CHAPTER 72

86.2K 1.2K 44
                                    


"Mommy" Nagising ako ng may mga kamay na humahaplos sakin buhok.

Agad akong napabangon at nakita ko ang worried na mukha ni Cyrus.


" Mommy I need water please." Aniya sa nahihirapan pagsasalita.


Agad akong nagsalin ng tubig sa baso, pero nakatuon ang aking pag-iisip sa pagtawag nito sakin, parang normal lang iyon.


Naalala na niya ako; hindi na ito katulad ng kanina.


"Ano bang nangyari sakin?" Tanong nito ng makainom ng tubig.

Napatigil na naman muli ako sakin ginagawa.

Inalis ko ang kumot na nakaawang sa bakanteng higaan at tumabi rito. Inabot niya ang aking kamay at pinisil iyon.


" Wala ka bang naalala simula kanina?"

Umiling ito at nag-iwas ng tingin sakin.

"The last time I remember was I'm driving going home. Wala akong makita sa daan dahil sa lakas ng ulan. Then nung magtatangka akong umibis ng daan para iwasan ang sasakyan papasalubong sakin, hindi ko napansin ang isa rin sasakyan sakin likod dahil wala itong ilaw. Sinubukan ko ulit iwasan pero huli na dahil na hit na yung sasakyan ko ng kotseng sumalubong sakin."

" The next thing I knew is tumilapon ako. Hindi ko madilat ang aking mga mata dahil napakasakit ng aking ulo. Pakiramdam ko tumama ako sa isang matigas na bagay."

"Wala na akong maalala maliban don." Pagpapatuloy pa nito.


I sighed on relief nung sinabi niya yun. Unti unting nabawasan ang aking pag-aalala lalo na't nawalan ito ng memorya kanina.


" Kamusta ka? hindi ka na sana pumunta dito, yung baby natin." May pag-alala sa mukha niya at hinawakan nito ang aking tyan.

Napangiti ako.


Sa kabila ng mga nangyari sa kanya, ako pa rin ang kanyang inaalala.


" Of course, I'm here kasi nag-aalala ako.. Gusto ko ako mismo ang mag-asikaso at ako ang unang makita mo." 


"I'm sorry I'll make you worried. Sana nagstay nalang ako don para hindi na nangyari to." Naramdaman ko ang mainit niyang labi sakin noo.


"Let's go home mommy.  I want to take a rest." Aniya at nahilig sakin dibdib. Tumango ako bilang pagsang ayun sa kanyang gusto.

Pumasok sila Henry at Tricia. May dala itong pagkain at ilang mga damit.


" Pare.." Tawag ni Cyrus kay Henry. Hindi nito pinansin si Tricia. Pinakiramdaman ko ang gagawin ng aking asawa.


"Salamat sa pagsama kay Anna dito." aniya ni Cyrus.

'Wala yun pare. Kamusta na ang pakiramdam mo? buti.." Tumingin si henry  sakin at hindi maalis ang pagtataka nito sa mukha.

Umiling ako para wag sabihin ang nangyari kanina.


"Masakit lang ang ulo ko." Tinuro nito ang parte ng ulo kung saan iniinda ang sakit.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon