CHAPTER 43

104K 1.5K 99
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT.


Cyrus POV....



Isang linggo na ang lumipas, mula ng trahedyang sinapit ni Anna at nang buo kong pamilya.


Maraming nagbago, at marami ang nasaktan sa mga nangyari.


Ilang suntok at sampal ang inabot ko sa pamilya ni Anna, kay Anton at sa mga taong malalapit sa kanya.


Pero wala akong karapatan na magreklamo at mangatwiran nasasaktan din ako sa nangyari.


Mas doble ang sakit lalo pa't tuluyan na ngang lumayo sakin ang aking asawa.


Halos araw araw ay nasa ospital ako.


Ginawa ko na nga itong bahay dahil ayaw kong iwanan si Anna.


Pero kung ilang sentemetro ang layo ko sa kanya, pakiramdam ko ay milya milya ang kailangan kong lakarin para maabot siya.


Pakiramdam ko ay may harang na malaking pader samin pamilya.


She never talk to me pagkatapos nitong malaman ang nangyari samin anak.


Kahit sa ibang tao ay ganun din.


Para kaming kumakausap sa buhay na bangkay. humihinga nga siya, pero hindi maramdaman ang kanyang presensya.


Lahat kami ay iniintindi ang kanyang kalagayan.


Alam ko ang sakit na mawalan ka ng anak dahil nawalan din ako.


Pero pakiramdam ko, kasabay nang pagkawala nang aking mga anak ay ang pagkawala din ng aking asawa.


Gusto nitong mapag-isa lagi sa kwarto.


Mas maswerte pa nga ang mga nurse dahil kinikibuan sila nito.

pero pagdating sa amin, kahit ang kanyang mga magulang; She treated us cold.


Palagi itong nakatanaw sa kisame, mulat ang mga mata pero wala sa sarili.


"Sa bahay tutuloy ang anak ko pagkalabas niya rito.." saad ni Papa bernardo nang muli kaming magharap harap.


Kasalukuyan natutulog si Anna at hinahaplos ni Mama Amanda ang mga buhok nito.


"Pero papa, mas makabubuti po sana kung sa bahay siya, don mas maalagaan ko po siya, mas mababantayan ko ho ang anak ninyo." Hindi ako papayag na mangyari yun.


Gusto kong makabawi.


Gusto ko siyang alagaan.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon