CHAPTER 9

119K 1.9K 19
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...



-Cyrus POV-

Nagising ako ng maamoy ko ang mabangong niluluto sa kusina ng Unit ko. Dahan dahan kong dinilat ang aking mga mata at ang lintek na sakit na ulo ang agad kong naramdaman.

Mariin akong pumikit at sinandal ang ulo sa headboard ng aking kama. Sandali akong napaisip.

Sa sala ako kagabi natutulog. Lasing ako dahil sa dami ng aking nainom. Nakasuot pa rin ako ng isang denim shorts at puting T-shirt.

Nadako muli ang aking mga mata sa nakaawang na pinto. Bigla akong napabalikwas ng maalala ko si Anna. Dali dali akong nagtungo sa labas at agad ko naman itong nakitang nakatalikod at nakasuot ng Apron.

Nag dahan dahan akong naglakad at sandaling sinipat ang aking sarili sa Glass door.

"Good morning." Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ang kanyang ngiti ang una kong nakita. May kong anong bahagi ng aking katawan ang tila bumilis ang pagtibok. Napalunok ako lalo pa't hindi naalis ang mga ngiti  niya para sakin.

Ang pulang labi na iyon. Hindi ko alam kong sinong lalaki na ba ang nakahalik kay Anna o kung meron maliban sakin. Yung natural na kulay ng mga mata nito na may malalim na tinatago. Ang perpektong tangos ng ilong nito.

Sabi nila, Magkahawig na magkahawig si tricia at ito. Kaya ko nga napagkamalan si tricia si Anna noon ng may mangyari samin. Kasi kuhang kuha nito ang bawat anggulo ng dati kong syota. Pero ngayon, kung oobserbahan mo ng maigi, malaki rin pala ang pagkakaiba ng dalawa.

Bukod sa maiksi ang buhok ni tricia at si Anna nama'y medyo mahaba at tumitingkad ang kulay nito. Ang bawat galaw at postura nila ay nagpapahayag ng kanilang pagkakaiba.

Si Tricia ang tipo ng babaeng aggressive pagdating sa isang bagay. She will not stop until she gets something that she wants.

Marami itong pangarap sa buhay at todo suporta ako rito na sa kahit na anong bagay.

Samantalang si Anna..

Sandali akong natigil.

Ano nga ba ang alam ko kay Anna?

Bukod sa magagandang bagay na sinasabi ni Anthon noon rito ay wala na siyang ibang alam. Ni hindi niya nga alam kong ano ang mga bagay na gusto nitong gawin eh.

Kasi kahit noon palang na magtatangka siyang kilalanin ito, pinipigilan na siya ni tricia sa di niya malamang dahilan.

"Pasensya kana hindi na kita ginising." Ani nito habang naglalapag ng mga kubyertos sa mesa. Hindi ko magawang paniwalaan na ang katulad niya ay may alam sa kusina.

Hindi ko naman hinuhusgahan si Anna na wala itong alam pagdating sa gawaing bahay. Ang alam ko, hindi nito kailangan gawin iyon dahil nabuhay ito sa isang marangya at kumpletong pamilya. Hindi nito alam kong ano ang salitang "Kahirapan" kasi hindi pa nito nararanasan.

Nadako ang aking tingin sa Fried rice. May mga nakalagay na dahon doon na hindi ko alam kong ano ano.

"Halika Cy, kumain na tayo." Nang matapos ito sa ginagawang pag-aayos. Dahan dahan akong lumapit habang ito ay abala sa pagkuha ng mga baso.

"Good morning din Anna. Hindi kana sana nagluto. Meron naman restaurant sa baba. Don nalang sana tayo kumain." Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya kahit nakatalikod ito. As if I was observing the most beautiful creature in the world. I don't want to miss anything about her.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon