CHAPTER 7

116K 1.9K 35
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...


Natigil ako paglalakad ng makita ko si mama na umiiyak.Kaharap nito ang laptop at bahagya akong napasilip na nakaawang na pinto sa kanilang kwarto.

"Anak I'm sorry. Buntis ang kapatid mo. Kailangan panagutan ni Cyrus ang nangyari kay Anna."

"Ma, I'm trying to understand the situation. Pero hindi ko matanggap. Umalis lang ako para mag-aral. Ako dapat yun Ma, ako dapat ang ikakasal sa kanya." Kahit nasa malayo ako nakatanaw ay nararamdaman ko ang sakit na dinaranas ng aking kapatid.

Hanggang kelan ako makakaramdamn ng ganitong guilt sa mga taong nasaktan ko? at ang paulit ulit na pagpaparamdam nila sakin na ako ang may kasalanan ng lahat.

Hinawakan ko ang aking tyan. Hindi ko siya pwedeng sisihin sa anumang kamalian na nagawa ko sakin buhay. Biktima lamang ang batang ito at wala siyang puwang sa mundong aking ginagalawan.

"Bakit ganito ma, ako nalang ang nagbibigay palagi. Ako nalang ang umiintindi sa kanya. Pati si Cyrus, pati siya inagawa na niya sakin Ma. Pano na ako nito.. Pano na ako." Pinipiga ang damdamin ko habang nakikinig sa usapan nila ni mama.

Kahit kailan tricia, wala akong inagaw sayo. Wala akong kinuha. Kasi simula't sapol palang, Na sayo na ang lahat ng gusto ko. Ang mga taong mahal ko.

"I'm hurting ma. And I can't do anything. Pinili na niya si Anna. He chooses his responsibility kesa ang lumaban para samin."

"Tricia Anak, balang araw maiintindihan mo rin ang mga nangyayari."

"This is my entire fault ma. Iniwan ko siya. Binigyan ko siya ng dahilan para bumitaw. Ako ang nagtulak sa kanya para mangyari ito. It's my entire fault ma."

"Kung hindi ko sana siya iniwan para sa sarili kong pangarap. Kung hindi sana ako naging selfish para sa sarili kong kaligayahan. Kung sana inisip ko muna siya ma bago ang sarili ko."

Hindi ko na tinapos pa ang kanilang pag-usap. Sa araw araw na nagigising ako, palaging pinapaalala sakin ng mga tao na mali ang mga nagawa ko.

Walang katapusan, walang kapaguran. Para kaming nasa isang pelikula na may iba't ibang pamagat pero pare pareho ng mga nangyayari.

Naupo ako sa gilid ng aking kama at muling napahawak sakin tyan.

Hindi na ako nag-iisa. Kahit pakiramdam ko kalaban ko ang mundo, sa tuwing nararamdaman ko ang pagpintig ng puso ng munting nilalang sakin sinapupunan, napapangiti ako.

Ganito ba dapat ang nararamdaman ng isang ina. Ang maging masaya sa kabila ng katotohanan ang batang ito ay bunga ng isang kasalanan?

Napatigil ako sa pag-iisip.

Hindi kasalanan ang magsilang ka ng bata sa mundo. Kagaya ng sabi ni Mama, regalo galing sa Diyos ang lahat ng mga sanggol.

Kung sana kaya lang unawain ng ibang tao ang aking nararamdaman, hindi ko sana kinikimkim mag-isa ang lahat ng pasakit na ito.

Pang-unawa.

Alam ko kailangan rin iyon ng aking kapatid. Kailangan ko rin. Kung matuto sanang magbigayan ng ganun katangian ang mga taong nasamin palagid, alam ko hindi magigiba ang aming relasyon.

"I'm sorry for blaming you these past few days. Pangako ni mommy, gagawin ko ang lahat maibigay ko lang ang isang pamilyang nais mo." muling naglalamlam ang aking mga mata at ang luha ay nagbabadya na namang lumabas.

THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon