CHAPTER 31

109K 1.4K 14
                                    

-PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...


 

Cyrus POV...

Kinapa ko ang aming higaan at napabalikwas ako ng maramdaman kong wala akong kasama.

Nakaramdam ako ng kaba at pag-alala. Baka iniwan na ako ng aking asawa. 

Dali dali ko siyang hinanap simula sa Banyo.

"Anna, Anna.." ani ko habang naghahanap.

Tiningnan ko ang kanyang mga gamit, pero kompleto pa naman. 

Agad akong lumabas ng kwarto at sumalubong sakin ang mabangong amoy ng sinangag na kanin.

Dali dali kong tinungo ang kusina. Pigil ang aking hininga sa pag-aakalang wala don si Anna.

I sighed for relief ng makita ko siyang nakatalikod habang nagluluto.

Agad akong yumakap galing sa likuran.

She stiffed at mas lalo ko pang hinigpitan ang aking yakap.

Yung tipong hindi ko na siya pakakawalan sakaling bumitaw siya.

"Cyrus, nagluluto ako." ani nito.

Hindi ko siya pinansin, bagkus dinama ko lalo ang kanyang katawan.

God, I missed her. kahit magkasama kami sa iisang bubong, hindi ko pa rin maiwasan mamiss siya kahit konting oras palang kaming hindi nagkikita.

"Let me do this mommy, please.." bulong ko. nanatiling nakapikit ang aking mga mata.

Gusto ko siyang maramdaman. Gusto kong maramdaman niya ako.

Alam ko malaki ang kasalanan ko sa kanya at handa akong magpaliwanag. aaminin ko na ang lahat.

"I'm sorry about what happened yesterday." Hindi siya sumagot dahilan para mas lalo akong mag-alala.

"Maghahain lang ako Cy, umupo kana." bumitaw ako sa pagyakap at pinagmasdan ko na lamang ito habang naghahain sa mesa.

Mula sa pagbagsak at pagsabog ng buhok nito sa kanyang balikat, ang mapupungay nitong mga mata; ang matangos nitong ilong; ang labing gustong gusto kong angkinin; maging ang porselina nitong kutis;  lahat ng yun, naakit ako. 

Kahit simpleng paggalaw niya, naagaw ang aking atensyon.

maging kanyang paghinga'y naakit ako.

Hinawakan ko ang kanyang kamay. I hear her gasp, yung tipong nag-aabot din siya ng hininga.

"Let's eat mommy." ani ko at inalalayan ko siyang makaupo sa katabing upuan.

wala naman itong imik habang inaabutan ko siya ng pagkain.

"Wala ka bang pasok?" 

Umiling ako. Kailangan kong bumawi sa kanya. Ayos na ang problema sa branch namin sa Cebu, nagpadala si Nilo ng tao para magsupervise doon. Hindi ko na rin inaalala si tricia, siguro naman ay natauhan na ito sakin mga sinabi sa kahapon.

I have to make it up for her. kailangan mawala ang kanyang alalahanin sa mga nangyari.

"Cy.." ani Anna. nilinga ko naman siya agad. nakikita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.

"Yung kahapon kala mama.." hindi nito matuloy ang sasabihin. yumukod ito at tiningnan ang pagkain.

napalunok naman ako ng laway, pero handa ako sa kanyang magiging reaksyon.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon