O

1.9K 54 2
                                    

Later.

"Paubos na ang sarili mong savings. Sigurado ka bang kaya mo pa ang mga bayarin natin? I can actually find a job so I can also support you in our finances, lalo na doon sa pag aaral ko.

Napatingin siya sa akin noong magsalita ako bigla mula sa likuran niya. He hid the paper and calculator he was using a while ago before finally facing me.


"Come here."

Pagod niyang tawag sabay tapik sa may hita niya. I smiled before heading to where he is seated. Agad niya akong hinila pagkalapit at tsaka kinandong. He immediately smelled my neck which earned me a soft giggle. He knows where to tickle me,that I am sure of.




"Ahh. My favorite. I really like your natural scent, baby. Ikaw at ng amoy mo ang nagpapalakas sa akin ng loob. Alam mo ba iyon?"

I smiled when he said that. He reached for my face and kissed me fully on the lips.


"Don't worry about the expenses. I will find another job for us. Let me handle this."

He said assuringly. Malungkot ko na lamang siyang niyakap bago nagsalita.


"Basta kapag hindi mo na kaya, ako na ang bahala ha?"


He suddenly pulled away from my tight embrace once he heard me say that. Kunot noo niya akong tinignan.

"I don't like where this is going. Stop saying  cryptic words. I don't like the feeling. I feel like...."

He murmured as he looked at me with total fear in his eyes.

"You feel like what?"

I asked as I combed his hair using my fingers.


"Like you're about to do something crazy, it will both make us scarred in the end."

He finally said.

"You're just overthinking."

Sagot ko bago siya niyakap ng mahigpit ulit. Hindi na siya nagsalita pa at niyakap na lang din ako ng mahigpit.




"Ladies and gentlemen, this is captain Revena....We are about to....."

Napamulat ako ng mga mata noong magsimulang magsalita ang kapitan ng eroplanong sinakyan namin. Mula sa binabasang kung ano sa kanyang laptop ay napatingin si Saint sa akin.



"We're about to land."

Saad niya. Tahimik lamang akong tumango at napatingin sa labas ng bintana. I heard him sighed before closing his laptop. Napatingin akong muli sa kanya noong abutin niya ang kamay ko at pinagsiklop iyon. He even dare to kiss it. Mabilis kong binawi iyon at ni hindi naglakas ng loob na tignan ang magiging reaksyon niya. Hanggang sa makalabas kami at makarating sa arrival area ay hindi ko na siya kinausap man lang. He just kept following me from behind.




"Honey!"

Bumalik ang sigla ng aking mukha noong marinig ang boses ni mommy. Tumakbo siya palapit sa akin at naiiyak na niyakap ako ng mahigpit. Nakangiting sinundan siya ni daddy at hinayaan niya muna kaming magyakapan bago siya. I feel safe whenever I'm with dad's embrace. Pakiramdam ko walang sinuman ang makakapanakit sa akin.


"Finally! You're back anak."

Hagulgol pero masayang litanya ng aking ina bago binalingan ang lalakeng tahimik na nasa likuran ko.



"Thank you for bringing my daughter home, Saint."

Panimulang pasasalamat ni mommy sa kanya bago ito niyakap. Dad just patted Saint's on the shoulder as an acknowledgment.


"Sir. Andito na po ang sundo ninyo."

One of his bodyguards called his attention. Tumango lamang siya. Umalis din naman ito. Ibinaling niya ang kanyang atensyon sakin bago sa mga magulang ko.




"We will use my car, tito, tita.... Elisha."

Malamig niyang pahiwatig. Nag iwas siya ng tingin sa akin. Tumango lamang sina daddy at mommy bago kami tuluyang sumakay sa pulang sasakyan na pumarada sa harapan namin.






"I told you to cancel all my meetings this week. If you cannot do the job properly, just tell me and I will find a new secretary fist thing in the morning. Do you understand?"



Nagkatinginan kami nina daddy pagkarinig sa galit na galit na boses ni Saint habang pinapagalitan ang sariling sekretarya mula sa kabilang linya. Pinatayan pa niya ito ng tawag. Maya maya ay may sumunod nanamang tawag. Kunot noo niya iyong tinitigan. He looked at us in front of the mirror since siya ang katabi ng driver at nasa likuran kaming tatlo. Nag iwas kami ng tingin sa kanya. Pinisil ni moomy ang kamay ko. Hinalikan lang ni daddy ang noo ko. Ako kasi ang nasa gitna nilang dalawa.



"Hello."

Kumunot ang noo ko dahil bigla ay hindi na siya kumportable. Patingin tingin pa siya sa may salamin.

"Yeah?"

Tumihim siya sabay tingin ulit sa akin.

"I will come and visit her tomorrow. But please call me, only if she's already awake or if there's a sudden change on her situation because if not.... What? She's awake??"




Gulat na gulat pa nitong tanong. Mahihimigan ang excitement sa boses niya bigla. Nanikip ang aking dibdib. I can feel my parents' worried look.



"But... I cannot come...."

"You can go. Just drop us to the nearest taxi stand. We can go home by ourselves."

Agad kong putol. Napatingin siya sa may salamin pero bago pa man magtama ang mga tingin namin ay umiwas na ako. My mom and dad want to protest but they felt I am no longer okay being with him inside the car kaya natahimik na lamang sila.




"My daughter is right hijo. You can drop us actually... Oh there. Doon oh."

May nakita kasi si mommy na taxi stand hindi kalayuan kaya itinuro niya iyon. Napabuntunghininga naman si Saint bago tumango at kinausap ang nasa kabilang linya.


"Okay. I will come. Tell her to wait for me in a while."




Utos niya sa kausap bago niya ito babaan. Pagkahinto ng sasakyan sa may tabi ay agad siyang lumabas upang pagbuksan kami.



"Thank you hijo."

Malumanay na hingi ng pasasalamat ni mommy. Niyakap niya ito pagkatapos.


"We're in front of Castriciones building. Sunduin mo kami dito manong."


Kausap na ni daddy ang isa sa mga drivers namin habang nakatingin sa matayog na building ng mga Castriciones. Sa baba kasi ng building ay iyong taxi stand na mismo. Inilabas naman ng driver ni Saint ang luggage ko na agad na pinigilan nito. Kunot noo tuloy akong napatingin sa kanya.




"Don't. She'll be living with me from now on. Susunduin kita mamaya."

Dugtong niya pagkatapos pigilan ang driver. Napatingin ako kina mommy at daddy na agad napaiwas ng tingin.



"I am sorry tita, tito. But I will just deal this first and foremost. I promise....."

Hindi ko na narinig ang sumunod dahil para na silang bubuyog na nagbubulungan sa isa't isa. Napairap ako sa kawalan. He went to me and suddenly kissed me on my cheek. Sinamaan ko lamang siya ng tingin. He just smiled warmly.


"See you later."

He said before leaving. Napatunganga ako. What the hell just happened? Napatingin ako kina mommy at daddy na agad nanamang nag iwas sa akin ng tingin.






It Should Have Been Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon