyone if it's not you. You have my heart baby. Stop worrying. Now, let's sleep because you still have an early class in the morning, okay?"
Napatango na lamang ako. Muli niyang hinalikan ang noo ko bago niya ako inihiga sa kama. Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit hindi pa man niya naiaayos ang kumot namin. He chuckled with my aggressiveness but did not really complain about it.
Nagising ako kinaumagahan na wala na siya sa tabi ko kaya napabalikwas ako ng higa. Nakahinga lamang ako ng maayos noong may makitang note sa gilid ng kama kasama ang isang stem ng tulip.
"Baby, good morning. I went out for an early walk in interview near our place. Will inform you the results once you're done with your class. Susunduin kita. I love you."
Napapangiti na lamang akong tumayo pagkatapos basahin ang sulat niya. Ang tuwang iyon ay nawala din agad noong lumabas na ako ng kuwarto.
"Mommy. Daddy."
Kinakabahan kong tawag sa kanila. They looked at me with both coldness and disappointment. Nakaupo si daddy sa pang isahang sofa at nakadekwarto habang si mommy ay nakatayo sa may likuran ng sofang kinauupuan ni dad.
"Your tito Santino talked to me a week ago after a year of not talking to us because of what happened. We decided to do something about your bad decisions. Sure enough, Saint knows his priority and no doubt na ikaw iyon. So we are putting the decision on you."
Napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi ni daddy. I know what he will tell next. I am indeed his daughter afterall.
"You'll cancel your support on my med schooling once I chose him, am I correct, daddy."
Pagbasag ko sa susunod niyang sasabihin. Nag iwas agad ng tingin si mommy bago ko pa man mahuli ang malungkot niyang tingin sa akin.
"You know what will be the price of your decision, anak. We love Saint. Wala kaming problema sa batang iyon. Kaso..nawawala na kayong pareho. You love too much, it's intoxicating already.."
Humalakhak ako sa naging litanya ng sarili kong ama.
"Daddy. You loved mommy the same way I love Saint now. Don't tell me it's intoxicating loving him when that's what exactly happened to you and mom!"
Napatayo si daddy dahil sa naging sagot ko. Mommy tried to calm him down but he just can't.
"This is the reason why I am saving you while it's still early Elisha."
Galit na galit na saad ni daddy pagkalapit sa akin.
"I don't want you do this honey, but I don't want to see the man you love break himself just to give your whims. He has a lot of opportunities waiting for him, Eli, but you're blocking his way. And you, you have a lot of things to prove yet for yourself. You have issues and insecurities that you are yet to get rid of before you can finally love him fully without doubts. In time anak, tutulungan namin kayo para magkabalikan, but for now let him go. Build yourself first. You are one ambitious girl, anak. You know what you want but you are too greedy of wanting them both. You can't jail him with you while you're climbing to the top and he's chained below you."
Napahikbi ako sa mahabang litanya ni daddy. Napailing iling ako kaya niyakap na niya ako ng mahigpit pagkatapos niya akong malapitan ng tuluyan.
"You want to become a doctor, Eli. Focus on that for now. Your ambition over your love for Saint. Your mom and I will support you if you'll choose your career. And we will support you to get him back after you solve your own issues but for now, set the poor man, go."
Iyon ang huling paalala nila sa akin bago sila umalis. Hinang hina ako at hindi na nakapasok. Hanggang sa nakauwi na si Saint mula sa kanyang interview, ay iyong paalala nila daddy ang laman ng isipan ko.
"Okay ka lang ba?"
Takang tanong sa akin ni Saint dahil kanina pa siya salita ng salita sa harapan ko pero wala sa kanya ang buong atensyon ko. Sinabihan ko siyang huwag ng sunduin at sinabi na lamang na nakauwi ako ng maaga dahil wala ang panghapong professor namin. Hindi naman na siya nangulit pa.
"Huh? Okay lang ako. May naalala lang. Ano nga ulit ang sinabi mo?"
Tanong ko sa huli. Napataas ang kilay niya pero ipinagkibit balikat na lamang niya iyon.
"So eto nga. They hired me and ask me to start tomorrow!"
He happily informed me. Napangiti naman ako sa naging balita niya. Maybe, it will work. Maghahanap na lamang ako ng pagkukunan ng pang tuition ko kung sakali mang bawiin nina daddy ang suporta sa pag aaral ko. Maybe we will work, this relationship will work. I will also do something for us to not part ways. May trabaho na siya. Makakapagsimula na kami ng panibagong buhay... Or so I thought. So much for a wishful thinking to a naive, young girl like me, is it?
-End of past-

BINABASA MO ANG
It Should Have Been Us (Completed)
General Fiction2ND GENERATION SERIES III #SAINT SANTA LEONES & ELISHA CAROLINE JIMENEZ.