BACK TO MANILA....
" Tito Nilo meron ka rin po bang anak?" inosenteng tanong ni Cristine habang sinusuklay ang buhok ng bago niyang barbie.
nakita ko ang tila pag-iwas ng tingin ni nilo samin lahat. pinagmasdan ko siya kong sasagot ba siya sa tanong ng aking anak.
" You're barbie is pretty just like you." He tried to smile pero may kakaiba sa boses nito.
"Thank you Tito, mommy told me that I should always comb my barbie's hair. para palagi po siyang pretty just like me." nilagay ng bata ang suklay sa mesa at pinaupo ang barbie sa castle nito.
Napansin ko ang kulay green na mata ni Nilo.. siya lang itong taong kilala ko na inborn na ang kulay ng mga mata. Sa tuwing tinitingnan ko yun, naalala ko sa kanya ang kanyang Anak na si Caulder.
Kamusta na kaya ang batang yun? siguro nasa 8 or 9 na ito. Napakabibong bata ni Caulder. akala ko nga ay gagawin The III ni nilo ang kanyang anak. pero iniba nito ang pangalan.
Ano kayang nangyari sa kanila ni Tina. Hindi ko naman matanong si Cyrus tungkol don dahil ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko ang nobya nito. o kung nobya pa nga niya iyon.
Halos dekada na ang takbo ng relasyon ng dalawa kung susumahin pa pati ang mga taon simula pa ng high school ito.
Hindi ko masyadong kilala si Tina. mas close sila ng kapatid ko. Ang alam ko lang dati ay nagtatrabaho ito sa isang bangko sa may makati.
Wala naman kaming pormal na pagpapakilala dahil may ibang buhay ako noon.
"Tito Nilo let's play basketball." aniya ni Carlo. bitbit nito ang may di kalakihan bola na bigay nang lalaki.
nakita ko ang pagsigla ng mukha nito. biglang nagkaron ng buhay ang kaninang malungkot na anyo.
"Sure buddy." tumayo ito upang samahan si Carlo papunta sa labas. merun isang maliit na ring na pinagawa ko para sa pagbabasketball ni Carlo. aniya sakin ni Cyrus na aayusin niya raw dahil kinakalawang na ang ring at parang patumba na ang posteng pinaglalagyan non.
Sinilip ko ang dalawa. may sinasabi si Nilo na medyo hindi klaro sakin. tinuturo nito ang ring habang ginagaya si Carlo sa isang malapit na pwesto.
maya maya lang ay binigay ni Nilo ang bola at sumigaw ito.
"Go buddy!!" aniya.
Tumalon si Carlo at tinapon ang bola sa ring.
"Woooh!! Shoot!!" sigaw ng lalaki ng maipasok ni Carlo ang bola sa ring. Walang mintis.
"Nice one Carlo.." nakipag high five ito sa batang nagtatalon talon dahil sa pagkashoot ng bola.
Naramdaman ko ang kamay na umakbay sakin. sinilip ko iyon at si Cyrus na nakapwesto na sa tabi ko. hindi ko alam kong panu siya nakaupo don, siguro sadyang abala lang ako sa pagtingin kala Carlo na ngayon ay tinuturuan naman magdribol ni Nilo.
May hawak na kape si Cyrus at nakadekwatro. nakatuon din ang mga mata nito sa kaibigan.
" Caulder died a year ago ng umalis ka."
I was shocked ng sinabi niya yun. biglang may bumara sakin lalamunan na kung ano. nanlalaki ang mga mata ko dahil hindi ko magawang paniwalaan ang sinabi nito.
" He kidnapped back then and the suspect is Tina's Older brother." pagpapatuloy nito at humigop ng kape. pagkatapos ay tumingin kay Cristine.
"What's that baby?" aniya sa anak na kasalukuyan pinapakain ng kong ano ang laruan manika.
BINABASA MO ANG
THE UNFORGIVEN LOVE (under revision)
RomanceSi Ana,isang babaeng nabuhay na walang ibang hinangad kundi ang makamit ang tiwala ng kanyang Papa. Wala siyang ibang ginawa kundi ang patunayan sa mga ito na hindi siya mahina. at nang makagraduate siya bilang Magna Comlaude ay labis ang sayang kan...