CHAPTER 16

116K 1.8K 32
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT


Anna's POV

"Pasensya kana Anna, kailangan ko kasing samahan ang anak ko Sa New York." Si doktora Rivera. Kausap ko siya ngayon sa phone upang ipagpaalam na hindi siya ang mag-assist sakin sa panganganak. Naaksidente ang anak nito at kailangan nilang dalhin sa New york at don magpagamot.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko maiwasan madismaya sa sinabi ng doktora subalit hindi ko naman ito pwedeng pigilan. Nanghihinayang lang ako dahil mahusay itong humawak ng pasyente at nasanay na ako sa kanya.

"But don't worry. Nirefer na kita sa kaibigan kong OB. Ifoforward ko nalang ang details ng pagbubuntis mo kong gusto mo sa kanya." Ani pa nito.

Hindi ako umuo agad sa sinabi ni doktora. Kailangan ko munang kunsultahin si Cyrus tungkol rito bago ako gumawa ng hakbang. O baka sa Family doctor nalang namin ako magpapatingin.

Naunawaan naman iyon ni Doktora subalit ibinigay pa rin sakin ang contact ng kaibigan niyang doktor rin. Aniya kapag interesado ako ay tawagan ko lang ang numerong iyon.

Saglit pa kaming nag-usap. Kinamusta ko rin ang kanyang desi sais anyos na anak na lalaki na nadisgrasya dahil sa car racing. Napapailing ako habang nagkekwento ito sa mga nangyari sa anak at hindi nito maiwasan mahikbi habang sinasalarawan ang lahat.

Iba na talaga ang karamigan sa mga kabataan ngayon. Sa sobrang kapusukan ay naliligaw ng landas. Ang iba, nawawala sa sarili. Ang iba ay nadidisgrasya.

Kung gano mo pinagbabawalan, tsaka naman umaandar ang pagiging matigas ang ulo.

Noon una, hindi ko maintindihan sila Papa kung bakit nila ako pinagbabawalan sa ilang mga bagay. Pahirapan ako kong magpaalam lalo na kung kasama ko si Jocel. Kahit sa mga school activities ay pinapasamahan ako sa driver para lang makauwi ako ng ligtas.

Ni hindi ko nga alam ang lasa ng alak eh, o di kaya kong pano maubo sa isang stick ng sigarilyo.

Bihira lang akong umattend ng mga party, kadalasan mga Event sa company at kasama ko sila mama at hindi rin ako makapag-enjoy.

Si Tricia naman ay iba ang way niya ng pamamaalam. Kapag sinabihan siya ni Papa na hindi ay umiiyak ito. Nagtatampo at hindi lumalabas ng kwarto.

Pero kadalasan ay nahuhuli itong tumatakas. Sinasabihan siya nila Mama pero labas lang sa tenga ang nangyayari. Kaya minsan hinahayaan nalang ito, as long as hindi ito nagdadala ng eskandalo samin pamilya ay okay na kala papa.

Bagay na kinainggitan ko sa kanya noon. Para siyang ibon malayang lumipad sa kabila ng bakal na rehas na kinakukulungan namin pareho. Hindi siya nabibigatan pasanin ang isang angkla sa kanyang paa at taas noo siyang nakikipagsabayan sa ibang kaedaran namin kabataan.

Samantalang ako. Natatakot ako na magalit sakin sila Papa. Natatakot ako na mabigo ko sila sa kanilang gusto. Natatakot ako na maging pasakit lang ako sa kanila ni Mama. Natatakot ako na hindi ako maging mabuting anak para sa kanila.

But then I realize, kaya pala tayo pinagbabawalan ng ating mga magulang ay dahil ayaw nilang masaktan tayo. Ayaw nilang may mangyaring masama satin at ang nakikita kong dahilan ay dahil mahal nila tayo.

Pagkatapos ng usapan namin ni Doctor Rivera ay agad kong denial ang numero ni Cyrus upang sana ipaalam ang pinag-usapan namin. Subalit nakailang beses akong tumawag pero hindi nito sinasagot ang phone. Marahil ay abala ito sa trabaho o di kaya naman ay nasa meeting.

Nauwi ako sa pagdial ng numero ni Jocel. Ito ang nagpakilala sakin sa doctor at marahil wala pa itong alam sa nangyari.

"My friend napatawag ka?" bungad nito sakin.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon