PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT.
Cyru's POV.....
"Welcome to CBS Company, I hope you enjoy your staying here Mr. Brazil." sinalubong ako ng mga staff ng kompanya nang unang lumapag ang chapper ko sa Rooftop ng building.
"Thank you for the warm welcome Mr. Lao." isa isa kong kinamayan ang mga taong sumasalubong sakin.
Mga staff and other executives ng kompanya.
Si Mr. Lao ang may ari ng CBS Company at siya rin ang personal na magtoturn over sakin ng lahat. Meron pa naman siyang share at ito mismo ang nagrequest kay nilo na panatilihin ang 10% investment nito sa Company.
Nakangiti akong pumasok sa loob ng building. pinapaunahan ako ng tatlong bodyguard at dalawa sa likod. Bawat empleyadong nadadaanan ko ay nagpapahayag ng galak sa pagkakita sakin.
"ang gwapo gwapo ni sir." kinikilig ang nasa kaedaran kong babae habang kausap nito ang iba pang empleyada.
"Oo nga, naku pakiramdam ko nagtutubig na ang hita ko.." namumulang sabi pa ng isa.
nagwave ako sa bahagi ng mga kababaihan at hindi ko alam kong ano ang nangyari, may mga nag-aact na parang nahimatay sa ginawa ko at ang iba'y nakatanga habang ngumingiti ako sa kanila.
"This way sir." ginaya ako ng isang babae na hindi ko alam kong empleyado din ba sa kompanya dahil iba ang suot nito.
"Okay na ba ang presentation ng marketing team sa first meeting sa kanila." ani ko kay Dina na may chinicheck sa papel.
"Yes sir, okay na po ang lahat. ang iba pong grupo ay nakapresenta na, isa nalang po ang hindi." napahinto ako sa sinabi nito at nilingon ko siya.
"So How will I know kung pasado ang mga proposal nila kung hindi sila magpepresent ngayon."
Sandaling nag-isip si dina.
"Mr. Buenuventura's Secretary informed us na wala daw nagustuhan si sir Nilo sa mga nagpresent. I already sent you an email about this yesterday, hindi niyo pa po ba nababasa?"
ako naman ang natigil.
I haven't check my email since yesterday. siguro nga nandun na ang mga files na sinasabi nito.
Ang gagong yun talaga, pinangunahan pa ako sa diskarte ko.
nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang di kalakihan Conference room.
Bumungad sakin ang malapad na mesang gawa sa narra.
Kulay puti ang buong paligid, gayundin ang mga upuan na gawa sa kahoy.
More on gawa sa puno ang lahat ng upuan, maliban sa lalagyan ng projector.
Natigil ako sa paglalakad nang makita ko sa caller id ang pangalan ng investigator na inupahan ko.
I'ts been a month since na makarecieved ako ng impormasyon sa kanya.
They say may lead na daw ang mga ito kay Anna. hindi pa nila kiconfirm sa akin ang buong detalye dahil wala akong panahon makipagmeet sa kanila.
"sasagutin ko lang ang tawag Dina, pwede niyo nang simulan ang presentation." ani ko sakin secretary. hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at nagtungo ako sa daan kong san ang veranda.
"Sir, nahanap na po namin ang address na pinagtuluyan ng asawa niyo, tumira po siya sa isang bahay ampunan sa may bulacan. kinumpirma ho ng madre ang picture na bigay ninyo samin."
BINABASA MO ANG
THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)
RomanceSi Ana,isang babaeng nabuhay na walang ibang hinangad kundi ang makamit ang tiwala ng kanyang Papa. Wala siyang ibang ginawa kundi ang patunayan sa mga ito na hindi siya mahina. at nang makagraduate siya bilang Magna Comlaude ay labis ang sayang kan...