Lumipas ang ilang araw. Nakadalaw na rin ako sa ospital. Nalaman ko na hindi na maganda ang kondisyon ni papa dahil sa sakit ni'to. He suffered stroke so many times at kapag aatakihin ito muli ay baka hindi na nito kayanin.
Nakangiwi ang labi nito habang pinipilit ang sariling magsalita.
Wala akong naramdaman kundi awa sa kanya.
I 've seen him with a strong and tough personality. Para itong leon na katatakutan ng lahat.
Wala sa bokabularyo nito ang pagiging mahina.
Wala sa katawan nito ang mga sakit na nararanasan nito.
Hindi ito nagpapakita ng kahinaan sa iba. Higit sakin dahil namulat ako sa kanyang katapangan sakin.
Hindi ko masasabing naging malupit siya sakin noon bata ako.
Nakakaranas ako ng pagpalo pero wala akong natatandaan na nagtanim ako ng galit sa pagdedesiplinang ginawa nito.
Subalit mas nasasaktan ako sa mga salitang bumibitaw sa bibig niya.
Sa mga matang mapanuri at parang Falcon na nakaabang sa pagdagit sa kanyang makakain.
"Pano nangyaring naging salutatorian kalang samantalang matalino ka!!"
"Nakakadisappoint ka Anna!!"
" Wala ka talagang silbi!!:"
"Wala akong mapapala sayo!!"
Those words that cutting my heart, and broke it.
Mga salitang hindi ko aakalain na manggagaling sa sarili kong ama.
Wala akong matandaan na magandang alaala meron ako sa kanya nung bata pa ako.
"You have to study first Anna para mabilihan din kita ng laruan gusto mo." Naaalala ko ang mga araw na yun nung umiiyak ako. Galing sila ng abroad ni mama dahil sa isang business trip.
May pasalubong na laruan manika si Tricia. Malaki at napakaganda. kapareho ng buhok meron nun si jocel, kulot kulot ang dulo.
Kulay asul ang mga mata at mamahalin ang suot na damit.
Meron din naman ako, kaya nga lang ay simpleng laruan lang. Naalala ko pang naririnig kong nagtatalo sila ni mama dahil ayaw ni papa na ibigay sakin ang laruan yun hangga't hindi ako nagtotop sa klase katulad ni tricia.
Top sa klase ang kapatid ko, kahit san anggulo ay walang kalaban laban ang mga kaklase nito nung grade school at high School.
Samatanlang ako, binabayo ko ang pang-araw-araw na pagsunog ng kilay para lang mamaintain ko ang mga grades o di kaya nama'y maungusan ko si tricia.
Pero kahit nung high school ako, nakaramdam ako ng pandaraya ng ibang tao na kahit kelan ay di ko magagawa sa iba.
Nakaramdam ako ng labis na takot kay papa nung mga panahon na yun dahil umaasa siya sakin.
BINABASA MO ANG
THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)
RomanceSi Ana,isang babaeng nabuhay na walang ibang hinangad kundi ang makamit ang tiwala ng kanyang Papa. Wala siyang ibang ginawa kundi ang patunayan sa mga ito na hindi siya mahina. at nang makagraduate siya bilang Magna Comlaude ay labis ang sayang kan...