"I am sorry Ms. Jimenez, but if you cannot pay your tuition the day after tomorrow, we regret to inform, you can no longer continue your med.school. You are very smart and you came from a wealthy family. Your father is a tycoon, I do not know why you're having problem in your finances. I hope you can talk to your father regarding this matter because if not, then we can no longer allow you here. I already told you about this the last time, we talked."
Mariin kong naikuyom ang aking kamaong namahinga sa aking hita habang pinapakinggan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng aming directress. Pinatawag kasi niya ako ulit sa office niya kanina kaya ako nasa harapan niya ngayon. Alam ko na ang sasabihin niya at kahit gaano ko man gustuhing umayaw ay wala ako sa lugar upang tumanggi.
"I understand. I..I will try to talk to my daddy. Thank you for reminding me again."
Napalunok ako ng sariling laway dahil pakiramdam ko ay natuyo na ang aking lalamunan. Ni hindi ko magawang sumagot ng diretso na hindi inaalala ang magiging kinabukasan ko sakaling matanggal ako sa medical school. All my life, this is what I have been aiming for. Bago may Saint, ito ang una kong minahal at pinangarap. Pero ano ang ginagawa ko? Itatapon ko na lamang ba ang sarili kong pangarap para lang makasama ang lalakeng mahal ko? Pero kung sakaling piliin ko man ito, magiging masaya kaya ako kahit walang Saint sa tabi ko? Bakit ba sa buhay kailangang may mamagitan? Hindi ba pupuwedeng minsan man lang maibigay ang dalawang bagay na importante sa iyo? Sa sobrang dami ng inaalala ay umuwi akong laglag ang balikat.
"Ang aga mo yata."
Nag angat ako ng tingin saktong pagkatanggal ko ng aking sapatos. Si Saint, na naka topless at boxers ang nabungaran kong papalapit sa akin habang kumakain ng lollipop. Inabot niya ang aking shoulder bag. Napangiti ako dahil doon. Sa simpleng gestures lamang na iyon ay lalo akong nahuhulog sa kanya kaya papaano ko papakawalan ang lalakeng ito? Siya na lamang ang meron ako ngayon. Naluluhang niyakap ko siya.
"Hey."
Natatawa niyang saad habang yakap ako sa bewang ng malaya niyang kamay, ang isa ay hawak na ang shoulder bag. I felt him kissed me on the side of my head.
"Mahal na mahal kita. Huwag kang mapapagod sa akin ha?"
Kunot noo niya akong tinignan pagkakalas niya ng yakap sa akin.
"What happened? Tell me, what's bothering you?"
"I need to pay my tuition the day before tomorrow Saint. This is my last chance because if not, I'm afraid I can no longer continue my studies."
Garalgal kong sagot, nakasandal na ang aking ulo sa kanyang dibdib. I felt him stiffened with my answer.
Napabangon ako mula sa kama dahil sa ala alang iyon. Napahilamos ako sa aking mukha. Oh God! Take those memories away from me. I do not want to remember them anymore. Please.
Dahil hindi ko na makuha ang aking tulog ay nagpasya akong abutin ang roba sa may stand katabi ng side table bago nagpasyang lumabas ng kwarto.
"I know Bianca. It was a stupid move."
Sa ikahuling baitang ay natigil ako noong marinig ang boses ni Saint. Napatingin ako sa direksyon niya. Di kalayuan kung nasaan ako nakatayo, ay kitang kita ko ang kanyang likod, habang siya ay nakaharap sa may bintana at kausap si Bianca.
"Yeah. But fuck.. I am desperate! What can I..."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nahinto siya sa pagsasalita noong makita ako pagkaharap niya. Maang siyang nakatitig lang sa akin, nanlalaki ang mga mata habang hawak pa rin ang phone.
"Uhh. Biancss....I'll call you later. Bye."
Napaismid ako sa narinig. So Biancss ha.. Agad niyang ibinulsa ang kanyang cellphone at lumapit sa akin. Magaling na nga talaga ang babaeng iyon. Gising na gising na! Pati ang kanyang kalandian ay tila nagbalik na din. Lihim akong napaismid sa naisip.
"Sorry. Nakaistorbo ba ako?"
Napalunok ako sa huli. Napamaang naman ang kanyang labi sa naging tanong ko bago kumunot ang noo. Tila yata hindi nagustuhan ang aking tanong. Bakit ba??? Maayos naman ang naging tanong ko ah!
"No. That call was nothing..."
Napalunok siya sabay kamot ng batok. Umirap ako sa kanya pero hindi ko alam kung nahalata niya.
"Sorry ulit. Uhh. Akyat na lang ako ulit."
I don't know why I am fucking stummering. But being around him makes me so damn nervous. I cannot even think and talk straight for God's sake! Muling napamaang ang kanyang bibig bago mabilis na umiling iling, yung tipong may kasama pang kamay. Tila ba bigla ding nataranta sa balak kong pag akyat muli pabalik sa ikalawang palapag kung nasaan ang aking kwarto.
"No. No. Stay here please?"
Nagulat pa ako dahil parang tunog pagmamakaawa ang kanyang pagkakasabi sa akin. Maging siya ay nagulat din sa sarili. Nag iwas siya ng tingin sa akin pero panandalian lamang iyon dahil muling nagtama ang mga mata namin.
"Do you need anything here? Or you can't sleep too?"
Tila nahihiya pa niyang tanong. Napanguso ako at nag isip ng sasabihin.
"Uhh. Yeah, I cannot sleep. Masyado kasing malakas iyong patak ng ulan. Hindi ako makatulog."
Napangiwi ako sa naging palusot ko. Damn Elisha! Nakakalimutan mo na bang alam niya na masarap lagi ang tulog mo tuwing umuulan?? Napakurap kurap ako noong makitang may sumilay na ngiti sa kanyang labi.
"Really? But you love rain. I can still remember how you can easily sleep everytime the rain pours."
Tinitigan ko siyang mabuti habang malalim niyang inaalala ang nakaraan. Noong balikan niya ako ng tingin na may ngiti sa kanyang labi ay napaiwas ako.
"Noon iyon. Iba na ngayon. Some things just change by time."
Siya naman ngayon ang napakurap kurap sa naging litanya ko. Ang kaninang ngiti na nakapaskil sa kanyang labi ay napalitan na nang pag igting ng panga. His lips formed into a thin line, you wouldn't even dare feel like crossing with him while giving you that mad look.
"Oh yeah? Really? Come on, humor me more, Elisha."
Patuya niyang saad. He laughed but with no humor.
"Yes! Really! Ewan ko ba kung bakit pinagpipilitan mo pa ito! Matagal naman nang natapos!"
Hindi ko mapigilang sumagot sa kanya, medyo tumaas pa ang pagkakasabi ko doon kaya napangisi siya sa akin.
"Ipinagpipilitan ang alin?"
Maang maangan niyang tanong. Halos magdikit na ang aking mga kilay noong makita ang hindi na maburang ngisi sa labi niya. Oh! He's enjoying this!?!
"Huwag ka nang mag maang maangan pa diyan! You know what I mean!"
Napapadyak na ako sa sobrang inis sa kanya. Humalakhak siya bigla sa aking tenga. Ngayon ko lang tuluyang naunawaang sobrang lapit niya na pala!
"Baby, I am really innocent here. I don't know what you are talking about. So please enlighten me."
Nakangiti niya akong tinitigan pagkatapos. Napalunok ako sabay marahang itinulak siya palayo. Nabura nanaman tuloy ang ngisi sa kanyang labi. Huminga siya ng malalim bago ako biglang tinalikuran.
"A..aakyat na ako."
Pagpapaalam ko na. Hindi na sinagot ang tanong. Kandautal utal na din ako. Maging ang paghakbang ay hindi ko magawa ng tama.
"Fuck! I can't do this anymore!"
Maang akong napabalik ng tingin sa kanya pagkarinig ng mura niya. Pero hindi pa man ako maayos na nakakatingin ay kinabig niya na ako. Agad na sumalubong ang malambot niyang labi sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang marahas na paghalik sa labi ko.
"Kiss me back. Please, baby."
Tunog pagmamakaawa niya. Unti unting nalusaw ang pader na itinayo ko. Ikinawit ko ang aking mga braso sa kanyang batok. I opened my mouth which earned him a sweet growl.