CHAPTER 75

176K 2.9K 700
                                    

Cyrus POV


Nagising ako nang may iba't ibang aparato ang nakakabit sakin katawan. Huminga ako ng malalim habang palinga linga sa paligid.

Naamoy ko ang preskong bulaklak na nagmumula sa katabing mesa; sumabog ang kabanguhan nito sa bawat sulok ng kwarto.

Naramdaman ko ang bigat ng isa kong kamay at pinagmasdan ang palad ng babaeng hindi ko alam ang pangalan. Ginalaw ko ang aking mga daliri dahilan para magising ito sa mahimbing na pagkatulog.

At nung magtama ang aming mga mata, nakaramdam ako ng kakaiba sakin damdamin. Nagsimulang rumigodon ang tibok ng aking puso at ramdam ko ang pamumula ng aking tenga.

Napalunok ako ng masilayan ang kanyang ngiti..

May pakiramdam akong parang sinisigaw ng aking puso ang kanyang pangalan, subalit hindi matandaan ng aking isip kung ano yun.

"Cyrus kamusta ang pakiramdam mo?" Her voice is sweetest voice I've ever heard.

Napaisip tuloy ako kung ilang araw akong walang malay at nakaratay sa higaan ito.

Cyrus

Iyon ba ang pangalan ko? Hindi ko alam...Ang totooý wala akong maalala..Blangko ang aking isipan sa anumang memorya ng aking nakaraan.

Pero ang puso ko, ang tibok ng puso. Pakiramdam ko kilalang kilala ko ang babaeng nasa harapan ko.

Hindi ko marinig ang kanyang mga sinasabi. Ukupado pa ang aking isipan sa mga bagay na gusto kong alalahanin at balikan, pero wala. Walang wala akong mahihita sa aking ginagawa.

Sinundan ko ang bawat paggalaw ng babae sa kwarto. Nagsalin ito ng tubig sa isang baso at binigay yun sakin.

"Tatawagin ko lang ang doktor." Aniya at nagmamadali itong lumabas.

Maya maya lang ay dumating ang isang nakaputing lalaki. May dalawa itong kasama na hindi ko alam kong ano ang tawag sa kanila.

"Mr.Brazil,We're glad na nagising kana after you're operation, ako nga pala si Doctor Benitez and this are the nurses who will also take care of you." Pinakilala nito ang mga kasama. may ilang mga taong pumasok sa loob.

Naiiyak na niyakap ako ng isang nakasalamin babae. Siguro ay nasa edad 50 na ito dahil sa mga kulubot nito sa mukha. Although parang hindi halata pero nahihinuha ko na yun ang edad nito. Sa katabi nito ay isang matandang lalaki na may katamtaman lang ang pangangatawan.

"Cyrus Anak., God..Thank you so much you're awake." Pinugpog nito ng halik ang aking pagmumukha. Siguro siya ang mama ko at ang katabi nitong lalaki na umaakap din sakin ay ang papa ko naman.

Umiiyak sila? Bakit?

Hindi ko alam.. wala nga pala akong maalala..

Sandali akong inobserbahan ng doktor. May mga tinatanong ito na hindi ko alam ang mga sagot. Mga taong natatandaan ko na wala akong masabi.

Sumasakit ng bahagya ang aking ulo. Aniya,iyon daw ay dahil sa operation ginawa sakin. Nakabenda ang aking ulo at isa isang tinanggal sakin kamay at braso ang mga kung anong nakalagay don.

Sinilip ko ang nakaawang na pinto at umaasa akong babalik ang babaeng may pinakamagandang mukha sa lahat.

Sino kaya siya?

Ano kayang ginagawa niya rito?

I'm sure malaki ang papel niya sakin buhay at nagawa niyang magbantay sakin. Aniya ng doktor, halos tatlong araw na raw akong tulog. Epekto raw iyon ng mga gamot na tinurok sakin at ngayon nga, dilat na dilat ang aking mga mata habang pinakikinggan ang iilang kwento ng mga taong nakapaligid sakin.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon