Hindi ako mapakali habang pinagmamasdan ko ang mga batang inosenteng naglalaro sa garden ng bahay. Maya't maya ang pagsulyap ko sa labas ng gate maging sa buong paligid. Natatakot ako na baka dumating muli ang mag-asawa at kunin sakin ang dalawa.
Naghired na rin kami ni Cyrus ng mga bodyguards na magbabantay samin 24 oras. Kahit san kami magpunta ay meron nakabuntot samin lahat.
False alarm ang naganap na pagkikita namin nila Daibby. Pilit akong kinakausap nila Mother Elena patungkol rito pero palagi akong umiiwas. Alam kong ipipilit nila sakin ibigay ko ang buong kustodiya sa pag-aalaga ng kambal.
Hindi ko magagawa yun. Kung noon nga'y nagawa nila itong pabayaan ay pano na kaya ngayon. Ayokong pagsisihan ko ang mga desisyon gagawin ko lalo na't kapakanan ng aking mga anak ang nakasalalay dito.
Hindi sila deserving ng kambal, walang matinong ina ang mag-aabanduna ng kanyang anak sa gitna ng ulan at hayaan itong mamatay na lamang don.
Anong konsensya meron sila? o Kung meron nga ba sila nun?
Maglilimang taon na ang lumipas at ngayon lang sila naghanap and worst, para silang nang-iwan ng isang bagay na binasura na, at kukunin dahil nalaman nilang pakikinabangan nila ito.
Hindi ito patungkol sa legalidad o dugong nananalantay sa kanila.
Oo alam ko, wala ni isang patak ng aking pagiging Veloso maging ni Cyrus ang nag-uugnay samin mga dugo, pero higit pa don ang aking inalay at kayang ibigay para sa kanila.
Kaya kong ipangako ang marangyang buhay at masayang pamilya.
Nang hindi ko ipaaalala ang kawalan ng puso ng ginawa ng totoong mga magulang nila.
Ina ako. Kaya hindi ko maintindihan si Daibby sa ginawa nitong pag-iwan sa mga bata.
Bumukas ang gate at nadako ang aking mga mata sa pagpasok ng aking kapatid. Bitbit nito si Trina at si Tristan nama'y nagtatalon talon ng makita kami.
"Mommy Anna!! Mommy Anna!!" Nagtatakbo si Tristan patungo samin. Sinalubong ko naman ito at agad na nagpakarga sakin.
"Hey, Your too heavy, My mommy can't carry you." Hinihila ni Cristine ang paa ng pinsan habang sumasabit ito sakin leeg.
"Mommy Anna si Cristine oh." He used his puppy eye again. Alam ko naman na hindi niya papatulan ang babaeng pinsan.
Ito lang talaga si Cristine ang mabigat ang loob sa lalaki.
Dahan dahan kong binaba ang bata pero hindi pa rin ito umaalis sa pagyakap sakin.
"Leave my Mommy now!!" Hinila ni Cristine si Tristan at nagulat kami sa kanyang inakto.
"Cristine." Saway ko. Napaupo si Tristan sa lakas ng hila sa kanya at naiiyak ito sa ganoong pwesto.
"Mama!!" Aniya at lumakas pa lalo ang iyak.
Agad na dinaluhan ni Tricia ang anak at pinagpagan ang narumihan damit nito.
BINABASA MO ANG
THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)
RomanceSi Ana,isang babaeng nabuhay na walang ibang hinangad kundi ang makamit ang tiwala ng kanyang Papa. Wala siyang ibang ginawa kundi ang patunayan sa mga ito na hindi siya mahina. at nang makagraduate siya bilang Magna Comlaude ay labis ang sayang kan...