PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...
Lumipas ang tatlong buwan. Naging maayos ang pagsasama namin ni Anna.
Mas lalo akong naging responsible sakin pamilya at ganun din si Anna na mas lalo pa akong minahal.
Habang tumatagal ay parang nakakalimutan na namin ang kanya kanya namin pinagdaanan. I thought hindi ko matatanggap na magkaron ng ibang pamilya sa ibang babae pero nagbago ang pag-aakala ko na iyon dahil sa labis na kasiyahan na ipadama sakin ni Anna lalo pa't nalalapit na ang panganganak nito.
She is now in her 5 months. Medyo malaki na an kanyang tyan dahil kambal ang dinadala ni Anna. Hindi ko maitago ang excitement sakin puso at kahit sa opisina ay pinagmamalaki ko na magkakaron ako ng kambal na anak.
Uuwi rin sila Papa pagkatapos ng business trip nila sa Spain at kahit ang aking mga magulang ay excited rin sa kanilang magiging apo.
Nakatingin ako ngayon samin Wedding Picture. Casual lang pareho ang aming mga suot. Anna is wearing a white dress samantalang ako ay isang puting polo lang.
Pareho kaming nakangiti sa larawan. Ang ngiting parang walang iniindang sakit ng mg sandaling yaon.
Nadako ang mga mata ko sa ngiti ni Anna.
Napangiti rin ako ng di ko inaasahan sa mga oras na ito. How I love seeing that smile every morning I wake up.
At kahit samin pagtulog, hindi niya pinagdadamot ang ngiting iyon sakin. Bagay na mas lalo kong nagustuhan sa kanya.
Nawala na rin ang paglilihi ng aking asawa subalit nitong mga nakaraan buwan ay parati kong hinahanap hanap ang panakaw niyang pagpisil sakin tyan.
Ako na nga ang nag-iinsist na yakapin niya ako eh o di kaya ay kusa ko nalang siyang niyayakap.
I love her scent. Para niya akong dinadala sa isang lugar kong san maraming mga bulaklak at magagandang paro parong nagliliparan.
Ang kulay kape niyang mga mata ang siyang pumupukaw ng aking damdamin palagi.
At sa bawat paghaplos na ginagawa ko ay hindi ako nakakaramdam ng pagtutol galing sa kanya.
Minsan pa nga ay dumadating sa point na ako ang natutukso sa kanya.
Palaging may nangyayari samin tuwing gabi noong hindi pa ganun kalaki ang kanyang tyan. Kaya sobra sobra nalang ang pagpipigil na ginagawa ko ngayon.
Bakit ko nga ba siya hindi napansin noon? Nagkakilala kami ni Tricia sa isang event kong san pinapakita ang kanyang mga gawang painting.
Love at first sight nga siguro ang tawag don. Kasi simula ng gabing iyon ay hindi na siya nawala sakin isip. Nagpursige ako na makilala pa ang babaeng bumihag nang aking puso at dahilan ng pagregudon nito.
Ang babaeng pinangakuan ko ng pagbabago sakin sarili.
Isang taon na ang aming relasyon ng makilala ko si Anna. Mas nauna ko pa nakilala ang mga magulang ni Tricia kesa sa kapatid nito. Muntik ko pa ngang mapagkamalan kambal ang dalawa dahil halos buong feature nila sa mukha ay magkapareho.
Pero habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha. Nalaman ko na marami ang kanilang pagkakaiba.
Ang mga mata ni Anna ay ngumingiti kahit hindi Masaya. Samantalang ang kay tricia naman ay nagpapahayag ng katapangan nito sa buhay.
Iyon ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya noon. Ang pagiging independent nito sa sarili. Kaya nitong makipagsabayan sa lahat ng malalaking tao at hindi nawawalan ng kompiyansa sa sarili.
BINABASA MO ANG
THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)
RomanceSi Ana,isang babaeng nabuhay na walang ibang hinangad kundi ang makamit ang tiwala ng kanyang Papa. Wala siyang ibang ginawa kundi ang patunayan sa mga ito na hindi siya mahina. at nang makagraduate siya bilang Magna Comlaude ay labis ang sayang kan...