CHAPTER 4

135K 2K 19
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..


-Anna's POV-


"Ano ba yan Friend, keaga-aga nagsusuka ka. ano bang nakain mo?" Si Jocel. Bestfriend ko. hinahaplos nito ang aking likod.

Umagang-umaga ganito ang eksena sakin. halos tatlong araw ko na rin itong iniinda. Ayaw ko naman pumunta ng clinic dahil nawawala naman agad ito.

"Magpacheck up kana kaya. baka iba na yan." Nakataas ang kilay nito ng iabot sakin ang mineral water.

" Wala ito friend, tsaka ayaw ko naman maospital sa ganitong araw. " Final's na namin. Kailangan kong magfocus lalo na't last chance ko na ito para magpasikat.

Kailangan kong maging Com laude. Kahit dito man lang mapatunayan ko kila papa na mali sila ng akala sakin.

Na meron din naman akong silbi at matalino ako.

"Oo nga, baka stress kalang ateng. ikaw kasi, masyado kang masipag mag-aral. Hindi ka naman napapansin ni Father earth mo." Tinutop nito ang bibig sa huling sinabi.

She's aware kung bakit ko to ginagawa. Syempre Bestfriend. Alam dapat ang problema sa isa't-isa. yun nga lang, masyado itong matabil at walang taros kung magsalita.

" Sorry." at nagpeace sign matapos ko siyang tingnan ng masama.

"Kahit dito nalang friend. maramdaman ko lang na proud sila sakin okay lang." ani ko habang inaayos ko ang aking gamit.

Tumingin ako sa salamin.

Napangiti ako subalit binawi ko kaagad dahil hindi ko maiwasan makita sa sarili ko si Tricia.

Para kaming pinagbiak na buko dahil halos magkapareho ang aming mga mukha. Kung hindi nga lang maikli ang buhok ni Tricia ay malamang ay mapagkamalan kaming magkakambal.

Matanda si Tricia ng isang taon sakin.

Pero hindi ko siya tinatawag na ate o anuman.

Kahit nung mga bata kami. Nasanay na ako na Tricia lang ang tawag ko rito. Close kami noon, at ginagaya ko siya sa kahit na anong bagay. Pananamit, pananalita at kahit itsura ay ginagaya ko rin. Nagkaron lang ng pagbabago ng tumungtong na kaming dalawa sa High School.

Tricia is an example of a woman that envy by everyone else. She had a talent sa pagpapainting at pagdedesign, Simula Grade school ay palagi itong top sa klase. Minsan na siyang nasali sa isang Commercial na ang pinifeature ay mga batang may pambihirang galing at talino.

Maganda at mamahalin ng mga tao.

Unlike me.

Napabuga ako ng hangin. Hindi ko dapat nararamdaman ang ganitong insekuridad lalong lalo na sakin kapatid. Magkaiba ang pagkatao at pag-uugali namin. Hindi ko lang maiwasan lalo na't may mga taong nagkukumpara samin dalawa.

Naagaw ang atensyon namin ng may humampas ng pinto.

"Hooy!! buksan niyo ang pinto." Ani ng isang estudyante.

Tiningnan ko si Jocel na agad pinatay ang hinithit na sigarilyo at nilagay sa inidoro sabay flash.

Napailing ako. Nagawa pang manigarilyo nito kahit na mahigpit na pinagbabawal sa school ang pagsisigarilyo.

"Sandali." Padarag nitong sabi sabay mura. "mamaya kalang sakin." asar na tinig ni Jocel, kumuha siya ng isang basong tubig galing ng inidoro.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon