CHAPTER 26

107K 1.5K 30
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT



Cyrus POV

"Stay away from me!!" asik ni tricia sa katulong na nagdala ng pagkain sa kanyang kwarto.

Taranta naman ang matanda at agad na sinalubong ni Mama Amanda.

"Anak!! kumain kana.." pag-aalala nito kay tricia.

"Iwanan niyo na ako dito. I don't need you here." at puwesto sa kabilang side ng kama.

May kinuha itong kung ano at binuksan ang lighter.

Maya-maya lang ay bumuga ito ng usok.

Naiiyak na napailing si mama Amanda habang pinagmamasdan ang anak sa ginagawa.

Hindi na namin ito halos makilala sa mga ginagawa.

"Amanda.." Napalingon ito samin ni Papa Bernado

Hindi na nito napigilan pa ang sarili at agad na naiyak sa kinahinatnan ng panganay na anak na babae.

"Bernardo, hindi ko na alam ang gagawin ko sa anak natin. "

Inalo ito ng asawa at hinaplos ang likod.

Hindi ko maiwasan maawa hindi lamang para kay Tricia kundi para na rin sa mga magulang nito.

Kitang kita ang pag-aalala ng mga ito at masakit sa kanila bilang mga magulang ang makita ang iyong anak na nagiging miserable ang buhay.

Isinama ako ni Papa Bernardo para matingnan ang kalagayan ni Tricia. Hindi ko inaasahan ang aking mga makikita lalo pa't nitong huling pag-uusap namin ay tila maayos pa ang lagay nito.

Tiningnan ko ang kabuuan ng kwaro.

Nagkalat ang mga basag na vase at ilang mga frames ng larawan.

Pati mga pintura na ginagamit nito sa pagpipinta at ilang art sketches na punit punit ay nasa bawat sulok ng kwarto.

Ibang iba ito sa Triciang minahal ko noon.

Tumikhim ako at agad akong nakita ni Mama Amanda. Sinalubong ko ang kangyang pag-akap.

"Cyrus.."

"Mama, tama na po." Pag-aalo ko rin.

Tango lamang ang naging tugon nito habang pinupunasan ang sariling luha.

Madilim sa kwarto ni Tricia. Ang tanging liwanag lamang ay ang sinag nang araw na pilit nitong tinatakpan ng makapal na kurtina sa may bintana.

Dahan dahan akong naglakad habang nasa likod ko ang mga magulang ng dati kong nobya.

Halos bumaliktad rin ang aking sikmura sa masangsang na amoy na dulot ng kong anong mga basura sa loob.

Tahimik kong inobserbahan si Tricia na nanginginig. Inuugoy nito ang sariling katawan habang hinihithit ang sigarilyong hawak.

"Sinabi nang!!" napahinto ito sa pagsasalita ng makita ako.

"Cyrus.." Nanlalaki ang mga mata nito at halos hindi makapaniwala.

Tumango ako. Sandali kong sinilip sila Mama Amanda na sumenyas lang sakin na aalis sa kwarto.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon