CHAPTER 44

113K 1.5K 25
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...


CYRUS POV....

"Sino ang kasama niya pumunta dyan?" tanong ko sa nurse na nagbabantay kay Anna.

Kasalukuyan akong nasa opisina at inasikaso ang trabahong napang-iwanan ko.

Ito ang unang araw na pumasok ako sa trabaho pagkatapos ng dalawang buwan na leave.

"Yung driver po sir, si Ma'am amanda ay wala rin po sa bahay."

"Okay, susunod ako. hintayin niyo ako." bilin ko pa rito.

I get it.

Ayaw ni Anna na makialam kami sa kanya.

Ayaw niyang lumapit kami sa kanya.

I always feel that every time na magkasama kami; magkatabi matulog pero pakiramdam ko nag-iisa ako sa loob ng aming kwarto.

Lumalayo ito sakaling nagtatangka akong lumapit sa kanya; hindi rin ito kumikibo kahit nagkekwento ako sa kanya.

Iniiwasan ko na ngang pag-usapan ang mga nangyari, pero talagang wala kang sagot na matatanggap sa kanya.

And then, at the middle of the night, Bigla nalang ako magigising dahil sa mga ungol ni Anna.

Palagi itong nananaginip sa mga nangyari.

Pakiramdam ko ay hinahabol ito ng multo sa sariling panaginip; Sinisigaw nito ang pangalan ko, gayundin ang kanyang mga anak.

She is lost, and I feel guilty about it.

Ako ang rason kung bakit siya nagkakaganyan at naniniwala ako na ako rin ang makakabalik sa kanya sakin.

She was screaming, screaming to death.

Yung boses niya, kapareho nung mga araw na nalaman niyang wala na ang mga anak namin.

and it hunt's me, Chased and broke me.

Don lang ako nagkakarun ng pagkakataon na yakapin siya; na aluin siya.

Hanggang sa muli itong makatulog at tila kinalimutan ang isang masamang panaginip.

I hate myself for seeing her like this.

For making her cry,

For hurting her,

For everything that I've done that cause too much pain in her heart.

Di bale nang maging manhid siya sa kung ano ang nararamdaman niya, kesa ang makita siyang nahihirapan ng ganito at nawawasak ang kanyang kalooban.

Dali dali kong tinawagan si papa at ipagpaalam uuwi muna ako.

Ang totoo'y ayaw pa nilang pumasok ako sa trabaho.

Ani ng mga ito'y pwede ko naman ibigay kay Nilo lahat ng appointments at lahat ng dapat kong asikasuhin.

But I choose to be here dahil gusto kong malimutan muna ang tunay na sitwasyon namin ni Anna.

Nagbabakasali ako na kong magiging busy ako sa trabaho, makalimutan kong meron akong sariling problema.

pero nalaman ko sa mga oras na ito na hindi ko pala kayang talikuran ang isang katotohanan tulad nito.

May asawa akong nangangailangan ng pagkalinga at pagmamahal; nang karamay at kaagapay.

Nagtungo ako sa manila memorial.

Malapit lang ito sa bahay namin sa Paranaque.

Iginilid ko ang aking sasakyan katabi ng sasakyan na dala nila Anna.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon